JACKSON
Mabilis akong nakailag sa isa niyang pag-atake. Malakas siyang sumuntok ngunit, iyon ay hindi sapat upang matamaan niya ako. Hindi lamang lakas ang dapat na gamitin ng isang nakikipaglaban..
Dapat rin siyang magkaroon ng bilis at talino.
Napamura ako. Sht. Nanggigigil akong makakita ng dugo.
Umipon ako ng pwersa patalikod ng aking mga braso. Dapat ay malakas. Mas ikinuyom ko pa ang mga kamao ko. Gusto kong makakita at makaamoy ng dugo.
Hinahanap hanap ito ng buo kong sistema. Araw-araw. Gabi-gabi.
Mabilis kong itinapon sakanya ang pagka lakas-lakas na suntok.
Malakas na tunog ang ibinigay nito sa buong madilim at tahimik na eskinita.
Napangisi ako ng makita ko ang pagdaloy ng pulang likido sa kanyang bibig.
Dugo.
Agad naman siyang napasinghap at napamura sa binigay kong suntok.
''BWISIT!'' sigaw niya.
Napahalakhak ako.
Bakas na ang galit sa mukha niya.
Ganyan nga. Mas galit, mas masaya.
Aakma nanaman siya ng isang suntok, ng bigla kong hinawakan ang kanyang kanang kamay at tinadyakan siya ng sobrang lakas sa hita.
''Masyadong mabagal.'' asar ko pa. Ang hina niya. Lintek.
Napangiti parin ako ng malapad. Mabuti pang tapusin ko na'to.
''Argh! Jackson Evans! T*ng*na kang g*go ka!'' sigaw niya sa gitna ng pamimilipit sa sobrang sakit.
Nakahiga siya nang mag indian seat ako sa harap niya.
''Oh ano na? Ang lakas ng loob mong maghanap ng away tapos ay hindi mo rin pala kaya?'' mapang-asar kong tanong.
''T*ng*na mo! Makakaganti rin ako!'' sigaw niya.
Napangiti ako.
''Baka matagalan pa 'yun.'' sabi ko at tinadyakan siya sa mukha.
Agad na umagos ang dugo sa kanyang halos basag na mukha.
Hmmm. Aaaah!
Napasinghap ako ng makita ko ang dugong dumadaloy sa mukha at katawan niya.
Mas lalo akong ginaganahan gabi-gabi. Gustong gusto kong nakakakita ng dugo.
Shit.
Ang sarap sa pakiramdam.
Mabilis akong umakyat sa pader at naglakad sa mga dikit-dikit na bubong nga mga bahay.
Narinig ko naman ang alingaw-ngaw ng sasakyan ng mga pulis. Siguradong doon sila nagpunta sa binugbog kong lalaki.
Nakangisi akong naglakad palayo doon. Sa madilim na gabi, sa ilalim ng misteryosong buwan.
Walang sino man ang makakatalo sa akin. Walang makakapigil.
Dahil ako si Jackson Evans. Walang pamilya at kaibigan.
Ang tanging hinahanap ko ay mga sagot sa mga katanungan ko.
..
.
KARYNA
Lumabas ako sa dormitoryo. Nais kong makaharap ang mapangahas na nagbigay sa akin ng sulat at hinamon ako sa isang labanan.
Kahit na may pasok pa bukas ay isinawalang bahala ko iyon. Nangngigigil ako. Nais kong maramdaman nilang nagkamali sila ng binangga.
Nagpunta ako sa likod ng eskwelahan. Yun ang nakalagay sa sulat.
Napairap nalang ako ng matandaan kong 'hindi maaaring magdala ng kasama'.
Tch. At sino naman ang isasama ko? Hindi ako nakikipagkaibigan kahit na apat na taon na ako sa dormitoryong ito.
''Psh. How pathetic. Tignan mo nga naman kung sino ang may kasama. Takot ka ba dahil gabi na at madilim? Baka kunin ka ng multo?'' pang-aasar ko.
''Tumahimik ka! Epokreta.''
''Hah! At ako pa talaga ang epokreta. Masyado kang mapangahas upang kalabanin ako.'' sabi ko.
Nakakairita. ang lakas ng loob niyang maghanap ng away, tapos siya pa ang may dalang back-up.
''Wag mo kong maliitin Karyna Lewis.''
''Tch. Tama na ang satsat!'' sigaw ko. Atsaka ako nagbukas ng bubble gum.
Agad naman siyang sumugod.
Malayo pa siya kaya't humanda rin akong umatake.
Nang makapunta siya sa tamang distansyang tinatantsa ko, agad ko siyang sinipa sa dibdib.
*evil grin*
Napaatras siya sa atakeng yun. Rinig na rinig ang putol-putol na paghinga niya.
Hawak-hawak niya ang kanyang dibdib. Antagal naman. Tss.
''Kaya pa? Nakakainip kang kalaban.'' sabi ko saka aakma nang umalis.
''Sugurin niyo siya!'' sigaw niya.
Aakma na sanang susugod ang dalawa niyang alipores nang humarap ako.
Fck.
Lumabas nanaman ang pinakatago-tago ko.
Nakikita ko ang takot sa mga mata nila. Nararamdaman ko ang nangyayari sa aking mga mata pero, alam kong hindi lang ako ang nagbibigay ng takot na iyon.
Dahan-dahan akong humarap.. at ang tanging nakita ko ay parang isang..
.
.
demonyo.