[ Chapter 5 - My super hero ]
Phobie's POV
"Bespren? bakit tulaley ka diyan? hindi mo man lang ba ako papansinin. Yohoo!" Narinig kong sabi ni Jing.
"Hah?"
"Hah? ka diyan! bakit anong nangyari sayo?" She asked me. Tumingin naman ako sa kaniya at kusang yumakap. Ang sakit! Girlfriend niya ba iyon? Ano nalang ang mangyayari sa akin?
"W-Wala n-na miss ko lang si Lola" Palusot ko nalang. Wala ako sa mood para nag kwento, maalala ko lang ulit at baka maiyak pa ako.
"Wahhh! Hindi naman ako ang Lola mo bespren!" Panik nito. Nandito kami ngayon sa garden, sinamahan ko lang s'yang hintayin si Joshua.
"Edi hindi na kita yakapin, yan na! happy?" Ngumiti naman siya sakin.
"Happy lang dapat bespren eh, kaya don't be sad." Sabi ng bespren kong kalog. Malungkot ba ako? Hindi naman ah.
"Sige. Ayan na si Joshua oh? iwan ko na kayo dito." Sabi ko at tumayo na. Tumango lang siya saka ako niyakap, may binulong pa siya sa akin pero hindi ko naman narinig.
Lumakad na ako palayo roon, no'ng nakita ko ni Joshua ay binati niya ako, kaya binati ko din siya pabalik. Makaalis na nga, napahagikhik nalang ako habang naiisip kong gaano sila ka sweet ni Jing mamaya.
---
"Twinkle twinkle little star! abcdefghijk--- wahhh buntot ng unggoy!" Sigaw ko ng biglang sumulpot si Charles saking harapan. Nakatingin lang ito sakin ng blangko. Napairap pa siya sa akin, ano naman ang nagawa kong mali?
"W-Why did you leave me at the Parking lot?" Malamig niyang tanong. Pilit kong tinatago ang emosyon, hanggang ngayon ay sariwa parin sa alaala ko.
"K-Kasi k-kasama m-mo n-naman y-yung n-nobya mo" utal utal na sabi ko. Pack pack grabe yung kabog ng dibdib ko! Natatakot lang siguro akong malaman ang totoo, o kaya baka magalit sa akin si Charles.
"That Girl is not my Girlfriend" he said coldly. Is he just lying, right?
Kung totoo nga ay dapat na siguro akong sumama sa Party party mamaya. Ewan ko ba feeling ko kumislap ng ubod ng kinang ang aking mata dahil sa aking narinig ngayon. Nag emote pa ako kanina sayang yung luha ko!
"W-Weh?"
"That Girl is just my C-Cousin." Sabi niya. Kaya pala masaya siya dahil nakita niya ang pinsan niya? Ang bobo ko talaga! bakit hindi ko muna inalam! Masakit kaya!
"O-Okay, b-bakit ka andito?" Kinakabahang tanong ko. Ayaw mawala ang kaba sa dibdib ko kapag kaharap ko siya.
"You have a class yet?" Tanong niya. Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko. Umiling ako, yung dila ko kasi ayaw mag salita. Naputol ata, ngumuso nalang ako sa kaniya.
"Let's go" Sabi niya at tumalikod na para umunang mag-lakad.
"Okay! everybody let's go! Let's go" Kanta ko pa...Teka? Saan kaya kami ma let's go?
"T-Teka saan tayo pupunta?" Sigaw ko pa, Wah leche na bunganga ito sigaw ng sigaw!
"Stop shouting Childish Girl" Tss saan yung sagot n'ya sa tanong ko?
BINABASA MO ANG
That Childish Girl Is My Slave
Novela JuvenilPhobie Dela Cruz is the girl has a childish attitude, she fell in love with Charles John. She's willing to do everything for Charles sake, to the point she have to agree that she will be slave of him. Charles John Pinalba (Gomez) is afraid to love a...