Enjoy reading my Cutreass!
[Chapter8- Moment with him]
Phobie's POV
Napasigaw agad ako ng nagising ako, napanaginipan ko siya! Mahal niya daw ako pero mas pinili niya ang gusto niya. Binalewala ako na Mahal niya? Isa lang 'yung nightmare! hindi naman mag kakagusto sakin si Charles.
Ang gusto niya yung sexy? eh ako sabi nila chubby daw ako, pero hindi naman ako mataba hindi rin payat, katamtaman lang. Si Briana na 'yon ang sexy n'ya, lahat yata ng damit niya ang sexy nakikita yung legs niya na maputi at para din siyang dancer ni Kuya Willie.
Ano ba tong naiisip ko! Friday ngayon kaya puwede na hindi kami mag uniform. What if gayahin ko si Briana? Magustuhan din kaya ako ni Charles kapag ginaya ko ang style ni Briana?
Mabilis akong naligo, excited akong makita ang Kamahalan!
Nag tapis ako ng tuwalya bago lumabas ng banyo. Sinuklay ko muna ang mahabang blonde na buhok ko na may curl sa dulo. Napatingin naman ako saking dibdib, hindi naman ako flat eh! Ang laki nga, ito talaga yung problema ko noon eh, kasi naman ang kati kati tas lumalaki!
Kinuha ko yung binili ni Lola sakin na Dress, Buti nalang binilhan niya ako, kung wala mapipilitan akong mag suot ng daster. Ang ganda pero hindi talaga ako sanay mag suot nito, kasi masyadong sexy. Pero para kay Charles, gawin ko ang lahat. Nakikita yung legs pag sinuot ko at kulay black tas may sleeve at may design na heart sa dibdib. Bahala na nga ito nalang ang suotin ko. Nag sling bag ako ng itim, binili din ni Lola. Black heels na 1inches ang sinuot kong sapin. Magustuhan n'ya kaya ako? Si Briana nga sobrang sexy yun, maikli pa sa suot kong ito ang dress niya tapos yung heels niya sobrang taas.
Bakit ko nga ba kinokompara kay Briana ang sarili ko?
---
No'ng g naka pasok ako sa University ay puro papuri ang narinig ko 'bagay sa kaniya' ganyan tas 'ang ganda niya' ‘yung iba naman 'Pasikat din' tas 'mas sexy ako' Sa daming pagmumukha ang nakikita ko, tanging hinahanap ng mata ko ang pagmumukha ni Charles.
No'ng nakarating ako sa building namin ay sinalubong agad ako ng bespren ko.
"Bespren ikaw ba yan!? Himala nag ayos ka yata? Saan ba ang audition?" Napatalon nitong sabi na parang gulat na gulat pa. Napangiti lang ako sa kaniya.
"K-Kasi naman bespren ginagaya ko lang si------ Briana, babae ni Charles. " Ngiting bulong ko pa.
"Tama Yan! Maganda ka pa sa kaniya!" Ngisi n'ya sa akin. Nag usap lang kami ni Jing hanggang sa mag umpisa na nag klase. Nakikinig naman ako pero lumalayag ang isip ko.
Finally Lunch na, assual ay nag lalakad na ako papunta sa Criminology Department. Dala ko yung niluto kong adobong manok' dalhan ko narin si Charles ng ulam, nag lagay na ako ng para sa kan'ya sa extra tupperware ko at .... para kay Lola ang natira, alam kong favorite ni Charles' ang manok kahit anong luto pa yan ay kakainin niya parin syempre.
Nakarating na ako sa stock room na tambayan ni Charles, binuksan ko agad at hindi nga ako nag kakamali dahil nandito siya. Naka upo siya sa silya at nakatalikod ito sakin. Nakasuot ito ng uniform, himala parang nag-aaral ata siya, may hawak kasi siyang notebook at parang nag susulat. Mahirap pa naman ang course niya tas madalas siyang nag ski-skip. Pumasok yata siya ngayon? kahit badboy siya alam kong nag aaral din siyang mabuti, depende nga lang sa mood.
"H-Hmmm" tikhim ko. Kumakabog naman nag dibdib ko at parang nag wawala naman ang puso ko. Just relax Phobie! Sinara ko na yung pinto at nag lakad palapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
That Childish Girl Is My Slave
Novela JuvenilPhobie Dela Cruz is the girl has a childish attitude, she fell in love with Charles John. She's willing to do everything for Charles sake, to the point she have to agree that she will be slave of him. Charles John Pinalba (Gomez) is afraid to love a...