Chapter 47

572 35 0
                                    


Tinitignan ni Kylo mula sa bintana sa library si Phemie na nakaupong muli sa bench na inuupuan din nito kahapon.

Napapangiti at napapailing siya sa tuwing maiisip na nahulog ang loob niya sa babae. Sa taglay nitong katapangan nakapaloob naman ang kalungkutan sa puso nito dahil sa wala sa piling ang taong minamahal.

Well, ito na ang pangalawa. Pangalawang babaeng nagustuhan niya bukod kay Coleen. Tama, nagustuhan niya rin noon si Coleen.

FLASHBACK

Naisip na niyang bumukod sa mga magulang hindi dahil sa gusto niyang maging independent kun'di dahil parang ganoon lang din naman, wala rin siyang nakakasama sa bahay dahil palaging busy ang kaniyang mga magulang sa business nila.

Napalingon siya sa pintuan ng pad niya nang marinig na tumunog ang doorbell. Nagtungo siya doon at binuksan ang pinto.

Bumungad sa kaniya si Coleen na nakangiti sa kaniya. "Hi!"

"C-coleen, what are you doing here?" Gulat niyang sambit.

Pumasok si Coleen sa pad niya at iniikot ang tingin sa buong silid sabay harap sa kaniya at ngumiti ng malaki. "Nabalitaan ko kasing lumipat ka na sa pad so nandito ako para maging unang bisita ng pad mo." Sabay kinindatan siya nito.

Naramdaman niyang umakyat ang init sa kaniyang tainga at sigurado siyang namumula na iyon ngunit hindi niya pinahalata sa mukha ang makikita sa tainga. "You should't be here---"

Hindi siya nito pimansin at pinasok ang kusina niya. Maya-maya'y bumalik ito na may bitbit na bote ng alak at dalawang baso saka pinasok naman ang kwarto niya.

Kung iisipi'y parang kay Coleen pa ang pad dahil feel na feel nito ang pad niya ngunit hinayaan niya na lamang at pumasok din ng kwarto.

"You should leave. Kung makikita 'to ni Vladimir, iba ang iisipin niya." Aniya pagpasok na pagpasok palang ng silid.

Tila bingi naman na ibinigay sa kaniya ni Coleen ang baso na may lamang alak. "Let's enjoy this night, Jastin. Huwag kang kill joy."

Napahinga siya ng malalim. Naalala niyang matigas nga pala ang ulo nito at kahit si Primo ay nahihirapang pasunurin ito.

Tinignan niya ang hawak na baso ng alak matapos ay inisang lagok iyon. Napatingin siya kay Coleen nang tumawa ito matapos ay biglang lumapit sa kaniya at ikinawit ang dalawang kamay sa batok niya.

Kumagat-labi si Coleen. "I want to kiss you, can I?" Nag-puppy eyes ito sa kaniya saka bumaba ang mata nito sa labi niya.

Napalunok siya saka hinawakan ang kamay nito sa batok niya at tinanggal iyon. "This is not right. Umuwi ka na."

Hindi naman nagpatinag si Coleen at mas inilapit pa ang mukha sa kaniya. Sinadya pa nitong pagdaplisin ang mga labi nila kaya't mas lalo siyang napalunok.

"Tinatanggihan mo ba ako, Jastin?" Malambing na bigkas nito sa pangalan niya.

Tila naman namumuo ang pawis niya sa noo saka bumaba ang mata niya sa labi nito. "H-hindi naman sa ganoon p-pero---" Mabilis na pinaglapat ni Coleen ang labi nila na ikinalaki ng mata niya.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon