" SOFIA CLAIRE'S POV "Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa may bintana dahan dahan kong nilibot ng tingin ang paligid ng silid sabay napabalikwas ako ng bangon ng maalalang wala na pala ako saamin,
Dali dali akong nagtungo sa banyo upang magtoothbrush at maghilamos kasunod ay tinali ang lagpas balikat kong buhok bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Naalala ko ang lalaki kagabi,andun parin ito sa sofa at mukhang himbing parin sa pagtulog.Nagtungo na ako ng kusina at naghanap ng pwedeng lutuin sa loob ng refregarator.
Hanggang sa natapos na nga akong magluto.Ala syiete na ng umaga tulog parin ito,nagligpit nalang mona ako ng mga kalat sa kusina at hinugasan ang mga nakatambak na mga hugasin sa lababo na inaamag na doon marahil sa tagal.
Habang naghuhugas ay may narinig akong dumadaing,napatingin ako sa pinagmulan ng boses niyon at nakita ko ang lalaking nasa sofa sapo nito ang sariling noo habang dahan dahang bumabangon paupo sa sofa.
Gising na ang lasing.Sa isip ko habang nakatingin parin dito,muli kong ibinaling ang atensyon sa ginagawa.
Ahhh! Araaay!Narinig kong daing muli nito at nagmura pa ng sunod sunod.
Naramdaman kong tumayo ito at nagtungo sa cr dahil narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa gripo,ilang saglit pa ay lumabas muli itong sapo parin sariling noo.
Yan kasi inom pa more.Mahinang kong saad habang patuloy sa pagkuskos ng pinggang hawak ko.
Muntik konang mabitawan ang babasaging platong hawak ko sa gulat ng biglang magsalita ito sa likuran ko.
Who the hell are you?Galit na tanong nito na ikinalingon ko.
Napatingin ako sa mukha nito at kitang kita ko sa mga mata nito ang inis habang masama ang mga tinging nakapukol saakin,
Di ako nakaimik diko alam kung ano ang isasagot ko at walang salita na gustong lumabas mula sa bibig ko dahil sa pagkabigla.Who are you para sabihin yun ha?Singhal nito.
Wala kang alam dito kaya itikom mo nalang yang bibig mo kung ayaw mong i stapeleer ko yan!Pasigaw at may halong pagbabantang saad nito.
Hindi parin ako makapagsalita sa halip ay nagpatuloy ito.
Siguro bagong hire ka nanaman nila mommy at daddy noh?
Para mag espiya't taga sumbong kung anong mga kagaguhan ang pinag gaga gawa ko,diba tama ako?Galit paring saad nito.Pwes di niyo ako mapapatino,pustahan tayo dika aabutin ng isang linggo dito.Pahabol pa nitong may kasiguraduhan sa mga huling sinabi at nagawa pang tumawa ng pakla.
Diko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko dahil sa ginawa nitong paninigaw,kahit kailan ay wala pang may nanigaw sakin.
Bigla itong tumawa ng malakas na nagpabalik sa kamalayan ko.
See,suko kana agad diba?
You can leave NOW!Sigaw muli nito na may diin sa huling sinabi habang itinuturo ang pintuan palabas.Naalala ko ang sinabi ng amo kong babae kagabi na hindi ito ang totoo kong amo at hindi rin ito ang mapapa sweldo saakin.Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob kung kaya't binulyawan ko ito pabalik.
At sino ka para sigawan ako ha?Singhal ko dito pabalik.
Wala kang karapatang paalisin ako dito dahil hindi naman ikaw ang magpapasahod sakin,anak kalang at hindi ikaw ang amo!Pabalang kopang saad dito.
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
Художественная прозаIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...