Chapter 4

22 3 0
                                    


Chapter 4

Amber

Masaya kaming naglalaro ngayon ng ni papa ng bahay-bahayan sa ginawa niyang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Kunware ay nagluluto ako ng barbecue gamit ang mga dahon tapos nakaupo lang doon si papa at nanonood sa akin.

"Dito na ang meryenda!" Sabi ni mama habang dala-dala ang isang tray ng pagkain.

Agad naman akong tumayo at kumuha.

"Mama, napakasarap naman nitong baked macaroni ninyo!" Sabi ko bago sumubo ulit.

Naupo na rin si papa at kumain.

Ngumiti naman si mama, "Talaga? Unang beses ko pa lang naman 'tong gawin. Salamat, anak."

"Walang anuman po!"

Patuloy lang ako sa pagkain ng meryenda. Nandoon si mama sa kusina para kumuha ng tubig.

Nagulat naman ako nang tawagin ako ni papa, "A-anak, t-tulong!" Nanginginig na siya ngayon habang nakahandusay sa lupa. Sumuka na rin siya ng kinain niya.

"P-papa?! A-anong nangyaya-r-ri?!" Nanginginig na ako ngayon sa takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"M-mama! S-si papa po! Huhuhu!" Hagulgol ko.

Agad namang nabitawan ni mama ang pitsel at mga basong dala niya at mabilis na pumunta kay papa.

"Jusko! A-agustin! A-anong n-nangyayari?!" Nanginginig na rin ngayon si mama sa takot. Nakatayo lang ako rito at hindi alam kung anong gagawin.

Tinapat ni mama ang kamay niya sa dibdib ni papa at may lumabas na kulay violet na ilaw sa palad niya. Nagulat naman ako sa ginagawa ni mama. May powers ba siya?

Nakanganga lang ako dito at gulat na gulat sa nangyayari.

Inulit niya lang nang inulit ang ginagawa niya hanggang sa ikatlong beses.

"M-mama, ano pong ginagawa niyo?"
Tanong ko pero hindi niya ako pinansin dahil umiiyak pa rin siya at inuulit ang ginagawa niya. Malakas ang kutob ko na inililigtas niya si papa.

Ngunit maya-maya lang ay tumigil na sa panginginig si papa na siyang ikinatigil ng mundo ko.

"P-PAPA?!" sigaw ko. Hindi 'to pwede. Ayaw ko pang mamatay si papa.

"AGUSTIIINNN!" Hagulgol ni mama. Lumuhod ako para mayakap ko ang bangkay ni papa na ngayon ay akay-akay ni mama.

*

Nagising ako dahil sa isa na namang panaginip. Hula ko ay related ito sa naging panaginip ko noong nakaraan.
Yung lalaking nakahandusay ay si papa tapos yung babae naman ay si mama. Tapos ako yung batang babae.

Sa wakas ay nakita ko rin ang mukha ng mga magulang ko kahit sa panaginip lamang. Hays. Sana lang talaga ay buhay pa rin si mama. Mga panaginip ko nalang talaga ang nagsisilbing alaala ko sa kanilang dalawa ni papa.

Naupo muna ako sandali at nagkusot-kusot ng mga pretty kong eyes. Wala na si Talia sa kama niya. Teka, anong oras na kaya?

Tumingin ako sa labas ng bintana, medyo sumisilip na ang araw sa langit.

Lumabas na ako ng kwarto. Naliligo na si Talia kaya naisip ko na baka luto na rin ang agahan.

"Oh, parang ngayon ka lang nagising ng 5:30 ah. Handa ka nalang ng hapag, Amber. Magbibihis lang muna ako." aniya.

Tumango ako, "Sige."

*

"Okay! Proceed na tayo ngayon sa kung anong team kayo. 30 kayong lahat so bale, 15 each team. I have made a list of your teammates already. Wala ng reklamo, ha? Understood?" Umalingawngaw sa covered court ang boses ni Sir Mellejor, ang coach ng volleyball dito sa school.

AMBERWhere stories live. Discover now