Chapter 14

79 15 6
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga salitang narinig ko. Tama ba ang rinig ko? Na mahal niya ako? Ni Adriel? Ng taong walang ibang ginawa sa akin kundi ang asarin, kagalitan at ipagtabuyan ako?

Napapikit ako ng mariin.

“I love you, Betryle,” sambit niyang muli.

Napatangin ako ng diretso sa kanyang mga mata at pinagmasdan ang ganda ng mga iyon. Hindi ito panaginip. Totoo ito, totoong sinabi niyang mahal niya ako. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung paano nangyari iyon...

Inalalayan ni Adriel ang kamay ko sa tabing espasyo sa gilid niya para umupo roon. Nang makaupo na ako ay humarap siya sa akin.

“S-Sa Afghanistan... dun tayo nagkakilala,” sambit niya. I gaped because of what I’ve just heard.

I shrugged while my eyes remained round in shocked. I can’t believe that we really met in Afghanistan. I struggled to put my thoughts into words because I still can’t believe that Adriel and this whole thing really have something to do with me. I sniffed when my eyes were filled with tears. I just can’t hide this anymore.

Napayuko ako at pinagmasdan ang luha ko sa pagpatak nito sa aking damit. “Hindi ko maalala...” bulong ko. “I'm sorry dahil hindi ko maalala.”

“I am so sorry, Adriel...” I sobbed.

Sa lahat ng nararamdaman ko ngayon ay iyon na lamang ang kaya kong sabihin... that I am really sorry.

“Shush…” hinagod niya ang likod ko sabay hawak nito sa aking kamay. “It’s okay, Betryle. Alam ko na ang lahat at naiintindihan ko na. Hindi ko dapat pinaramdam sayo ang lahat ng mga bagay na iyon. Hindi ko dapat hinayaang ang sarili ko na saktan ka dahil sa galit ko, patawad..."

To my surprised, I hugged him so tight. I started crying harder on his shoulder without any words coming out from my mouth. This feeling... I felt this before. I know in my heart. Alam ko ang pakiramdan na ito... na yakap-yakap siya. Hindi ko lang alam kung paano at saan.

We broke the hug when my phone rang. I stood and quickly grabbed my bag to get my phone. I answered the call, it's dad.

["Betryle? Nasaan ka na? Nag-aalala na kaming lahat sa’yo..."] Tumingin ako kay Adriel.

“Pauwi na po... Don’t worry, I am safe.”

Tumayo na ako at kinuha ang susi ng kotse ni Jayson sa table. Pagharap ko kay Adriel ay may dala na itong jacket at lumakad palapit sa akin.

“Isuot mo ‘to at mahamog na. Ihahatid na kita...” he insisted. I just stared at the leather jacket when I remembered the time at Summer Camp that he also let me wear his jacket.

Hindi na ako naka-hindi dahil alam kong hindi ako mananalo. Iniwan ko lang ang kotse ni Jason dahil kotse ni Adriel ang sasakyan namin pauwi. Kukunin nalang daw ito ni Jason dito bukas.

Tahimik lang kami ni Adriel sa biyahe. Dumaan kami sa isang shop kung saan binilhan niya ako ng fresh milk.

“Salamat..." I bit my lower lip dahil nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam dahil masiyadong mabilis ang nangyari ngayong gabi. All of a sudden ay nabuksan na ang pintong sobrang nais kong pasukin. I leaned my head on the window and carefully watched the light that just passing by in my vision.

Nabalot ng katahimikan at awkwardness ang sasakyan niya. I stared at the milk that he gave me then I stared at him... smiling.

“Pagkatapos mong inumin yan ay matulog ka muna kasi medyo mahaba pa ang biyahe natin...” I just nodded. Hindi kasi sa town ang condo unit niya kaya medyo napalayo sa bahay ko. Ininum ko na ang one bottle of fresh milk at matutulog muna ako sa biyahe dahil late na ito. Hindi pa naman maganda sa akin ang nagpupuyat.

Me & You: Between Life And Death (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon