Chapter 9: First Love

45 5 0
                                    

"Chat ko kaya si Paulo?" Bulong ko.
"Wag na. Nahihiya ako. Ay walang-hiya nga pala ako, sige chachat ko na."

Agad-agad kong kinuha ang aking cellphone na nakalagay sa ibabaw ng cabinet ko. Sinearch ko ang name ni Paulo.

"Paulo Tecson." Bulong ko sa aking sarili habang hinahanap ito.

"Ayan! Tignan mo nga naman kapogi-pogi talaga ng Paulo ko." Pagaakin ko sa kanya.

Di na ko nagsayang ng oras chinat ko na si Paulo.

Pero, Kasesend ko palang ng "Hoy!" nagreply na rin agad siya ng Hoy.

"Aba!Aba! Nagbabalak den ata itong  kausapin ako ah. Tch." Pag-aassume ko. Pero, Syempre kinikilig si ate noh.

"Hmm, Magprapractice ka bukas?" Tanong ko.

"Opo!" Reply nya.

"Kainis to si Paulo, nagoopo sa akin. Masyado kang magalang bhoi!" Muli kong bulong sa aking sarili.

"Wag ka na mag-opo pakiramdam ko sobrang tanda ko na." Reply ko sa kanya.

"Sige sige." Sagot naman niya.

Paulo cleared your nickname to ZeZe.

Nagulat ako ng bigla nyang palitan ng ZeZe ang nickname ko. Napatitig ako  sa Cellphone ko.

"Sh*t! 'Bat bumibilis tibok na puso ko?!"

"Grr Paulo! Ano bang ginawa mo? 'Bat ba ko nagkakaganto?"

" Gusto ko simula ngayon, ZeZe na itatawag ko sayo."
Chat nya sa akin.

"WAAAAHHHH!!!!! PAULOOOO!"

" Bakit ZeZe? Kung pwede mo naman ako tawaging Zein?" So, Syempre si ate ghorl, pagirl muna sandali.

Deep inside, gusto kong sirain bahay namin sa kilig.

" Hmm... Cute nya kasi pakinggan, parang ikaw lang."  Reply nya sa akin. Sa reply nyang ito halos mabaliw na ko. Di ko na alam gagawin ko. Parang gusto kong magwala! Pero, gabi na papatayin ako ng nanay ko!

"Paulo! Paulo! Tama na! Sumosobra ka na!" Sabay kong tampal sa sarili ko.

"Zein! Nickname lang yan! Wag masyadong OA." Pagpapaalala ko sa aking sarili.

Pero, wala talaga. Kinikilig ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tila ba nakikipag-unahan sa pagtakbo at si Paulo ang papremyo kaya gustong manalo.

"Hmm, Ikaw? Wala ka bang gustong itawag sa akin?"  Pagtatanong nya.

Di ko naman hahayaang siya lang. Syempre dapat ako din. Kaya naman mula din sa mismong pangalan nya...

You cleared Paulo's nickname to Paupau.

"Ay! Alam mo ba? Dati yan tawag sa akin ng mga kaibigan ko or family members. Pero iba spelling, pawpaw. HAHAHAHA!" Pagkwekwento nya.

"Ay weh? HAHAHAHA!" Reply ko sa kanya.

Humaba pa ang aming kwentuhan. Pero, ang tibok ng puso ko di parin nagbabago. Tila nagkakandaripas parin sa pagtakbo.

Hanggang sa nabanggit ni Paulo si Kim.

Paulo: Nga pala, Nakausap mo na ba si Kim?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TILL I MET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon