Lumabas na kami ni Stella ng condominium ni Lee Jong Suk habang tulala akong naglalakad. Paulit ulit sa utak ko yung sinabi niya.
"Ferra, It is nice meeting you again!"
"Ferra, Ferra, Ferra, Again, Again, Again" MABABALIW NAKO!
Sinabunutan ko yung sarili ko na parang mababaliw na. Bigla naman ako tinapik ni Stella dahil naweweirduhan na sakin to.
"Huy ma'am Yasmeen, ano nangyayari sayo?" Tanong niya sakin
"Hindi mo ba narinig yung sinabi kanina ni Lee Jong Suk sakin? Stella, tinawag niya akong Ferra, kayo kayo lang ang tumatawag sakin non. Tapos sabi nya nice meeting you again, anong AGAIN?!" Nababaliw kong sabi
Nakakunot na noong tumingin sakin si Stella.
"Ma'am Yasmeen, ayos lang po ba talaga kayo? Kung ano ano na po naririnig niyo e." Sambit niya habang naguguluhan sa mga sinasabi ko
"So wala ka talagang narinig? Ano yun nagiimagine lang ako ganon? Imposible!" Palaban kong sagot.
Ano yun nagiimagine ako ng kung ano ano? Ako lang nakarinig at di yun narinig ni Stella, baka nga nagiimahinasyon lang ako dito. Umayos ka nga Ferra, artista yun. Malayong malayo estado ng buhay niya sayo.
Inayos ko ang sarili ko at ibinaling nalang ang atensyon kay Stella.
"Stella, ano tara na? Excited na ako sa last itinerary natin!" Masaya kong sabi.
Syempre makakagala na kami. Namiss ko din talaga siya ng sobra. Bukod kay Aly, isa din siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko talaga ng sobra.
"Ferra na itatawag ko sayo ha? Wala na tayo sa work." Sabi nya
"Oo naman, tara na at gumala." Excited kong sabi
Sumakay na kami sa sasakyan at pumunta na kami sa Lotte World. Waaaaaah! Namiss ko dito.
Para akong bata na tumakbo habang hila hila si Stella papasok ng theme park. Paborito ko talaga ang mga ganitong lugar. Alam na alam pa din talaga ni Stella ang mga gusto ko.
Niyakap ko siya habang nagsabi ng thank you. Sobrang naappreciate ko lang talaga yung ginawa niya.
Nagikot ikot na kami at sumakay sa maraming rides. Masaya naming nilibot lahat. Napagod na kami kaya umupo na muna kami sa isang bench.
"Ferra! Tingnan mo oh, may concert! Minsan lang mangyari yan dito, tingnan natin kung sino invited guest nila" excited niyang sabi.
Hinatak niya ako palapit sa stage kaya sobrang lapit namin at tanaw na tanaw namin ng malapitan yung artista.
Nagulat ako. Siya nanaman? E kakakita lang namin kanina ah. Ang bilis niya naman pumunta dito. Sinusundan niya ba ako? Wow ang feelingera ko.
Nanood kami ni Stella at nagulat din siya dahil si Lee Jong Suk namaman yung nasa harapan namin.
Di ko alam kung bakit bigla nalang siya nagpaguest dito, at take note ha, biglaan pa to? Weird.
Mas lalo akong naintriga kung sino nga ba talaga tong artista na to. Artista nga lang ba talaga siya para sakin?
Naguluhan ako lalo sa ginawa niya.
Grabe bakit kailangan niya gawin yun.
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong artista
FanficHi ako si Yasmeen Ferranco Jung Ocampo, oo tama ka half korean and half filipino ako. Hindi ko inaasahan na paggising ko isang malaking offer ang matatanggap ko, at ang pagttrabahuan ko, ay... isang.... artista?!