DAHIL sa nangyari nung nakaraang gabi sa cafe hindi na naman ako nakapag isip ng tama at makafucos sa trabaho. Ilang beses bumabalik sa isipan ko ang mapusok niyang halik masarap sa pakiramdam lalo na nang tudyuin ng dila nito sa labi ko at nakapasok sa loob ang dila nito. Pero dahil sa pagkabigla natuhod ko siya,lihim akong napangiwi nang mamilipit siya ng sakit,at sininghalan ko ito na kunwari nagalit pero sa loob loob ko gusto ko rin naman. pero no way hindi ko ipapakita na nagustuhan ko ang paghalik niya' yon ang ikalawang beses niya akong halikan. Una sa bar kong saan nabigla siya dahil nasipa ko mabuti nalang talaga na off ko ang cctv ng bar bago ako umeksena kond nagkataon siguro nahanap na niya ako.
Inayos ko ang table dahil uuwe na ko hindi naman ako masyadong nakapukos sa gawain dahil sa halik na yon. Paglabas ko ng presinto nagdrive ako patungo kay general para itanong kong may umaasikaso na ba sa kasong binitawan kong imbestigahan. Magmula nang may nangyari sa kapatid ko binitawan ko ang kaso ng mga Francisco hindi dahil sa ayaw ng mama ko kundi gusto kong mapanatag ang kalooban nito sa tuwing lalabas ako ng bahay. Simpleng pag iimbestiga lang ang ginagawa ko pero kapag malalaking kaso hindi na ako humahawak. Pagkapasok ko ng Headquarter ni general nakasalubong ko naman ang mga adonis na nagtatrabaho dito pero isang adonis lang ang gusto ko,sus si Francisco ba yon? kunwari ka pa' hindi ko nalang pinansin ang mahadera kong utak.
"Hi Gabrielle long time no see ha! ngayon ka lang ulit nagawi dito." bati sakin ng isang adonis ewan hindi man lang ako tinatamaan sa kagwapuhan ng mga ito. Pero kapag ang binata presensya pa lang nun nagrarambulan na ang mga paro paro sa tiyan ko at nagkakarerahan ang mga kabayo sa dibdib ko. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang nasa tapat ng ko ng pinto kumatok muna ako bago pumasok ng marinig ko ang pagsigaw mula sa loob.
Agad akong sumaludo nang makapasok na ako,pinaupo ako sa harapan nitong upuan saka tiniklop ang folder na binabasa nito.
"Serrano anong sadya mo at napadaan ka dito.?" tanong niya.
Tumikhim muna ako at umayos ng upo saka tinukod ang isang siko sa lamesa. "Gusto ko po ulit humingi ng pasensya sa pag atras ko sa imbestigasyon ng mga Francisco general, gusto ko lang po mapanatag ang kalooban ng mama ko kaya ko po yon ginawa. Pasensya na po ulit kayo," napayuko ako at nilaro mga daliri ko na nakapatong sa mga hita ko.
"Naiintindihan kita Serrano at ang mama mo, mabuti na rin at tumigil ka tumawag sakin si general Francisco may tao daw itong inuutasan mag imbestiga. Well.. kamusta na ang kapatid mo?" pag iiba nito ng usapan.
"Medyo okay na po siya general,umaabot na rin ng ilang minuto ang pakikipag usap niya sa amin pero takot pa rin siya sa ibang lalaki tanging ang papa lang nakakausap niya." sagot ko. Nagtagal pa ang pag uusap namin ni general bago ako nagpaalam.
Paglabas ko ng headquarters medyo madilim na at wala ng tao sa labas. Papasok na sana ako ng sasakyan ko nang may nagtakip sa bibig ko pati ilong at ang isang braso nakayakap sa katawan ko kaya hindi ako makagalaw dahil malakas siya sakin at sigurado akong lalaki siya dahil sa pabango nito.
Pinahakbang niya ako kaya kahit nanginginig hinakbang ko ang mga paa hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang itim na sasakyan bago pa ko makagalaw nakakaramdam na ko ng pagkahilo pumipikit pikit na rin ang mata ko,at nanghihina ang mga tuhod ko huling kita ko pinasakay niya ko sa backseat bago ako nawalan ng malay.
_____
Nagising ako na masakit ulo ko napahawak ako sa noo at dinahan dahan imulat ang mga mata hindi pa malinaw ang paningin ko kaya pinikit ko ulit ilang segundo bago ko minulat ulit,napaupo ako at tumingin sa paligid.Isang kwarto na wala naman kalaman laman tanging kama at may dalawang maliit na mesa magkabilang gilid at may isang lampshade. Yon lang ang nagsilbing ilaw sa loob at may isang pinto na wari ko banyo,maganda ang kulay ng silid lightblue na may nakadrawing na ulap at ibon parang langit kung titingnan. Kalahati lang ng pader ang merong drawing,sa paanan ng kama may isang malaking tv nakadikit ito sa pader na bricks. Naalala ko ang nangyari may taong nagtakip sa bibig ko tapos nawalan ako ng malay. 'nasaan ako?' humaba ako ng kama at hinanap ang suot kong sapatos pero hindi ko makita. Naglakad ako dahan dahan palapit sa pintuan akala ko yon na ang labasan pero pagbukas ko isang walk kn closet ito. Sinara ko ulit at sa isang pinto naman ang binuksan ko nang ito na ang labasan dahan dahan ang paghakbang ko yong walang kahit tunog. Habang naglalakad napapalingon ako sa paligid dim lang ang ilaw ,sino ang nagdala sakin dito? nasa bukana na ko ng hagdan tumingin ulit ako sa paligid nang wala namang tao dahan dahan ulit ako sa pagbaba ng hagdan. Hinanap ko ang cellphone sa pocket ng suot kong jeans pero wala ito pati ang bag ko wala din sa kwarto kanina
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE (COMPLETED)
RomantizmMatured scenes..for adult only.. JUSTINE FRANCISCO A CHIEF OF POLICE WHAT HE WANT'S HE GET. MAKUKUHA NIYA KAYA ANG GUSTO kong isang kadugo niya ang kakompetensya? This story of Justine ay gawa lamang ng lumalakbay kong isipan.Wag seryosohin dahil h...