Ayisha's POV
Nagumpisa ang klase at tulala na naman ako dahil wala talaga akong naiintindihan sa tinuturo ni Miss Sandoval, ang aming science teacher. Naiisip rin kaya ng mga teachers kung may nakikinig sa kanila?
Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng classroom at lahat ng mga classmates ko ay nagsusulat ng notes at nakikinig habang ako ay hinahanap ang katinuan ko.
"Okay, everyone, go to your respective group that I assigned to you and do this activity," saad ni Miss Sandoval at agad namang kumilos ang mga classmates ko.
May groupings palang in-assign si Miss, bakit hindi ko alam? At sino naman ang mga ka-grupo ko?
Napatingin naman ako sa pwesto ni Lance at silang apat lang na magkakaibigan ang magkakasama.
"Ayisha, wala kang ka-grupo? Dito ka na lang sa amin," saad ni Theo at nakita ko naman ang pagbaling ng atensyon sa akin ng iba kong mga classmates.
"Salamat Theo pero hahanapin ko na lang 'yung mga ka-grupo ko," saad ko at tinaasan lamang ako ng kilay ni Lance. Kailan kaya titigil ang lalaking 'to sa kasungitan niya?
"Sige na Ayisha hindi naman magagalit si Miss Sandoval," pagpupumilit ni Theo at nakita ko naman ang mapunuring mga tingin ng kaklase ko kaya naman lumapit na ako sa kanila at para na rin matigil na si Theo.
"Sino ba mga ka-grupo ko?" Tanong ko kay Theo ng makalapit ako sa pwesto nila.
"Kasama mo sila Athea at Megan kaso hindi ka isasama ng mga 'yan, kaya dito ka na lang," saad ni Theo at tumango na lamang ako sa kaniya.
Nakisama na rin ako sa paggawa ng activity kahit hindi ko naman talaga totally alam kung ano ang gagawin.
Minsan pa nga ay nahuhuli kong nakatitig sa akin si Harley ganoon rin si Lance sa akin tapos biglang iiwas. Hindi ko alam kung napapansin ng dalawang 'to ang ginagawa ng mga kaibigan nila.
"Kung puro titig lang ang gagawin niyo wala tayong matatapos," natatawang saad ni Andrei.
"Mamaya niyo na titigan kapag tapos na tayo," dugtong ni Theo. Ano ba ang pinagsasabi ng dalawang 'to?
"Give me that paper," saad ni Lance at tinuon na ang atensyon sa papel at ganoon rin si Harley.
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomantizmTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...