Kunot-noo niya naman akong tiningnan.
"Nobyo? Hindi ba pwedeng asawa na lang?"
"Eh kung sapakin kaya kita?"
"Tss..."
"So ganito! Bawal kang hawakan ang kamay ko, bawal kang tumabi sa akin at mas lalong bawal kang humalik sa'kin!"
Bigla itong tumawa.
"Pero nagawa na nating lahat iyan, wala na bang ibang bawal?"
Huwat? Anong pinagsasabi niyang nagawa na namin? Oo, inaamin ko nakapagholdinghands at nakatabi ko na siya pero yung huli...parang masusuka ako. Putek!
"Anong sabi mo? Nagawa na lahat? Hoy! Ang feeler mo, hindi naman tayo nagkiss," Inis na sabi ko ngunit ngumiti lang siya.
Ang creepy! Omg, baka noong nakatulog ako sa gubat.
"Hoy! Ang manyak mo, hinalikan mo'ko noong nakatulog ako sa gubat?"
"Akin ka naman Zia kaya anong masama roon?"
Hala siya! Ang feeler! Kay Clyde lang kaya ako.
"Ewan ko sayo!" Inis na sabi ko saka pumasok sa bahay.
Huwag ka ngang over acting Zia. Halik lang iyon, hindi iyon talik pero dah! I can't imagine!
Kinabukasan
Parang zombie ako habang naghuhugas ng pinagkainan namin. Paano ba namang hindi, eh binabagabag ako ng halik na iyon.
Nang biglang dumating si Xander
plano ko sanang iwasan siya buong araw, kainis!"Gusto mo bang mamasyal?"
Nakakabored naman dito sa bahay kaya sasama nalang siguro ako.
"Hmm...Okay sige."
Naglakad-lakad lang kami sa gubat.
"May ipapakita ako sayo."
Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa gubat.
"Nandito na tayo!"
Kumunot naman ang noo ko, Nakaharap kasi kami sa isang malaking puno.
"Anong meron sa puno na ito?"
"Tingin ka sa taas," sabi nito kaya itinaas ko ang tingin ko.
Huwaw! Isa pala itong tree house.
"Wow! Tree house pero paano tayo makakaakyat eh wala namang hagdan?"
Nakita kong may hinila siya na tali at biglang bumaba iyong hagdan.
"Woah, cool!" Manghang sabi ko at nagsimulang umakyat.
Nang makarating sa taas ay namangha talaga ako sa tanawin.
Ang ganda super tanaw mula rito ang asul na langit, nagkukumpulang mga puno at mga ibong lumilipad parang nasa painting lang. Ang ganda so peaceful!
Nakita ko namang may banig sa kilid.
"Dito ka ba natutulog?"
"Oo, ito na ang tirahan ko, Zia."
"Sabagay magandang tumira dito, maganda ang view."
Napatingin naman ako sa frame na nakasabit.
BINABASA MO ANG
Loving the Beast (Completed)
Mistério / SuspenseI am Allana Zia Singson. I got jilted on my wedding day! I was hurt! I was betrayed! I was humiliated! I was devastated! I want to run away! Away from the people. Away from my parents. Away from Clyde and especially away from pain. But what if I d...