Chapter 19:
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalayo na ako sa kanya. Nang makalayo na ako sa kanya ay tumigil na ako sa pagtatakbo. May nakita akong isang bench na walang tao kaya napagisipan kong dun na muna tumigil.
"Hay. Salamat walang tao. pwede na sigurong maglunch dito." Umupo na ako tapos kinuha ko yung baon kong lunch. Tumingin muna ako sa paligid bago ako sumubo. As usual nakatingin sa akin yung mga taong nakaupo sa magkabilang bench. Pinagbubulongan ako. Pero wala naman akong pakialm e. Sanay na ako.
"Wow! Amoy pa lang masarap na! Ang galing talaga ni Clarence. Makakain na nga!" Kinuha ko na yung kutsara.
Say Ahhhhhhhhh...
Malapit na...
"Ahhhhhhhh!, Ano ba? Alisin mo yang kamay mo sa mga mata ko! Hindi ako makakita! Humanda ka sa akin pagnakita kita!" Galit na galit nasabi ko. Alam nyu ba yung feeling na susubo kana sana kaso biglang may pumikot sayo? Ano to? Panira moment? Ok na sana e. Makakakain na sana ako. AHHHHHHHHHH! Badtrip!
"Bitawan mo na ako! Humanda ka sa akin pag nakita kita! Wawasakin ko talaga yang pagmumukha mo! Humanda ka!" Kainis naman eh!.
"HAHAHA! GRAvih ka talaga kung magalit. Ibang klase. Hahaha. Kawawa naman tong mukha ko kung wawasakin mo lang."
Teka? Pamilyar yung boses ah? Dont tell me si Kein na naman? Hayyyyyyy. Buhay talaga oh? Pero ok na rin na si Kein yung kasama ko dito kaysa sa Bwitit na Beastboy na yun. Haiiiixt!
"KE-KEIN? Please alisin mo na yung kamay mo? Ang hirap kasi e. Hindi ako makakita. Please?" Yun lang yung sabi ko tapos inalis niya na yung kamay niya sa pagkakatakip sa mga mata ko.
"Oh? Zandra? Bakit dito ka kumakain? Eh bawal dito ah?" Ha? Bawal ba? Kaya naman pala pinagtitinginan ako ng mga tao dito.
"Ay? Sorry di ko alam."
"Ok lang yun Zandra. Mamaya mo nalang yan kainin. Sabay na tayo. For now, Magusap muna tayo." Ano naman ang paguusapan namin?
"HA? Anong paguusapan natin?" Takang tanong ko sa kanya.
"Uhm, tungkol sa crush ko?" Ha? Crush?
"Crush?"
"Oo."
"Eh, Sino ba yung crush mo? Kilala ko ba yun?" Sino kaya yun?
"Oo, kilala mo siya."
"Eh sino nga?"
"Uhmm? Secret muna." Ay? Secret? Excited pa naman akong malaman kung sino yung crush niya.
"Bakit secret? Ay.. Sabihin mo na. Sige na?"
"Alam mo Zandra. Nagulat talaga ako ng malaman kong dito pala lumipat yung crush ko. Alam mo nang makita ko siya ulit, Tumibok ulit yung puso ko."
BINABASA MO ANG
"A Secret Identity of a Hidden Princess."
Подростковая литератураSi Alex. Si Alex ang anak ng isa sa mga pinakamayamang pamilya na nagmamayari ng isa sa mga sikat na paaralan sa buong asia na tinatawag na WILLSON ACADEMY. Pero imbis na mag aral dito ay pinili nyang mag aral na lang sa isang luma at pipityuging pa...