A HUNDRED DAYS

5 4 0
                                    

"Haysss tatlong taon na rin ang nakalipas nung mawala ka, hanggang ngayon wala pa arin akong mahanap na kapalit mo parang habang buhay na yata kitang mamahalin hahahaha, tignan mo nandidito na naman ako sa ospital, kung san tayo nagkakilala, kung san kita laging pinupuntahan, kung san tayo nagmahalan, nagharutan,nagiyakan kung san ka nawala... arghh anu ba itong mga luha na ito di talaga natigil" pinunasan ko muna yung luha ko

"Sobrang korni ba? Haha sorry ganun kasi kita kama-mahal ka-kaya i-ito kahit masa-masakit, ka-kahit ma-matagal na ang ki-kirot pa rin ng dibdib k-ko....Ang daya mo nga ehh kung kailan magaling na ako tsaka ka mawawala" iyak ko takte ang bading ko talaga, hayst tama na nga ang sakit na ehh kaya tumayo na ako at lalabas na ng may makita akong pink na notebook, hmm ano kaya yun? Kaya kinuha ko na dala ng curiosity ko binuklat ko kay.... Lorrina pala anu bayan naiiyak na naman ako kasi naalala ko na naman siya putek pero kahit ganun binasa ko pa rin... Dapat pala di ko na binasa... Kasi lalo pa akong naiyak...

(Yung mga naka-Italic ay mga flashbacks or yung mga nakasulat sa diary. And then yung mga nakabold is the present, dialogue ni Raydee or Reeree)

Day 1

Magandang magandang buhay!!! Ang saya saya ko ngayon lord, alam niyo ba kung bakit?! Kasi may naging kaibigan ako dito sa hospital ang pangalan niya ay Raydee pero sabi ko Reeree na lang tawag ko sa kanya para kyut hihi tapos tawag niya naman sa akin Nana sabi ko nga pangit parang pangyaya hmpp pero dahil yun ang gusto niya pinayagan ko na siya. Ang saya niya kakwentuhan lord, ang dami rin naming pinagusapan kagaya ng kung ilan taon na siya, saan siya nakatira, anong mga paborito niya, anung pangalan ng mga magulang niya, kung may mga kapatid ba siya at kung anung pangalan, kung ilang taon at kung babae ba o lalaki, kinuwento niya rin sa akin yung mga secret niya tapos yung mga epic fail experiences niya hahaha tawa nga ako ng tawa lord ehh, tapos ayun nagkuwentuhan lang kami ng kung anu-anu ang saya nga namin, nalaman ko rin na pasyente siya dito at kagaya ko rin may sakit siya sa puso, pero parang hindi halata kasi ang gwapo gwapo niya tapos palangiti pa, punong puno ng possitive vibes yung body niya. Hay hanggang dito nalang muna lord kasi pinauwi na siya... Sayang nga di ko naikwento yung sarili ko sa kanya puro siya lang nagsalita ang daldal niya po.

ONE SHOT : A HUNDRED DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon