Nakita kong natuod ito sa sinabi ko. Nang makabawi sa pagkagulat ay
sasagot na sana siya nang biglang sumigaw si Keith."Kuya! Ate Zia! Tawag kayo ni mama at papa!"
Sumunod naman kami.
Habang nagsasampay ng mga damit ay biglang dumating si Keith na nakasuot ng malaking damit habang hirap na hirap maglakad. Masakit pa siguro ang tuli nito.
"Ate Zia pwede bang humingi ng pabor?"
"Oo naman Keith malakas ka sa'kin, eh."
"Pwede bang mahalin mo nalang si kuya?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Sige na ate Zia dito ka na lang kasama namin. Mamahalin ka namin nina mama at papa pati ni kuya Xander."
"I'm sorry, Keith. May buhay rin ako sa labas. May pamilya, may trabaho."
"A-ate Zia, please!"
Niyakap ko na lang siya.
Lumipas ang mga araw at araw-araw din kaming magkasama ni Xander.
Marami akong natutunan sa pamilyang Thompson at lalong-lalo na kay Xander. Natutunan kong mangaso, magtanim at alaga ng mga hayop.
Who would have thought. That a daughter of a multi-millionaire magagawa 'yon. What an adventure! Nandito kami ngayon ni Xander sa tree house niya nag-iinoman.
"Alam mo ba kung bakit ako napadpad sa lugar na'to?"
Nakita kong nakatuon lang siya sa'kin hinihintay ang sasabihin ko. Nanuyo naman bigla ang lalamunan ko kaya uminom ako ng beer.
"Naalala mo yung araw na muntik mo na kong sagasaan? Yun yung araw na pinakahihintay ko. Ang pinakamasayang araw s-sana ng buhay ko pero hindi, eh. Umalis siya iniwan niya ako. H-hindi siya sumipot sa kasal namin."
Isa-isang naghulugan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!
Na mahalin ang taong alam kong may mahal ng iba. I knew all along pero putcha naman, 3 years Xander, eh! 3 years kaming magkasintahan. I even gave my virginity to him. So, ano 'yon gagohan lang? P-pero alam mo kung ano yung pinakamasakit?"Napapikit nalang ako. Inaalala ang kahapon namin ni Clyde. Yung simple at masasayang araw namin. Pilit akong napangiti. Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy.
"N-Nawala ang pinakamamahal kong bestfriend. Nawala ang taong nandiyan tuwing umiiyak ako, yung taong nandiyan para pasayahin ako. A-Ayoko na! Ayoko ng umiyak. Ayoko na, Clyde. Tama na!"
Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Xander sa'kin.
"Ssh.. Giving up doesn't always mean you're weak. Sometimes, it means you are strong and smart enough to let go and move on."

BINABASA MO ANG
Loving the Beast (Completed)
Mystère / ThrillerI am Allana Zia Singson. I got jilted on my wedding day! I was hurt! I was betrayed! I was humiliated! I was devastated! I want to run away! Away from the people. Away from my parents. Away from Clyde and especially away from pain. But what if I d...