Nasa S&R kami ngayon para mamili ng stock sa bahay at pang dinner mamaya. Since busy ang mga kaibigan ko sa trabaho, ako nalang ang mamimili beside wala na rin kaming stock sa bahay. Kinuha muna namin si Isabelle para makapaglinis si Manang sa bahay at gustong gusto kasi ni Dylan na mahawakan na ang anak nya. Akala ko nung una mahihirapan ako nung nagka anak na ako at may work na ulit ako pero mas pinadali ni Dylan ang trabaho ko kaya nakakapag time management ako, ang mag out of the country nga lang ang hindi na namin magawa.
"Love tigilan mo na kakakuha ng chocolates, nahahawa na si Isabelle sayo." Saway ko sa kanya. Pano kapag kumakain si Dylan ay nakikisali rin si Isabelle.
"Itatagonkona promise." Tinaas nya pa yung kanang kamay nya at natawa naman ako.
"Kapag nakita kong kumakain ang anak natin ban na ang chocolate sa bahay ha." Banta ko sa kanya at sumimangot naman sya. Nagpatuloy ako sa pamimili, binili ko na rin ng gatas at diaper si Isabelle and namili na ako ng stock namin sa bahay for 1 month, minsan kasi ay nakakaligtaan na namin. Dinamihan ko ang bili ng beef, pork, chiken, fish, bacon and steak. Bumili na rin ako ng canned beers, mahirap na dahil pabigla bigla ng punta ang mga kaibigan namin. Alam kasi nila na hindi na kami makalabas kaya sila ang sumasadya sa bahay. Bumili na rin ako ng wine para stock.
"Love check mo kung ano pang wala sayo, okay na ba?" Minsan kasi ay nakakalimutan ko na. Nagdagdag ako ng biscuits para kay Isabelle dahil malakas sya kumain.
"All good na po Mommy." Sabi nya habang nilalaro si Isabelle.
"That's a lot Mommy, we can't eat all of that." Sabi ni Isabell nung nakitang puno ang dalawang big cart namin.
"No baby, it's our stock for one month not for just a day okay?" Tumango sya at nakipaglaro na ulit sa Daddy nya. Edi kayo na close.
Nung nasa cashier na kami ay si Dylan na ang pumila habang kami ni Isabelle ay nag iintay sa unahan. As usual yung cashier ay tulaley nanaman sa kagwapuhan ng asawa ko, minsan ako na lang talaga mag isa ang mag g'grocery at sa bahay nalang sila ni Isabelle, nakakaloka. Nung natapos na kami ay inakbayan nya ako at tumatawa.
"What?" Masungit kong tanong.
"Baby your Mommy is jealous again." Lakas nya talaga mang asar.
"Asa, hindi no." Depensa ko sa kanya, lalo syang tumawa at pinisil ang ilong ko.
"Don't ikaw lang ang mahal ko, kayo ni Isabelle. Hindi ako tumitingin sa ibang babae alam mo yan." Hinalikan nya ako sa noo.
Around 5:30 kami nakarating sa bahay, nagpatulong ako kay Manang sa pag luluto habang si Dylan ay kalaro si Isabelle. Steak with mashed potato, mushroom soup and smoked salmon ang lulutuin ko ngayon. Hindi sila mahilig sa rice kapag gabi yun tung nalaman ko sa kanila dahil right after ay iinom sila for sure.
Habang iniintay namin maluto ay naligo muna ako saglit dahil matagl tagal pa naman ito at parating na rin sila Lors. Flowy floral dress yung sinuot ko at nagpatuyo ako ng buhok, pinawisan din kasi kami nung namili kami. Saktong pagkatapos ko ay luto na ang lahat. Nag set up kami sa garden ni manang, may long table na doon at chair, nag lagay nalang kami ni manag ng table mat, plates, spoons and forks, wine glass, water goblet and napkins. Minake sure kong maganda ang dinner namin ngayon. Nilagyan mo ng soup bawat isa, and steak ang plate nila, habang yung baked salmon naman ay nasa center lang ng table para kukuha nalang sila. They prefer water kaya hindi na ako gumawa ng ibang drinks.
"Ang galing talaga ng asawa ko. Kaya mahal na mahal kita eh. All in package." Hinalikan nya ako habang hawak nya si Isabelle na tulog na. Ngumiti naman ako.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...