Hanggang sa bahay ay hindi matanggal sa isipan ko ang ginawa ni Antonius Ezekiel Salvador. Pilit kong ina-analyze kung bakit niya ginawa yun sa akin kanina.
Paano kung tinamaan ako ng bola? Oo, hindi naman nakamamatay yon pero dahil sa lakas ng pwersa ay masasaktan parin ako!
Nag-iisip ba siya? Sinasabi ko na nga ba, salbahe si Antonius! Marami siyang mga kaibigan dahil mayor ang papa niya at mayaman sila. Okay, gwapo talaga siya mula noon. At ngayon, lalo siyang gumwapo, tumangkad at lumaki ang katawan. Pero rasun ba yun para maging salbahe siya?!
"Anung oras ka naka-uwi kanina Krysella?" Pormal na tanong ni daddy. Kumakain kaming apat ng hapunan.
Kumabog agad ang dibdib ko. Tungkol sa manggahan ang topic nila ni mommy pero biglang na punta sa akin ang atensyon niya.
"5:30 po dad." Mahina kong sagot.
"At bakit? Alas kwatro y media ang labasan nyo dapat alas sengco impunto nandito kana sa bahay! Niloloko mo ba ako?!" kinalampag nito nag lamesa.
Naging doble ang kaba ko dahil sa takot. Nakita kong nakayuko lang si Reena hindi na kumakain. Tumingin ako kay mommy para humingi ng tulong.
"Cente... Mahal. Kahit na 4pm ang dismissal nila ay may flag ceremony pa sila. Syempre pasado alas sengco na makakauwi si Ella dito sa bahay. Kung gusto mo tanungin mo nalang si Mang Erning." Mahinahon na saad ni mommy.
"Hijo de puta! Wag mo akong pangunahan! Krysella, I'm warning you! Mag-aral ka, wag lakwatsa! Intyendes?"
"Opo daddy." Nakayuko kong sagot.
Tumayo na ito at nakahinga ako ng maluwag.
Kinabukasan sa school ay hindi na ulit ako dumaan malapit sa field. Buo ang loob ko na iiwasan ko nalang palagi si Antonius para hindi na maulit ang nangyari kahapon.
"Uhhm Ella, may assignment kana ba sa English?" medyo nabigla ako dahil kinausap ako ng katabi ko sa upuan. Hindi ko tanda ang pangalan niya. Kabago lang lumabas ng teacher namin sa Math. At hinihintay nalang naming lahat na pumasok ang teacher sa English, pagkatapos ay lunchtime na.
Mabilis kong binuksan ang notebook ko sa English at pinakita sa kanya, "Oo, tapos na. Ikaw? "
"Ahh sabagay madali lang naman. Oo nga pala, saan kaba nagla-lunch? Hindi kita nakita sa cafeteria kahapon."
Hindi ko maintindihan na ngayo'y kinakausap ako ng katabi ko. Kahapon lang parang hindi ito makatingin o dahil nahihiya din siya? Hindi naman siguro dahil parang ako nalang yata ang walang kausap simula kahapon.
" Ahhm, sa... labas ako ng school kumain." nahihiya kong sagot sa kanya. Nasa notebook lang ako nakatingin.
"Talaga?! Sa restaurant ka kumain? I'm sure hindi sa turo turo dahil mayaman naman kayo..."
Hindi ko alam kung anu ang dapat na isagot sa kanya. Oo nga pala, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao dito sa bayan na isa ang pamilya namin ang may marangyang buhay. Malawak na lupain na ginawang manggahan at palayan ang siyang kabuhayan namin.
" Ahm, oo sa r-restaurant."
"Mamaya sa lunch sumabay ka samen sa cafeteria. Ako, si Natalia at Frayu. Wag kana lumabas pa ng school sayang sa oras... At masaya sa caf kasi ang daming higher grades... Mga gwapo." at humagikhik pa ito.
Napatingin tuloy ako sa kanya, hindi ko alam kung matatawa sa sinabi niya o maiiling. Mabuti nalang dahil pumasok na ang teacher namin sa English kaya tumigil na siya sa kasasalita.
Isa sa mga rasun kung bakit noon paman ay hindi na ako palakaibigan. Mostly kasi sa mga ka batch ko ay mga crushes nila o gwapong boys ang palaging topic. Hindi ako makasabay dahil simula't sapol hindi ako mahilig sa mga ganung bagay. Ewan ko ba, kapag lalaki ang pinag uusapan palaging si daddy na galit at sinasaktan kami ang palaging pumapasok sa isipan ko.
