Emmanuel

465 3 4
                                    

"... You may kiss the bride."

Iyun na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Alam kong parehas tayong lalaki pero hindi ka nandiri sa akin noong iframe-up tayo ng mga kaibigan ko para makasal sa marriage booth nila. Naisip ko nga baka kaya naki-ride ka na lang ay para di na magmulta. Kapag kasi ang ikakasal ang tumutol, may bayad na tig-50. Mukha ka pa namang kuripot. Naalala ko pa kasi nung elementary tayo, lagi kang sa buy one take one ng Angel's burger bumibili. Pero bakit ganun, Matt? Bakit parang kakuntsaba mo pa tong mga kaibigan ko pati na yung mga audience sa kasal kasalan natin? Pinagpupustahan niyo na naman ba ako? Osige makikiride na lang din ako. At the end of this pseudo ceremony naman ikikiss mo pa rin ako. Magpapasko na at isa yan sa mga wishes ko kay Santa. Sorry kung pinagpapantasyahan kita ha? Nung elementary naman wala lang to e. Paano ba naman ako magkakagusto sa lalaking walang ginawa kundi pagtripan ako. Kulang na lang maging factory ng bubblegum ang upuan ko sayo nun, at ako palagi ang pinapagalitan ni ma'am. Nauuto mo kasi sa pagpapapogi mo. Hay nako! Pero sa apat na taon nating magkatabi sa highschool, mapa-alphabetical o by height man yan, hindi ko maiwasang mahulog ang damdamin ko sayo. O baka noon pa man ay may gusto na ko sayo? Kahit kasi ginogoyo mo ko, ako pa rin ang gusto mong kasabay sa pag-uwi. May pamasahe ka naman pero sinasamahan mo pa rin ako sa araw araw kong pag-aalay lakad. Siguro ikaw talaga yung may gusto sakin no? Haaay! Sasampalin ko na ba ng sandok tong pisngi ko na tinubuan pa ata ng isang bundok na tigyawat? Nangangamatis na yata ang mukha ko! Paano ba naman kasi pinipisil pisil mo pa tong kamay ko...

Habang ako'y nagkakandautal sa pagsagot sa bawat tanong ng pari, ikaw naman e kalmadong kalmado lang. Ah, siguro iyan ang style mo? Osige gagayahin na lang kita. Chill lang. Baling ng tingin sa mga nasa gilid at ngumiti ng kaunti. At ito na nga, kailangan na nating humarap sa isa't isa at magsabihan ng "I do." Kung kanina ay para kong kamatis, ngayon tila four season na ang mukha ko. Kailangan ba talagang hawakan pa ang mukha ko? Uy tanggalin mo nga yan! Naiilang ako e. Pero hindi ka tumigil hanggat di ako tumitingin sayo. Ang gwapo gwapo mo kahit pawis ng kaunti. "I do, father." Tanaw na tanaw ng mga mata ko ang sinseridad at kasiyahan mo. Nadala tuloy ako sa agos ng seremonyas at mabilis pa sa alas kwatro ang pagsagot ko ng I do na ikinangiti mo naman ng wagas. Idagdag pa ang tilian ng mga bisita natin pati ang mga love songs na pineplayback nila. Hanggang sa nagbigay na ng hudyat si father na magkiss tayo. Ayaw kong pumikit dahil baka doon mo ilabas ang prank joke nyo sa akin pero hinawakan ng dalawa mong kamay ang mukha ko at dahan dahan mo namang nilalapit yung sayo. Nakasara man ang mga mata mo ay nagawa mo pa rin akong ma-hypnotized. Hanggang sa tuluyang maglapat ang mga labi natin. Para kong hinehele sa hangin. Para bang huminto ang buong paligid. Kusang nagkakasabay ang galaw ng mga labi natin. Para bang pinagpraktisan natin to. Ang sarap sa pakiramdam... Ang serene ng paligid hanggang sa makarinig tayo ng mga tilian at click ng camera. Noon lang tayo tumigil. Dahan dahan nating pinaghiwalay ang mga labi natin pero ang mga titig mo, hindi pa rin mawala.

"Paano ba yan, asawa na kita." Puno ng kasiyahan ang bawat salitang binibitawan mo.

Hindi ako makagalaw. Seryoso ba talaga siya? Maya maya pa'y naramdaman kong may humahawak sa likuran ko at biglaan na lang akong binuhat na para bang bagong kasal nga.

"Hoy Matthew! Ibaba mo nga ako! Nakakahiya na o!"

Pilit kong tinatago ang mukha ko sa mga hindi magkamayaw na flash ng mga camera samantalang ikaw, nagfeeling model pa!

"Di na kita bibigyan ng papel kapag hindi mo ko binaba!"

"I love you!" lang ang sinagot mo, sinamahan mo pa ng matamis na halik sa pisngi. Magrereklamo pa ba ko?

Dinaanan lang namin ang mga bisita na hanggang ngayon ay nakangiti at kinikilig pa rin. Para kaming runaway bride and groom.

Tinanong kita kung anong pakulo na naman to pero tinatawanan mo lang ako.

EmmanuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon