"Raffy! come here" tawag ni Tanya kay Raffy at sinukatan ito ng polo.
Nandito na kami ngayon sa isang boutique na para sa mga bata na damit, shorts, pants, shoes at iba pa. Parang kaming nanay ni Raffy nito.
Ang daming binili namin para kay Raffy dahil mag photoshoot raw kami sa bahay. Namimili din kami ni Tanya ng sa amin.
"Si Capella at Tanya yan, diba?" narinig kong sabi nung nasa likod namin. Lumingon kami ni Tanya sa likod at nakit ang tatlong babae. I think schoolmates namin sila ni Tanya noon?
"Siya nga! Is that Capella's son?" tanong nung babae sa kaibigan niya.
Son?
Nang marinig yun ni Tanya ay tumawa siya kaya hinampas ko ang balikat niya.
"El, mukha ka na talagang nanay" sabi niya habang tumatawa parin.
"Shut up, Tanya" umirap ako sa kanya binuhat si Raffy palabas sa boutique. Mabuti nalang nagdala ng driver si Tanya para may magdadala ng pinamili namin.
"Ang cute naman ng anak mo Capella" habol ni Tanya samin. Ako parang nanay? sabagay kung ganito ka cute ang anak ko, okay lang.
Nang makahabol siya ay pinulupot niya ang kanyang kamay sa braso ko.
"Saan tayo next?" tanong niya habang pinipisil ang pisngi ni Raffy. Pag itong pisngi ni Raffy lumaki dahil sa kakapisil niya titirisin ko talaga si Tanya.
"Let's eat bago umuwi" I answered. May binulong si Tanya sakin na agad umakyat sa katawan ko ang kaba.
"Nandito din si Rigel" Naka move on na ako diba?
"Don't mind him Tanya" yun lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa paglalakad habang binubuhat pa din si Raffy.
"Paki lagay nalang po ng pinamili namin sa sasakyan at saka dun na lang ho kayo maghintay" Tanya said at agad naman tumango si Manong.
Pumasok kami sa sa isang fast food chain. Si Tanya ang nag order at kami ni Raffy ay humanap ng mauupuan.
Pinaupo ko si Raffy sa baby's high chair basta yun hindi ko kasi alam ang tawag. I took selfies with Raffy and posted it on my ig story no caption.
Dumating na si Tanya dala ang foods na inorder niya ta nilapag sa table.
Pagkatapos namin kumain ay nag inquire muna ako para sa board exam ko bago kami umuwi.
"Ang gwapo at cute talaga!" sigaw ni Tanya at click ng click lang sa camera kay Raffy. Nandito kami sa pool nag photoshoot si Tanya ang photographer at kami ni Raffy ang model minsan namn ako ang photographer at si Tanya ang model.
Naka upo lang ako dito sa wooden lounge habang kumakain ng sandwich na hinanda ni manang for our snacks.
"Perfect!" sabi ni Tanya at pumalakpak saka lumapit kay Raffy at humalik sa pisngi nito.
Tumingin ako sa swimming pool parang inaakit ako ng tubig. Lumapit sila Tanya at Raffy sakin at umupo sa tabi ko saka kumain ng sandwich.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko, El" sabi ni Tamya habang nakatingin din sa pool.
"Swimming?" tanong ko at tumango siya. A wide smile formed sa mukha namin. Si Raffy ay kumakain lang sa lounge habang pinabantayan ko kay manang.
Tumayo kami ni Tanya at umakyat sa kwarto ko para mag bihis ng swimsuit.
Mabuti nalang may bagong bili kami kanina ni Tanya na swimsuit. I' wearing white two piece while Tanya's wearing black two piece.
We took pictures muna bago bumaba sa pool. I posted it on my ig.
"Manang paki bihisan ho si Raffy ng pang swimming" sabi ko kay manang at sumunod naman siya agad.
"Ahhh!!" sigaw ni Tanya ng tumalon siya sa pool. Sumunod naman akong tumalon. I swimming sa pool dahil wala kasi akong time dun sa Seoul na mag swimming.
"Ang sarap maligo" sabi ni Tanya at nag floating.
"Ate" lumingon kami kay Raffy na naka rashguard na at may dalang salbabida at gaggle.
Pumunta ako sa hagdan at binuhat si Raffy papunta sa tubig.
Nang matapos kami mag swimming ay umuwi agad si Tanya dahil may emergency daw. Kaya nagpahinga nalang muna ako at si Raffy sa kwarto ko.
Ilang buwan ang dumaan naging LPT na ako. Nag apply ako sa Manghem School, connected sa Manghem University kung saan ako nag aaral noon.
Nandito ako ngayon sa condo ko. Na iistress sa nangyari kanina sa meeting. Ipinakilala kasi ang bagong partner ng school at yun ay si Rigel.
Bakit sa dinami ng school ay sa Manghem pa siya!
I hate you Rigel!
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nakalimutan kong gawin ang visual aids ko para mamaya sa mga bata. Buhay tetser!
Ginawa ko muna ang visual aids bago naligo. Sinuot ko na ang teacher's uniform ko na may logo ng Manghem at kabila naman ay pin na may last name ko.
'Ms. Capella M. Becker
Licensed Professional Teacher'Nag apply ako ng pulbo at liptint saka nag spray ng perfume. Nilagay ko ang visual aids na ginawa ko kanina sa bag at saka lumabas sa condo.
Kumuha na ng sariling condo si Tanya kaya wala na siya sa condo ko but we have the same building.
Pagdating ko sa school may mga bata na bumati sakin ng good morning kaya nag smile lang ako. Nag teachers' attendance muna ako sa office bago pumunta sa aking cubicle.
"Good morning, Ms. Becker" bati ni Tanya nakipag beso sakin.
"Good morning too, Ms. Handi" I smiled.
Pagpasok ko sa aking room ay tumayo ang mga bata at nag greet sakin.
"Good morning, Ms. El" sabay nilang sabi habang ang iba ay nauutal.
"Good morning" I smiled at them para hindi sila matakot sakin.
Ang sensitive kasi ng bata na ito kapag nakikita nilang nagagalit o bruha yung teacher nila ay natatakot ito at hindi iimik. Mas worst ay isusumbong ka sa parents nila.
Habang nagdidiscuss ako nakita kong may sumilip sa bintana, isang lalaki. Baka Daddy or Kuya ng isang kong student.
Nagpatuloy lang ako sa pag didicuss ng pumasok si Mr. siopao kasama si Rigel! Kaya napatingin ako sa kanya.
"Good morning, Ms. Handi. I tour Mr. Ycundi sa buong school pati sa classrooms that's why we're here" tumango ako. Wala akong pake no! Kahit e tour pa niya lahat ng teachers dito.
Alam din naman ni Mr. siopao na wala talaga akong paki kaya lumabas na sila at pumunta sa kabilang room.
YOU ARE READING
Chasing my worth from the Star (Completed)
No FicciónPhile Series # 1 Astrophile - people who love stars