CHAPTER 39

55 2 1
                                    

Maaga kaming nagising dahil ngayong araw ang food tasting namin para sa nalalapit naming kasal ni Dylan, sbi ni Tess ay kasama nya yung chef para ma discuss samin yung mga pagkain.

"Buti kasama tayo, para malaman natin kung masarap talaga." Sabi ni Jess. Nasa garden kami at naka ready na yung mga pagkain.

Nagsimula na agad kami, bawat tikim namin sa pagkain ay ineexplain nung chef kung ano yon. We decided to have a five course meal. Medyo nahirapan din kami kasi lahat masarap then nag vote kami kung ano yung pinaka masarap.

"Yang mga pinili nyo is actually the most deliciouse specialty that I have. Yan din ang madalas pinipili ng client ko." Explain nung chef sa amin.

"Oh that's nice. Final decision, yan na chef!" Sabi ni Dylan. Nung tapos na namin i-discuss ay umalis na sila.

Umalis na rin sila Jess, Lors, James at Jerald dahil may mga lakad daw sila. Kami naman ni Dylan ay nasa bahay lang nilalaro si Isabelle habang iniintay yung gown designer ko. Ipapakita nya daw kasi sa akin.

"Hi Elle, malapit lang ako so I decided to drop by at ipakita sayo yung final gown mo." Nasa garden kami at pinakita nya sakin yung gown ko.

"OMG ang ganda nya swear." Bigkas ko pagkapakita nya sa akin sa picture. Picture palang to paano kung sa personal na.

"Told ya! Ginugol ko buong panahon ko dito. As you can see napaka pulido ng swarovski dyan sa gown mo, at best quality ang ginamit ko sa lahat ng iyan." Tinitigan ko ito, pa off shoulder sya na parang pabagsak yung tela sa shoulder ko. Lakas maka dalaga. Punong puno ng swarovski crystal beads yung gown ko. Sobrang puti nya.

"Kapag sinuot mo 'to ay para kang diyosa, ako na bahala sa hair and make up mo. I'll make sure that you're the most beautiful bride that day" hinawakan ko ang kamay ni Myke. Gay sya at ang bait bait nya, siya yung pinaka kilalang gown designer international. So what can you expect? Perfect talaga.

"Thankyou Myke, you have my trust so ipapasa bahala ko na sa iyo. Sobrang ganda ng gown promise. Tinitignan ko palang ay na iinlove na ako." Papuri ko sa kanya.

"So see you next week for fitting? Nako I'm excited!" Umaltong kinilig sya kaya natawa naman ako. Nasa US kasi tslaga sya, kinuha lang namin sya para sya ang mag design at gumawa ng gown ko, buti ay napagbigyan kami. Kumain muna kami at nag chikahan sandali bago sya nagpaalam na para umalis.

Bumalik ako sa sala namin at nakita kong naglalaro parin ang mag ama ko. Hindi talaga napapagod si Dylan sa pag aalaga, ang haba ng pasensya nya.

"Hi baby" bati ko sa anak ko. Lumapit sya sa akin at yumakap.

"Mom I want to see your gown, why don't you bring me there?" Nagtatampo nyang tanong.

"It's a surprise baby." Sabi ko sa kanya.

"How was it Love?" Excited nyang tanon. Plinano ko kasing hindi pakita sa kanila ang gown ko. Gusto mo sa mismong kasal na namin ito makikita nila.

"Ang ganda nya Love, super. Na i-inlove nga ako tinitignan ko palang what more kung suot ko pa?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti.

"Kung suot mo na ay baka lalo akong ma inlove sayo." Sabi nya sabay halik sa akin.

"Thank you Love for choosing Myke and make him my designer." Maami kasing hawak si Dylan so kilala nya almost lahat at kilala din siya.

"Anything for you Love, can't wait to see you wearing that." Nakangiti lang sya sa akin. Hinalikan ko silang mag ama at buong hapon na kami nag bonding.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon