Chapter 49

579 36 0
                                    


Napahinga ng malalim si Primo. Narito pa rin sila sa bahay nila nanang Sel at tatang Koy. Hindi siya pwedeng lumabas dahil wanted siya at kapag nakita siya ng mga tao'y maaaring ituro siya sa mga otoridad.

Wala ngayon si nanang Sel at tatang Koy dahil may bibilhin daw ang dalawa sa bayan na sinamahan naman ni Kylo dahil may dala itong sasakyan lalo na't malayo-layo ang pamilihan sa lugar.

Ang kasama niya lamang ngayon ay si Azriel na pinaglulutuan siya ng makakain. Marunong magluto si Azriel dahil nais nitong maging chef pagdating ng araw.

Hawak niya ang cellphone habang nagtititingin ng mga picture ni Phemie. Hindi ito ang cellphone niya dahil maaaring i-track iyon at magiging dahilan upang mahuli siya. Kinuha niya lamang ang memory dahil punong-puno iyon ng pictures ni Phemie na nakatago sa gallery niya.

Natigil ang mata niya sa isang litrato ni Phemie na nakangiti na kahit ang uniform ay simple lamang ngunit bumagay naman dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Natigil ang mata niya sa isang litrato ni Phemie na nakangiti na kahit ang uniform ay simple lamang ngunit bumagay naman dito. Ang lakas ng dating ngunit ang simple tignan. Ito na talaga ang pinakamagandang babae para sa kaniya.

"Kuya, kakain na!" Rinig niyang sabi ni Azriel kaya't tumayo na siya sa pagkakaupo at binulsa ang cellphone saka nagtungo sa upuan.

Natakam siya sa mga pagkaing nakahain. Alam na alam talaga ni Azriel ang mga paborito niyang kainin.

Umupo si Azriel sa harapan niya at nag-aalangan ang mata nito ngunit ngumiti lamang siya saka hinawakan ang kutsara't tinidor at sumubo ng pagkain.

"Hmm..." Ninamnam niya ang lasa ng pagkain. "Ang sarap! Bagay talaga sayong maging chef!" Aniya at binigyan ng approve sign ang kapatid.

Maya-maya lamang ay nahirapan na siyang huminga. Inabot niya ang tubig at ininom iyon ngunit hindi iyon nakatulong bagkus ay mas lalo pa siyang nahirapang huminga.

Tumaas-baba ang kaniyang dibdib at sumikip ang puso niya. Hinawakan niya ang leeg at iniangat ang tingin sa kisame upang sumagap ng hangin. Tinignan niya si Azriel ngunit naluha lamang ito at napayuko.

Tinignan niya ang stuff toy na si Prim na naroon sa sopa na katapat lang ng inuupuan nila bago nasubsob ang mukha niya sa pagkaing nasa harap at tuluyan na siyang nilamon ng dilim.

***

Hindi niya pala kaya. Gustong-gusto na niyang makita ang nobyo. Miss na miss na niya ito.

Nakasakay si Phemie sa isang tricycle at habang papalapit ng papalapit sa bahay nila nanang Sel at tatang Koy ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya na tila may masamang mangyayari.

Umiling siya. Imposible. Hindi mangyayari iyon. Walang mangyayaring masama. Tama. Walang mangyayaring masama.

Binayaran niya ng bente pesos ang driver ng tricycle saka naglakad papasok sa bahay nila nanang Sel at tatang Koy. Hindi naka-lock ang pinto kaya't madali niya lamang nabuksan iyon.

Stupid GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon