Chapter 46

749 37 9
                                    

Abalang abala kami sa nalalapit na finals. Buong week wala kaming ginawa kundi magreview at magsubmit ng mga projects. Kahit mahirap ay kailangan makapasa. Parang kailan lang nagsisimula palang ako magaral tas ito na ngayon.. nalalapit na kumilos sa sariling sikap. Di pa naman sure baka di pala ako pasado charot.


"Girls, nagawa nyo assignment kay sir jim?" Tanong ko habang hinahaluglog ang bag ko. Tae diko makita ang notebook ko sa arts!


"What!? Meron!?" Sigaw nilang tatlo. Parang gulat pa sila.



"Meron nga! Sinabi kahapon mga shunga." Di ko sila tinignan dahil busy ako sa paghahanap. Sana nandito!



"Omygosh! Wala akong alam!" Gulat na sabi ni ainsley.


"Taena shane pakopya naman oh! Please!"


"Nawawala nga notebook ko eh! Naiwan ko pa yata sa bahay!" Naiiritang sabi ko. Tinulungan nila akong maghanap pero kahit bali baliktarin yata ang bag ko ay wala ang notebook ko sa arts.


"This is the end of our life. We're doomed." Tulalang sabi ni yniza.


"Hindi pwede ito! Mangongopya ako sa mga kaklase naten!" Tumakbo na si marinella at sumunod din kaagad sakanya si ainsley. Naiwan kaming dalawa ni yniza na hindi alam kung saan mangongopya.


"Wala na. Ito na yun. Nararamdaman ko na ang pagbagsak ko.." bulong ko habang nakatulala sa open field.


"Anong wala na? Pagbagsak mo?"


"Ayy hayop ka!!"



Napasigaw ako sa gulat at kamuntikan pang mahulog sa bench! Sinamaan ko ng tingin si mikaelle na tatawa tawa at parang di pa makahinga. Ano na naman bang ginagawa ng mokong nato dito!? May back up pa ang mokong.



"Bat nandito ka na naman ha!? Nagpapapansin ka sakin no!!?" Sigaw ko at tinaas naman neto ang dalawang palad bilang pagsuko.



"What? I'm here to get this soccer ball. We're playing then I suddenly kick the wrong direction. That's why.." nagkibit balikat ito at ngumisi sakin. Umirap lang ako at di naniniwala.




"Baka nung nakita moko, sinadya mo na. Palusot mo ulul." Bulong ko.



"And why would I do that? I'd get foul and it scores to our enemy. Bakit ko ipapanalo ang kalaban para sayo?" Tumaas ang kilay nya sakin. Umirap ulit ako sakanya. Ang presko ng datingan ah? Naguumpisa na naman sya.




"Sino?"


"Anong sino?"



"Kausap mo. Tara na nga yniza. Baka makasapak ako bigla."



"Bars! Kausap mo daw dude!" Pangaasar ni marvin.


"Nice one, mendoza." Nginisian ako ni william pero umirap lang ako sakanila.



"Ang sama mo. Sayo na nga yan! Tsk." Nilapag ni mikaelle ang notebook ko sa arts at mabilis kaming tinalikuran.


"Nahulog sa bag mo kanina kaso nawala ka agad. So harsh." Sumunod na si marvin kay mikaelle. Nagtatagalog pala sya?



"Mendoza, library later." Sumunod na din si william kaya napataas kilay ko.


"This is yours, right? So cute." Ani yniza na nagpipigil tawa.



"Oo. Anong cute don ha?"


"Cute nyong dalawa hehe.."



"Ikaw din yniza ah! Tumigil ka din." Tinawanan nya lang ako bago kami nagpasyang bumalik sa room.



BOOK2: The Snob Gangster's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon