Kaka-baba ko lang sa stage, kasabay ang ilang players na um-attend. Kasalukuyang ginaganap ang bonfire namin ngayon. Bumalik ulit ako sa upuan ko katabi si ate Syd at Aika.
"Ganda talaga ng t-shirt." Ngumiti si Aika ng nakakaloko.
"Sabi kasi blue, eh. Lahat ng blue ko nasa laundry na. Ito lang 'yung kakalaba." Paliwanag ko.
"Kakasoot mo lang niyan nung isang araw, eh. Mahalaga dahil may number 18 sa likod?" Sumali si ate Syd sa pang-aasar saakin.
Nang matapos sindihan ang bonfire, umalis na rin kami sa hall. Hindi namin alam kung nasaan ang boys.
Nang matapos ang bonfire, iilang estudyante nalang ang naiwan. Marami parin pero may mga umalis na din.
"Oh, akala ko number 5 ka? Bakit naging 18?" Tawag ni Mika. Nakakaloko siyang ngumiti at lumapit saamin. Anak kasi siya ng isa sa business partners ni Daddy.
"Binigay lang ng friend, Mika." Ngumiti ako sa kanya. Halata na plastic ang ngiti ko. She's not my friend, and I don't want her to be my friend.
"Friend? Ah. Friend mo sa basketball team?"
"Anong gusto mo palabasin, Mika?" Mataray na tanong ni ate Syd.
"Wala naman. Napatunayan ko lang na malandi pala talaga 'yan si Erin. Tumanggap ng flowers from Renzo, tapos now, from CJ?" Tumawa siya, nang-aasar.
"Anong sinabi mo? Bawiin mo 'yun! Compared naman sa pinsan ko, wala ka nang mas ilalandi pa, Mika!" Mariin na sabi ni Aika.
"Ano pa nga bang masasabi ko? Birds with the same feather, flocks together. Malalandi kayong tatlo. Saakin dapat si CJ." Umirap siya.
"Edi sa'yo! Kelan ba siya inagaw ni Erin sa'yo? Kasalanan ko bang mas gusto niya kaming lapitan kesa sa'yo? Di 'ba dapat kayo ang close dahil mas close ang parents niya at parents mo?" Sigaw ni ate Syd.
"Insecure kasi si Erin saakin! Nakukuha ko ang mga lalaki na gusto ko." Confident na sabi niya.
"Siyempre, maghuhubad ka lang naman eh." Ngumisi si Aika.
"Ako insecure? Bakit ako mai-insecure sa'yo? Ano bang pinagmamalaki mo? That your body is used, or your face looks abused? Ano ba doon? Nalito ako, ah." I faked a laugh.
"How dare you!" Aamba na sana ang kamay niya pero napigilan ko siya.
"You started it! Nananahimik ako, Mika. You interfered us! Sampalan ba ang gusto mo? I'll gladly give it to you." Galit na sabi ko. But I'm glad I'm still able to control my temper.
"For sure sluts ang nanay niyo. Doon kayo nagmana no?" Sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.
"How dare you? Who are you? Sabihin mo 'yan kapag may ambag ka na sa mundong 'to!" Mariin na sabi ko sa kanya at mas hinigpitan ang hawak sa pulso niya.
"Oh, affected. Totoo nga?" Ngumisi siya.
"Okay lang saakin na sabihan mo ako ng kung ano-ano. But not my parents. You messed up with the wrong person." I said.
Tinignan niya lang ako ng masama at itinulak. Masyadong malakas ang tulak niya kaya napa-upo ako sa floor. Sinampal niya rin ako.
"Erin!" Tawag ni Eros kasama si CJ na kakalabas lang ng hall. Agad silang lumapit saakin ang inalalayan ako tumayo. Tumutulo na rin ang luha ko dahil sa inis.
Buong akala ko, umalis na ito si Mika dahil matagal siyang hindi nagpakita saamin. But now thay she's back, mas malalang Mika pa ang ipinapakita niya saamin.
BINABASA MO ANG
Skies' not the limit
RomansaErin Athena Razon. Loved by everyone, feared by many. People look up to her. Looks, wit, talent, wealth. Name it and she has it. She has never felt anything odd and chaotic. Not until CJ - Clavell Jairus Zobel, an Atenean, and Blue Eagles' team Capt...