Disclaimer: Names, places, scenes, and events are just made up of my imagination. For short, this story is fully work of fiction. Also, this story is not affiliated with the hospitals/establishment that will be mention throughout the story. Thank you.---
"'Nak, huwag kang magpapalipas ng gutom doon." Paalala ni Mama, natatawa lang akong tumango.
"Palagi mo kaming tawagan." Sabi ni Papa, tumango lang din ulit ako.
"Dapat pagbalik mo dito, doctor kana ate Anci." Singit ni Lucas, natawa lang ako at ginulo ang buhok niya.
"Dapat pagbalik ko rin, malaki na ang business natin tapos ikaw na ang nag-papatakbo no'n." Nakangiti kong sambit.
"Ako pa ate." Ngumiti lang ako.
"Mamimiss ko kayo." Pigil na iyak ko.
"Tae, ate! Wala sa plano ko na umiyak ngayon!" Reklamo ni Lucas, natawa lang kami.
"Ma, Pa, huwag kayong mag-pagod masyado, ah? Lucas Mekail alagaan mo sila Mama at Papa, huwag kang gumawa ng kalokohan." Paalala ko sa kanya.
"Oo na ate! Umalis ka na, baka pigilan pa kita, eh." Kita ko naman ang namumuong luha sa mata niya.
"Chase your dreams, 'nak." Naka-ngiting sabi ni Papa.
"Tandaan mo ang number one goal mo, Lancie. Nandito lang kami para sa'yo." Dagdag ni Mama, ngumiti lang ako.
"Tinatawag na flight mo, ate." Sabi ni Lucas.
Ngumiti lang ako sa kanila at kumaway bago pumasok.
"Mag-ingat ka sa London ate!" Sigaw ni Lucas, tumawa naman ako ng mahina.
10 years later...
Lancie is now a successful neurosurgeon at one of the best hospital in Korea, she's been working there for almost 2 years. But suddenly she transfered in St. Luke's Medical Center at the Philippines.
Ang akala niya, magiging maayos din lahat. Pero nagkamali siya.
-Zil
BINABASA MO ANG
Be with You Again (HIATUS)
General FictionAfter years of hardship, Lancie finally made it. It was her goal and she took a vow in front of Beatrice Hidalgo that one day she will prove her wrong; that she can also be a doctor like her and will not disgrace their family's honor. Lancie's only...