Chapter I
BRRRIIIINGG!!
Tapos na ang klase ni Catherine. Dali- dali siyang lumabas ng room kahit na hindi pa nagpaalam ang kanilang teacher. Pumunta siya ng gymnasium para makipag meet sa kanyang boyfriend na varsity player ng kanilang school, si Raven.Gusto kasi nitong makita niya ang play nito. Number one fan kasi siya nito.
“Go Raven!” sigaw niya nang nakarating na siya ng gym. Tinitingnan siya ng masama ni Alyssa, a certified flirt ng kanilang school. Well, wala siyang pakialam. She has all the rights , boyfriend niya naman ito.
Well, Raven is one of a catch. Hindi lang ito mayaman kundi nandito na rin ang mga katangian na gusto ng isang babae sa isang lalaki. Tall, dark and handsome. Raven is actually hailed as the Varsity Player of their school but at the same time hailed din ito as certified playboy. Kabi- kabila din ang mga girlfriends nito. Mga isang buwan lang siguro ang pinakamatagal na relasyon nito sa isang babae. But everything has changed nang makilala siya nito.
Dalawang taon na silang magboyfriend ni Raven. Like a normal relationship, nagdaan rin sila sa mga problema ngunit sa halip na maghiwalay , naging mas matatag sila sa kanilang relasyon sa isa’t- isa. At isa sa mga pinakamatinding pinag-awayan nila ay yung time na nadikit ang pangalan nito kay Alyssa.
That bitch! Try mu lang na idikit ulit ang pangalan mo sa BF ko at mapuputulan talaga kita ng ulo!
Di niya namalayan na nilapitan na pala sa kanya si Alyssa. “He’ll be mine someday. I wanna see you cry like an idiot like what you did to me.” bulong nito sa kanya.
“Try mo lang at mabibigyan kita nga dalawang malulutong na fruit punch sa mga mata mo!” naghahamong sagot niya. That bitch? at sinabi pa sa kanya ang plano nito ha?
Tiningnan niya ito ng masama. Tiningnan din siya nito. At nagkatinginan sila sa isa’t - isa na para bang handa silang sumuong sa isang giyera. But Alyssa surrendered. Bianaba din nito ang tingin. Ha! Takot ka naman pala sa akin!That serves you bitch!
“Aagawin ko pa rin siya sa’yo !” she grins and leave the gymnasium.
Naiinis na siya dito. Ang sarap sabunutan!
“OKAY tapos na ang practice! Good Job guys!” sabi ng coach nina Raven.
Nilapitan agad siya ni Raven at binigyan ng kiss sa pisngi. “Ano ba? nakakahiya!” sabi niya. Tinutukso kasi sila ng mga kasamahan nito.
“Bakit? Wala namang masama sa ginagawa natin ah? At saka pampawala na rin ng pagod.” sagot nito sabay ngiti. “At saka hindi ka ba proud na boyfriend mo ako? kasi ako proud na proud. Beauty queen kaya ang GF ko.” biro pa nito.
Ganyan talaga si Raven, may mabubulaklak na bibig. Kumbaga ito ang pampatay nito sa mga babaeng natitipuhan nito. Well, isa na siya sa mga biktima nito. At ginagamit din nito ang specialty nito kung nag- aaway sila at gusto nitong makipagbati sa kanya.
Namula ang pisngi niya. “ Siyempre proud. Pero hindi naman ako beauty queen.Hindi katulad ng mga ex’s mong mga beauty queen nitong school natin”
“Oo nga, pero ikaw lang ang beauty queen ng buhay ko.” ngiti - ngiti pa rin ito. Pinsil pa nito ang pisngi niya. “Ang cute mo talaga pag nag ba blush! Halika na ! Dinner muna tayo!” at hinawakan na nito ang kamay niya.
KUMAKAIN sina Raven at Catherine sa isang mamahaling restaurant na malapit sa school nila. “Anong gusto mong kainin?”tanong sa kanya ni Raven. “Uhmm, kahit anong gusto mo. Di naman ako mapili sa pagkain, ee.” aniya.
Nag-order na ito. Nagring ang cellphone nito. “It’s M-mom. Wait lang ha? Labas muna ako.” parang balisang sambit nito. “Sige.” aniya.
Nakarating ang order nila ngunit hindi pa nakabalik si Raven. “Hayy, ba’t ang tagal niya? Lalamig na ‘tong order namin. Mauna nga lang ako. Gutom na ako ee.” kausap niya sa kanyang sarili.
HINDI mapakali si Catherine habang kinakain. Para kasing may nagmamasid sa kanya. She can feel it. Yun din kasi ang ginawa ni Raven nung unang pagkikita nila. At alam niyang may nagmamasid kasi nakaramdam siya ng pagkailang.
Luminga siya sa paligid. At tama ang hinala niya! May nakamasid nga sa kanya! Nakaupo ito sa pinakasulok ng restaurant at nakatingin sa kanya. He is kinda chubby. He is wearing glasses and looks like a nerd with his books above the table. Pero makinis ang mukha nito at mestizo. He’s cute even with those glasses on, sabi ng kanyang isip.
Woah! hindi ka ba natatakot kahit na tinitingnan ka ng chubby boy na ito? sabi namn ng kabilang isip niya.
Well hindi naman ito masama kung nakatingin. sagot namn ng demonyong isip niya.
Pero naiilang pa rin ako! Sagot namn ng isa.
Para siyang baliw na kinakausap ang kanyang sarili. Hindi niya napansin na nakaupo na si Raven sa harap niya. “I’m s-sorry , medyo natagalan.” Hindi na ito nag-abalang magpaliwanag. “H-hey, umm, hindi kita masusundo ngayon sa bahay niyo. M-may importante pa kasi akong gagawing project sa Psychology namin.” dagdag pa nito. Ba’t hindi ito tumingin ng diretso sa kanya? “Ah, Sige. Mag co- commute na lang ako.”
Raven is not the type of guy who is telling his problems to someone, kahit na GF pa siya nito. AT naintidihan niya naman ito. He may be selfish but he only did it because ayaw nitong bigyan din sila ng problema.
“Thank you so much for understanding me.” ginagap pa nito ang kanyang kamay.
Ngumiti lang siya.
“I’M REALLY SORRY. Sa susunod babawi ako.” hinging paumanhin ni Raven.
“Ano ka ba? di ba sabi ko okay lang? Sige na ! Umuwi ka na. Dapat maka ninety ka na sa Endterm mo. Dapat nga’y hindi mo na lang ininvite mag dinner, nag sayang ka pa ng oras para sa’kin.” ngiting sambit niya.
“It’s my pleasure. I g-gotta go!” Bye.” At hinalikan siya nito sa noo at nagpaalam.
AN: My way of writing ay yung pangpocketbook talaga. Like PHR style. hehe. pagpasensiyahan! :D
BINABASA MO ANG
My Ideal Man (On- going)
Teen FictionTall, dark and Handsome. It is every girl's dream to have someday. At isa na dito si Catherine, ang kaibahan nga lang ay nakabingwit na siya. But she never imagined that everything has come to an end nang harap- harapan siyang niloloko nito. She was...