--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Xander 's P.O.V
ang sakit??? .. totoo ba yung nababalitaan ko???.. si Aila at si Eric na ???... Sh*t di ako papayag... bakit ba kasi ang torpe ko???.. bakit di ko kayang ipaalam sa kanya yung totoong nararamdaman ko???
Na sya yung gusto ko .. at di naman talaga kami ni Nikki .. best friend ko yun at hello? may boyfriend na kaya yun.. nasa ibang school nga lang.. mabuti nga't di nya nalalaman 'tong mga kumakalat na tsismis dito sa school.. kundi lagot ako nito..
"uy bhest.. magtapat ka na kaya kay Aila??.. ",.. untag saakin ni Nikki
"hindi yun ganun kadali.. complicated na ngayon eh.. "sagot ko naman sa kanya,,
""dahil ba saakin? "tanong naman nya sabay turo sa sarili nya..
"hmmm oo tsaka.. may boyfriend na sya eh... "--->ako
"hahahaha... alam ako maganda ako.. at gwapo ka naman.. pero imposible yung mga paratang nila no!.. at about sa love life thingy naman ni Aila a.k.a Princess of Your life mo eh madali lang yan.. magboyfriend palang sila no, eh yung mag-asawa nga naaaswang pa ng iba.. what more kung magboyfriend palang?? haha... ."--->Nikki.. sabay tawa..
tss pagtawanan ba naman yung tsismis???.. baliw talaga...
"so, sinasabi mo ba na agawin ko sya?? ganun???... "
"uy hindi ah.. alam mo gusto ka nun.. nabasa mo naman siguro yung letter nya no?? haller?? super torpe mo kasi.. kaya kung ako sa'yo habang maaga pa eh gumawa ka na ng hakbang mo.. " pagkasabi nun ni Nikki eh tinapik nya ako sa balikat..
tama nga sya.. sabi doon sa letter nya eh mahal nya ako.. pero bakit naghanap agad sya ng boyfriend?? eh di pa nga ako nagrereply sa sulat nya..
tuwing lalapitan ko sana sya para kausapin eh.. hinaharang naman ako nung Eric na yun.. kainis nga eh.. ang sarap bugbugin..
"Go ka na.. as in now na.. " dugtong pa ulit ni Nikki sabay tulak na saakin paalis...