August 30, 12:00 am. Nang pumatak ang alas dose naisipan ni Nathan na tawagan si Janice.
*rings*
nagtaka si Janice kung sino ang tumatawag sa telepono niya kahit alas dose na ng gabi, nang makita niyang si Nathan ito agad niyang sinagot ito.
"Oh Nathan may problema ba diyan? Ba't ka napatawag?"
"puwede bang puntuhan mo ako dito?"
"sige sige papunta na ako Nathan,"
"Sige salamat Janice,"
Nagbihis si Janice at pumunta na sa ospital para puntahan si Nathan.
Pagkapasok ni Janice sa kwarto ni Nathan, nakita niya itong umiiyak.
"Oh Nathan bakit ka umiiyak?"
Tinabihan ito ni Janice sa kama at kinausap.
"nag-away nanaman ba kayo Nathan?"
Umiling si Nathan at tumugon.
"hindi ko kasi lubos maintindihan ang mundo, lagi nalang akong binibigyan ng kamalasan,"
"Nathan wag ka mag isip ng ganyan, sadyang nagkataon lang ang mga pangyayari,"
"minsan iniisip ko nalang, pano kaya kung magpakamatay nalang ako,"
"Wag mo isipin yan, kung iniisip mo yan dahil kay Cristina, wag mo na siya isipin Nathan, nandito naman kami para sa'yo,"
"Sabagay, tama ka naman nandyan kayo,"
"tumigil ka na kakaiyak Nathan, maging masaya ka, wag mo na isipin ang mga masasamang bagay,"
Tumayo si Janice sa harap ni Nathan at hinawakan ang pisngi ni Nathan sabay hinalikan ito.
Hinawakan rin ni Nathan ang pisngi ni Janice at diniin ang labi niya sa labi ni Janice.
Napahawak sa likuran ni Janice si Nathan habang sila'y naghahalikan.
Ngunit pumiglas na si Nathan sa pagkakahalik nito sa labi ni Janice at tumuloy na sa leeg ni Janice ang halik ni Nathan.
Ngunit hindi na natuloy pa ang kanilang paghahalikan dahil pumiglas na si Janice sa halik ni Nathan.
"Nathan tama na, hindi pwedeng ganito,"
"bakit naman? Eh kung si Cristina nga nagawa niya sa'kin 'yon,"
"Nathan ibahin mo ang sarili mo sakanya, iba kang tao Nathan, matino kang tao, you will never cheat,"
Napahiga si Nathan sa kama at napailing.
"hindi ko na talaga kilala ang sarili ko Janice, hindi ko na alam ang dapat kong gawin,"
Hinawi ni Janice ang buhok ni Nathan at hinalikan ang noo nito at namaalam na.
"Nathan matulog ka na ha, ako'y uuwi na kasi anong oras na rin naman ala una na ng umaga,"
Lumabas na si Janice sa kwarto ni Nathan at umuwi na.
Alas dos na ng gabi makauwi si Janice sa kanilang bahay.
Pagkabukas ni Janice ng pinto agad niyang nakita ang kaniyang ina.
"Oh Ma bat gising ka pa?, "
"Hinihintay kasi kita anak,"
"Bakit ma? May problema ba?"
"wala anak, hinihintay lang kita, kasi sasabihin ko lang sayo na aalis kame ng papa mo bukas para mag honey moon sa Hong Kong,"
"Aba eh kinikilig ka nanaman ma kaya hindi ka makatulog eh,"
"dili man anak, excited lang ako eh,"
"Sige ma mageenjoy kayo ni papa iiwan ako ng pera dito pangdagdag sa pera niyo ha,"
"Sige anak Salamat!"
Pumunta na si Janice sa kwarto niya at nahiga na, ngunit lumipas ang ilang oras tila gising parin si Janice at hindi makatulog.
Napaisip si Janice kung ano ang kaniyang nararamdaman niya para kay Nathan.
"Janice mali ito, mali ito Janice, hindi mo pwedeng mahalin si Nathan dahil hindi ka naman niya kayang mahalin mahalin eh,"
Nag desisyon si Janice na ipikit nalang ang kanyang mata at blankohin ang isipan upang makatulog na siya.
Pagsapit ng umaga, August 30, 8:00 am, nakita na ni Janice si Nathan na nakaputing polo at nakamaong na pantalon.
Kaya't dali-daling naligo at nagalmusal si Janice para siya ay makasama sa libing ng tito Klaro ni Nathan.
Sinalubong ni Janice si Nathan ng kaway, tumugon naman si Nathan.
"Good morning Janice,"
"Morning Nathan, are you feeling ok na?
" Well, yes im feeling better, "
" So ngayon abg libing ng Tito Klaro mo,"
" Oo, sasama ka ba?"
" Oo, nakabihis na ako eh, "
" ahh okay, shall we? "
" yeah yeah, sure, "
Sumakay na ang dalwa sa kotse ni Nathan at sumabay na sa sasakyang naghahatid ng labi ng kanyang tito Klaro.
Nangmakarating sa sementeryo nagkaroon ng maiksing misa para sa patay, matapos ang misa nagbasbas ng kabaong ang pari at mga kamaganak, agad inilibing ang labi ng tito Klaro ni Nathan dahil malapit nang umulan.
Ngunit habang ibinababa ang kabong umulan ng malakas at kinakailangan sumilong ng lahat, kaya't sumilong ang lahat maliban kay Nathan na nananatili paring nakatayo doon kasama ng mga nagbababa ng kabaong.
Tiniwag ni Janice si Nathan para sumilong ngunit hindi ito narinig ni Nathan.
"Nathan!! Sumilong ka dito!!"
Ngunit hindi tumugon si Nathan, subalit ito'y lumuhod at humawak sa muka.
Tumakbo si Janice papunta kay Nathan at pinayungan ito habang todo todo ang paghagulgul nito.
"Nathan halika na Nathan, tama na Nathan tama na,"
Tumayo na si Nathan at sumabay na kay Janice pumunta sa tent na pinasisilungan ng lahat ng kasama.
Matapos ang ulan pumasok na si Nathan sa kotse sinundan ito ni Janice.
Sabi ni Nathan kay Janice "umuwi na tayo, masakit na ulo ko ikaw na magdrive,"
Sumangayon naman si Janice at idinrive na ang kotse papunta sa bahay.
Nangmakarating na sa bahay agad humiga si Nathan at nagpahinga.
Kumuha naman si Janice ng balde ng tubig pati narin ng bimpo para ipamunas kay Nathan.
Nanghawakan ni Janice ang noo ni Nathan nagulat ito dahil sobrang init ng katawan nito tila mataas ang lagnat.
Kaya't dali daling pinunasan ni Janice si Nathan, pinalitan ng damit, at pinainom ng gamot.
Matapos palitan ng damit ni Janice si Nathan agad niyang tinawaga ang tatay ni Nathan para ibalita na nilalagnat si Nathan.
*rings*
"Oh Janice bakit? May problema ba diyan?"
"nilalagnat po si Nathan tito nabasa po kasi ng ulan, pero wag na po kayo mag alala inalagaan ko na po siya, ipainom niyo nalang po ang gamot na inihanda ko dito 3 times a day po iyon,"
"Ahh sige sige, maraming salamat Janice sa walang sawa mong pag alaga sa anak ko,"
"wala po yon tito kaibigan ko na po siya,
"oh sige na Janice pauwi na kami diyan,"
"sige po tito,"
Binaba na ni Janice ang telepono at binantayan si Nathan.
Ngunit nakatulog ito habang binabantayan si Nathan.
--------to be continued-------
BINABASA MO ANG
A Modern Love Story (Modern Love Series #1)
RomanceLove has no limits, and pain has no specific target. Dont be fooled by your heart, the consequences can be life changing. As a businessman fell inlove with the girl of his very desire, while also being haunted by the past. A clothesline owner feels...