Chapter 2
HAIIII! ba’t wala pa ring jeep na dumadaan dito? Naiinis na si Catherine. Mga tatlumpong- minuto na siya sigurong naka upo sa waiting shed ngunit hindi pa siya nakasakay. Mero ngang jeep na dumadaan , eh ang problema puno namn. Hindi ko naman keri mag taxi, enough lng yung money ko pang jeep.
Tiningnan niya ang relo niya. Waaa! alas nuwebe na! Tiyak na papagalitan na siya ng nanay niya . Tiningnan niya ang kalangitan nang bigla- bigla na lang itong kumulog at umulan ng malakas. Anak ng teteng! Pag minamalas ka nga naman!
“Psst!”
Ano iyon? May tumatawag ba sakin? Di namn siguro.Baka patak lang iyon ng ulan!
“Psst! Miss!Hey!” tawag ulit sa kanya
Alam niyang hindi na patak ng ulan iyon.Luminga siya. Sa di- kalayuan sa kaliwa niya ay may sasakyang Mercedes- Benz na umiilaw. At sa loob niyon ay may kumakaway sa may bintana. Ako bang kinakawayan nun? Tumingin siya sa paligid. Wala namng tao. Siya nga siguro. Pero di namn niya kilala to.
Lumapit sa kanya ang Mercedes at lumuwa doon ang isang lalaki. Kahit na medyo madilim naaninag pa rin niya ang mukha ng lalaki sa loob. Oh ! Si Chubby Boy! Pero anong kailangan nito sa kanya?
“Ako bang sinisitsitan mo?” tanong niya. “Ehh,” nagkamot ito ng batok sabay ngiti. Ang cute. “oo, napansin ko kasing kanina ka pa naghihintay ng masasakyan. Kung gusto mo ako na lang ang maghahatid sa yo.” parang nahihiyang pang alok nito. Ang sarap pisilin ng pisngi mo! Kakagigil!
“Ha? Ibig sabihin kanina ka pa diyan at pinagmamasdan mo ako?” Stalker ba ‘to?
“H-hindi. Nagkataon lang na uuwi din ako. At saka nakita kitang nakaupo at naiinip kaya naispan kong mag-offer,” hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. Tumingin pa ito sa daan. “ Mas maraming sumasakay ng jeep ngayon lalo na’t ganitong oras, uwian na kasi ng mga nagtatrabaho at saka umuulan pa. Maliit lang ang tsansa mong makasakay ng jeep.” dagdag pa nito.
“Ah, hindi okay lang. Pupunta na lang ako ng highway. Dun na lang ako maghihintay.” tanggi niya. Hindi namn sa hindi niya ito mapagkatiwalaan, kaya lng hindi lang siya sanay na sumakay sa hindi kilala niya kahit na mabait pa ito sa kanya.
“Marami nang rapist ngayon. At marami nang narape malapit diyan sa highway. D namn kasi matao diyan.” pananakot pa nito. Eeek! Oo nga no? “And I ensure you that I won’t do anything harmful to you. Hindi ako masamang tao. Kung gusto mo ibigay ko pa sa yo ang pocket knife ko para puwede mo akong saksakin sa oras gagawa ako ng masama sa’yo.” At inilabas pa nito ang pocket knife nito.
“Oi wag na!”Pinalayo niya ang pocket knife nito. Nagisip- isip muna siya. Oo nga no? Bakit pa ba ako magpapakipot? e nagoffer na nga itong si chubby boy? At alam kong hindi siya masamang tao.
Weh? Paano ka nakakasigurado? Sabi ng traidor niyang isip.
Basta nafe - feel ko!.
“Sige na nga, pero dun mo lang ako idaan sa may tindahan ni Aling Rosing, masukal na kasi kung papasok ka pa.” Ngiting payag niya.
BINABASA MO ANG
My Ideal Man (On- going)
Teen FictionTall, dark and Handsome. It is every girl's dream to have someday. At isa na dito si Catherine, ang kaibahan nga lang ay nakabingwit na siya. But she never imagined that everything has come to an end nang harap- harapan siyang niloloko nito. She was...