Chapter 3

14 0 0
                                    

Chapter 3


From: #0921++++++

Good Morning Amelie

Pagkagising ko ay ang mensahe mula sa lalaking pinagbigya ni Mayel ang bumungad sa akin. Hindi ko ulit siya nireplyan at gumayak na lamang ako dahil baka malate lang ako. Paglabas ko ng bahay ay pumunta ako sa carinderia para makapagpaalam kay lola,may ilang minuto pa naman ako na pwedeng maglagi.

"Amelie, papasok ka na ba? Kumuha ka na sa kaha ng pang-baon mo"

"Sige la, kukuha na po ako" tatalikod na sana ako pero hinigit niya ang aking braso."Oh bakit po la?"

"Kamusta na kayo nung lalaking naghatid sayo?" sabi pa niya habang nakangiti at pataas-taas pa ag kilay.

 "Lola naman eh,sinabi ko sayo wala lang 'yon. Nakita lang niya ako at siguro siya ay may mabuting puso kaya pinasilong niya ako"

"Sigurado ka ba? Sayang kay gwapong binata 'non, kung nabubuhay lang sa panahon ko 'yon baka iyon ang maging lolo mo" biro pa niya sakin habang tumatawa "Sige na la,tama na biruan alis na po ako" kating-kati na ako umalis dahil panigurado ay hindi ako titigilan ni lola

Pagkapasok ka sa room ay nakaabang na agad sakin si Mayel pero nakabusangot mukhang hindi ata maganda ang timpla ng umaga niya. " Oh bakit ganyan mukha mo? Sino nang-away? Gusto mo resbakan natin?

"Gago,pakisapak nga sarili mo,naiirita ako sayo" nagulat ako sa mga sinabi niya,wala naman akong natandaan na pinag-awayan namin o ano samantalang kahapon ay ayos naman kami. "Ano bang ginawa ko?" sabi ko sa kanya because I'm totally clueless

"Diba may nagtetext sayo na ang number ay 0921 ang umpisa? Diba sabi ko rin sayo na baka iyon yung pinagbigyan ko ng number mo?"

"Oo meron nga tapos ano gagawin ko ngayon?" hindi ko naman kasi nirereplyan kasi hindi ko pa naman siya kilala personally at saka mahirap magtiwal ngayon malay ko bang ginagago lang ako

"Ano pa ba dapat gawin  kapag may nagtext ha Amelie?"

"Rereplyan?" patanong ko pang sabi sa kanya. Hindi na siya mukhang galit ngayon,normal na usapan lang.Hindi tulad kanina na mahahalata mo talagang galit siya.

"Alam mo naman pala ang gagawin,eh bakit hindi mo magawa?" kapag ba nagtext kailangan replyan? hindi pa pwedeng ipagsawalang bahala na lang?

"Okay,chill. Wag mukhang dragon. Hindi ko lang naman kasi nirereplyan kasi wala akong maireply,okay? Next time I'll reply once na nagtext ulit okay?" paninigurado ko sa kanya

"Sige,sabi mo 'yan nako kakalbuhin kita kapag hindi mo ginawa"

Hindi na kami nakapagdaldalan pa ni Mayel dahil biglang dumating ang teacher namin para sa first subject. Typical na araw lang naman ang nangyari. Maghapon na nagdiscuss ang mga teacher,maghapon maingay ang klase dahil may nagbibiruan o nag-aasaran,may mga mangilan- ngilan na nagbibigay ng mga group work at individual activities. Sobrang nakakapagod na maghapon.

Lumabas ako ng classroom dahil ang sabi-sabi ay may meeting ang faculty kaya walang klase. Iniwanan ko sa classroom si Mayel dahil busy naman siya sa pakikipagdaldalan sa iba naming mga kaklase. Napag-isipan ko na pumunta sa library dahil may libro akong hihiramin para sa isang assignment namin. May google naman pero sa library ako minsan talaga kumukuha ng sagot kasi mas legit yung information na nandoon.

Puro ka batch namin at mga grade 10 ang nasa building namin. Hindi ka mahihiyang maglakad lakad dahil karamihan naman dito ay magkakakilala na. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad habang nginingitian naman ang ilan sa mga nakikita at nakakasalubong. Sa paglalakad ko ay may narinig akong nag-gigitara nilingon ko iyon at may nakita ako na grupo ng mga estudyante na nagja-jam. May nagigitara,may nau-ukelele, may mga kumakanta at may ilan naman na nakikisali lang sa kantahan.

Noong malapit na ako sa pwesto nila ay nakita ko ang lalaking nakatalikod na nag-gigitara. Halos magdadalawang linggo ko na siya hindi nakikita mula noong pinayungan niya ako .Nakangiti siya habang nag gigitara at kumakanta. 

Narealize ko na ang mas may hitsura pala siya lalo na kapag ngimingiti. Siguro friendly siya kaya madami siyang kasama sa jam nila.Ipagsasawalang bahala ko na sana at magpapatuloy na sa paglalakad but his eyes went on me.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Unting-unti nawala ang kaniyang ngiti at nanatiling nakatitig sa akin.Hindi iyon kita ng mga kasama niya dahil  bahagya siyang nakayuko. Hindi ko alam kung ilang segundo kami magkatitigan natauhan na lamang ako ng may nakapansin sa mga kasama niya at pumalakpak sa mukha niya. Binatukan niya ito at muling bumalik ag tingin sa akin. 

I was ashamed of what happened so I could do nothing but smile at him. I just turned around and walk again.

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa titig na iyon.It seems that  there's something on my chest na gustong kumawala. Nang makarating ako sa library ay binati ko ang librarian at pumunta na sa section of books na kailangan kong hanapin. Lumipas ang sampong minuto ay hindi ko pa nahahanap ang libro na hinahanap ko. 

Natapos ko na ang isang shelf ay wala parin ,pumunta ako sa kabilang part at hindi ko inaasahan na muli ko siyang makikita. Prente siyang nakasandal sa bookshelf na tila may hinihintay. Nagpalinga-linga ako at napansin na walang masyadong tao sa parte na ito.Kami lamang at ang isang babaeng nagbabasa. Hindi ko siya pinansin at hindi ko rin pinansin ang namumuong kaba sa aking dibdib, nagpatuloy ako sa paghahanap ng libro. Nakakapagod ang maghanap,siguro next ay maghahanap na lang talaga ako sa google.

"Until how long will you ignore me?" gulat ako sa pagsasalita niya kaya nag angat ako ng tingin sa kanya 

"Are you referring to me?" tanong ko dahil baka hindi naman ako ang kausap niya pero impossible dahil kami lang ang tao sa section na ito

"Yeah,sino pa ba?" nagtuwid na siya ng tayo at nanatili ang tingin sa akin "Bakit?" I asked.

"Bakit hindi ka nagrereply sa mga text messages ko?" What did he say? Siya iyon? Siya yung kakilala ni Mayel?

"Ikaw yon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya " Isn't it obvious? That's why I'm asking you." sabi niya habang nakangiti sa akin

"Hmm,I don't know what to reply, sorry. Saka hindi kasi kita kilala kaya hindi ko nirereplyan. Pasensya na ulit hehe" sabi ko sa kanya habang medyo nahihiya sa kanya ngumiti na lang ako sa kanya habang kunwaring nagkakamot ng batok

"Adorable" 

"Huh? May sinasabi ka?" may binulong kasi siya pero hindi ko narinig sa sobrang hina

"Ang sabi ko replyan mo na ako sa susunod"

"Hm,okay?" Still unsure. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo na parang hindi satisfied sa sinabi ko

"Parang hindi ka pa sigurado kung rereplyan mo ko ah? Hey,I'm just being friendly,I won't do anything,sa gwapo kong ito?" paninigurado niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Nginitian ko siya. I just realized na mahangin pala siya?

"Alright,magrereply ako promise.Wait, what's your name?" sa loob ng halos dalawang linggo ay hindi ko pa rin siya natatanong sa kanyang pangalan kaya naglakas loob na rin ako

"Jesster Bon Alarcon,magreply ka sa next na message ko sayo.Gotta go! See you next time"

Naiwan akong nakatunganga sa library. Nanlalambot ang  mga tuhod ko sa totoo lang kanina ko pa iyon pinipigilan.I'm so speechless. All this time siya pala ang nagmemessage sakin.Ang hindi ko alam kung bakit sobrang interesado niya sa akin.

One Last Song (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon