CHAPTER 9 - Tubig
Kian's POV
Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa'kin. Basta I just kissed her. Siguro dahil madami siyang satsat.
But damn! She got soft sweet lips. I started to feel numb. Hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko. Biglang nakaramdam ng lungkot yung puso ko at hindi ko alam kung bakit. Maybe it's because of Lia.
Alam kong nabigla rin siya sa halik ko. Pero hindi ko rin naman masisisi yung sarili ko. Kahit ako nga eh, hindi aware na lumapit na pala yung labi ko sa labi niya. Speaking of, I'm still kissing her fa—
"Shit! Let go of me, witch!" Bigla kong sigaw. Sinabunutan kasi ng babaeng 'yan ang buhok ko!
"At ikaw pa talaga yung naninigaw sa'kin?! I am asking you to let go of me kanina pa! Tapos ngayon, you're telling me to let go of you? Iba ka rin noh?!" Maze shouted angrily. "And how dare you kiss me! I hate you very much!"
"Was that your first k-kiss?" I asked. Why the heck did you stutter Kian?!
"Was that intentional?" Tanong niya na nakataas ang isang kilay.
"I'm sorry." Mahinahong aniko.
"Sorry?! Wow. Just wow!" Maze said, amusement evident in her tone.
"I'm really sorry. Hindi ko naman sinasadya."
"Sinadya man o hindi, what's done is done. But look at what you did to me! My clothes are wet! My precious uniform is wet! And ugh! Just look at what you did to my shoes! Paano ako uuwi nito? If I get sick, I won't hesitate to kill you!" She pointed at me. "You better hide if you don't wanna die. Arggggghhh! You're so annoying!" Okay, sorry na. Nakokonsensya na ako. Siya kasi eh!
Umahon na siya sa pool at naglakad papalayo. Umahon na rin ako at dali-daling nagbihis. Pagkatapos, hinabol ko na yung babaeng yun. Tss.
"Ihahatid na kita." She just ignored me. "Hoy Maze! Hatid na kita sabi!" Talagang matigas 'tong babaeng 'to ha. Ayaw akong pansinin. "Huuuuy, ihahatid na kita." Pangungulit ko pa.
"You're so makulit! Did I say no ba? Hindi ka naman nagtanong ah?!" Oo nga noh?
Kinuha na niya yung mga gamit niya sa locker. Akala ko magbibihis pa siya. Teka, wala siyang extra clothes? Kaya pinuntahan ko ang locker ko na hindi naman kalayuan. Kinuha ko ang coat ko.
"H-here." Binigay ko sa kaniya yung coat ko na hindi tumitingin sa kaniya. May inner naman kasi yung uniform namin na white longsleeves na pollo.
"No thanks. Baka lumapit pa yung bad omen sa akin." Aniya.
"Ano'ng bad omen? Ang swerte ko kaya."
"Whatever." Ako na lang ang nagsuot ng coat sa kaniya. Dami kasing arte.
"Don't you ever dare give it back to me now. Sa susunod mo na yan ibalik sa akin." Wika ko.
"What if ibalik ko sa'yo right now?" Panghahamon niya.
"Alam mo, ang tigas ng ulo mo. Mas pipiliin mo pa ba 'yang kaartehan mo kesa sa kalusugan mo?"
"Concerned much?" Ngumisi siya.
"Hindi noh! Tara na nga." Hinila ko na siya doon sa parking lot kung saan yung sasakyan ko. Bago siya umupo sa passenger's seat, nilagyan ko muna yung upuan ng plastic para hindi mabasa yung seat.
Hinatid ko na siya sa bahay nila. Goodluck to her. Mukhang kukulitin siya ng madaldal niyang pinsan.
Habang nagmamaneho ako pauwi, may tumawag kaya sinagot ko naman ito.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Novela JuvenilNaniniwala ba kayo sa kasabihang "Pagbalik-baliktarin man ang mundo, kung ang dalawang tao ay nakatadhana para sa isa't isa, magtatagpo at magmamahalan sila?" Paano kung pinaglaruan sila ng tadhana? Pinagtagpo ngunit naging malabo. Pinagtagpo ngunit...