Sharpton POV
Nakaupo ako ngayon sa kama at uminom ako ng gamot para iwas sa hilo
Kinuha ko ang vogue na kinuha ko kanina sa basura
Sa tingin ko siya ang may ari nito....
Tinignan ko ulit ito kung nay bakas ng dugo pero mayroon nga.
Tumingin ako sa cellphone ko at kinuha ko iyon, hinanap ko ang number ni tanasia at itetext ko siya
Tanasia
Me:Pasensya na umuwi na ako sa apartment ko...
Me:Medyo natakot ako sa bangkay na nakita ko
Pagkatapos ko dito ay bumuntong hininga ako at humiga
"mas maigi atang matulog muna ako..."bulong ko sa sarili ko sabay pikit ng mata
May humahabol saakin....hindi ko makita ang kanyang mukha dahil naka maskara itong itim at buong ulo niya ang natatakpan ng maskara....wala akong ginawa kundi tumakbo ng tumakbo dahil isa lang ang alam kong gagawin niya saakin....PAPATAYIN NIYA AKO
Napapagod na ako sa pag takbo kaya nadapa ako at umikot ikot sa sahig
"ah! Suko ka naba?!"sigaw ng lalaking ito at nilabas niya na ang pinaka paborito niyang armas........latigong itim
"w-wag..hinding hindi ako susuko hanggat hindi mo nalalaman ang totoo..."bulong ko dito
Bigla niya itong ipinalo saakin...
Ring!!Ring!!
Nagising ako ng bigla kong narinig ang cellphone ko
"panaginip lang pala...."bulong ko at pinunasan ang mukha ko dahil pawis na pawis ako
Kinuha ko ang phone ko at agad ko itong sinagot
"hello?"sagot ko
"mag coffee tayo mamaya"sabi saakin ni doctor han sa phone
"sure anong oras?"tanong ko dito
"mga 4:30 maliligo muna ako..."sabi nito
"sige kakatok nalang ako dyan"sabi ko dito
pinatay ko ang linya at kinuha ko ang towel ko para maligo
Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko??...
Nag focus ako sa shower at pumikit,dinadam dam ko ang tubig na dumikit sa katawan ko
Tinignan ko ang malaking peklat ko sa dibdib dahil inoperahan ako ng bata pa ako
Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung sino ang donor nito...
Pagkatapos ko maligo ay nag bihis agad ako at kinuha ko ang ebidensya na nakita ko kanina sa basura
Pag labas ko ng apartment ay agad naman akong lumapit sa kaharap kong apartment
Knock!!Knock!!Knock!!
Pag ka katok ko dito ay agad namang bumukas ito at bumungad saakin si han na nakangiti
"ang tagal mo!.."sabi nito at lumabas ng apartment niya sabay sarado
"syempre sinuklayan ko muna itong buhok ko para medyo maayos"sabi ko dito at ngumiti naman ito saakin
"grabe nag pa gwapo pa"sabi nito sabay akbay saakin
Minsan para ko talaga siyang kuya dahil madalas kaming nag bobonding ng ganito at na ngangamusta siya lagi saakin
Pumunta kami sa starbuck at bumili ng coffee
"ano kamusta na trabaho mo?"sabi nito
Ngumiti naman ako at tumingin sa kape na hawak ko parin kahit naka upo na kami
"ito stress na stress kasi may nakita akong bangkay kaninang umaga..."sabi ko dito at agad naman itong nagulat saakin
"paano mo nakita? Eh diba dapat nasa office kalang?"sabi nito dahil nag aalala siya saakin
"masyadong brutal ang ginawa sa bata...pero may nakuha akong ebidensya pero tinago ko"sabi ko dito
"bakit mo tinago?! Eh kailangan nila yun...at nasaan ba?"sabi nito
Nilabas ko sa bulsa ko ang kapirasong vogue na sigarilyo at iniabot ko ito saakanya
Kinuha niya ito at ang expression ng mukha niya ay hindi ko maintindihan kung natatakot ba o nagagalit
"dumating na siya...."mahinang bulong nito habang nakatingin sa sigarilyo
"ahm??sinong dumating?"tanong ko dito at umiling naman ito bigla
"wala..."sabi nito at tumingin saakin
"mukha ngang inosente yung pumatay,kasi nung itinutok niya sa ulo ko ang baril ay nanginginig ito na para bang ayaw niya talaga at napipilitan lang..."sabi ko dito
"ano?! Tinutukan ka ng baril sa ulo?!"gulat na tanong saakin ni han
at kwinento ko sakanya ang lahat ng nangyari kanina at napaisip naman ito bigla sa mga sinabi ko
"masyado namang imposible na magawa yun ng magulang sa sarili nilang anak unless......adik ito sa droga"bulong nito
Napaisip ako dahil tama siya baka nga adik ang mga yun,pero kahit na sarili nilang anak yun..
Napabuntong hininga ako at sumandal sa kinauupuan ko, napatingin ako sa labas ng medyo umuulan
"ang gawin mo kausapin mo iyang nanay at tanong mo kung siya ba talaga ang may kasalanan o kung kailangan niya ng tulong mo..."sabi saakin ni han at agad naman akong nag taka
"bakit naman kaylangan niya ng tulong ko?"tanong ko dito
"let say paano kung hindi nga sila ang pumatay at may nag mamanman din sa kanila na dapat sabihin nila na sila ang pumatay dahil kung hindi papatayin din silang dalawa...."sabi nito saakin
Tama! Paano kung ganun nga ang nangyari dahil para bang napipilitan nilang gawin saakin yun at ang mata naman ni jovie ay parang bang nagsisisi sa ginawa nilang yun saamin ni tanasia...
Tumahimik kami at uminom lang ng coffee, tumingin ako sa counter ng may nakita akong lalaking nakatalikod at halatang may kausap ito
Tss sa dami dami ng store dito pa kayo napunta?....
Agad naman ako tumingin sa labas ng bigla ng papalapit si tanasia at si clarc na may hawak na coffee at nag hahanap sila ng mauupuan
"sha--"
"Shh!!!"sigaw ko kay han ng babanggitin niya sana ang pangalan ko
"bakit??"sabi nito saakin
"basta manahimik ka muna tapos tingin ka sa labas"dahilan ko dito at ginawa niya naman ito
Pasimple akong lumingon kung nasaan silang dalawa pero ang kinagulat ko ay mag katabi lang pala ang lamesa namin
Kaya agad akong umupo ng maayos at tinago ang mukha ko para hindi nila ako makita
"look i'm sorry...."sabi ni clarc kay tanasia at si tanasia naman ay malungkot
Anong meron sa kanilang dalawa? Bakit nag sosorry si clarc?....
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.