I'm Eunice Manansala, isa akong vlogger. May 1M subscribers na rin ako sa aking YouTube channel. Mga content ng aking mga vlogs ay about sa travelling, lifestyle and sometimes about fun.
Today ay nagshoshoot ako ng video para sa next vlog ko kasama ang aking boyfriend na si Jared. Gusto niya raw kasi gumawa ng YouTube channel niya so tutulungan ko siya mag plug.
"Hello my Eunics it's me again your Mama Eunda. Kung bago ka pa lang sa channel na ito ay welcome saiyo" pagsisimula ko. Nasa gilid ko pa lang si Jared at pinapanood ako kung paano ako mag video
"So today may kasama ako ang aking boyfie na si Jared. Love halika wag ka ng mahiya" paghatak ko rito at inilapag ang camera sa lamesa para wala na akong hawak kapag kaya
"Ito nga pala si Jared mga Eunics ko. Gusto niya raw kasi maging vlogger din at gagawa siya ng YouTube channel niya sana supportahan niyo ang inyong papa ha. Nasa comment box kung ano name ng channel niya hanapin niyo na lang roon naka pin naman siya so hindi mahirap hanapin" pahayag ko. Pinilit ko talaga na gumawa ng channel si Jared para may libangan siya hindi lang puro tunganga.
Puro kwentuhan at asaran ang ginawa namin sa video. Kinuwento ko sakanila kung paano ko nakilala si Jared at kung paano ko siya sinagot sa panliligaw niya.
Actually kasi si Jared ay fan ko nakilala ko siya sa isang fun fest at sinabi niya na nanonood daw siya ng mga vlogs ko. So ayon nakipagkwentuhan ako sakanya then he ask me kung pwede ba niya ako maimbitahan na kumain then I said yes, why not diba ang gwapo kaya niyan ni Jared at sobrang bait din. Nagpatuloy tuloy pa ang pagkikita namin hanggang sa na ligaw na siya. 5 months din siya na ligaw sakin at ngayon ay 9 months na kaming in a relationship.
Pagka edit ko agad ng aming video ay ginawan ko na ng channel si Jared at saka inupload ang video. After 10 hours ay may 1.2 million views na agad ang video at may 500k subscribers na ang channel ni Jared.
Kaya tuwang tuwa ako para sakanya at nag thank you siya sa akin dahil tinulungan ko siya gumawa ng channel. Dahil diyan ay nilibre niya ako. Oh diba naka libre pa ako.
-
3 years na rin akong vlogger ngayon at may 3.7M subscribers na ako samantalang si Jared naman ay may 2.9M na. Nagpatuloy tuloy pa ang pag vovlog namin at sobrang saya namin na ginagawa ito.
Akala ko magtutuloy tuloy na ang kasiyahan namin. May hangganan din pala.
Simula kasi ng magkaroon siya 3.5M subscribers na ay naging busy na siya sa pag vovlog para maging 4M ito. Nawalan siya ng time for me at mas nakatutok na siya ngayon sa pagvovlog.
Ako naman ay nag lilo muna sa pagvovlog dahil nakakapagod na rin at wala na akong content na maisip.
Kapag nanghihingi ako ng time sakanya ay nagagalit siya, sasabihin niya busy siya sa pagvovlog. Pero kapag siya ang nanghihingi ng time sakin para mag parami ng subscribers ay binibigay ko naman ang time ko.
One time nagalit pa nga siya sa akin dahil tinanggihan ko ang pag collab sa kanya. Ayaw ko na kasi mag vlog nung time na yon atsaka gagamitin niya lang naman ako para dumami ang subscribers niya.
Minsan sinisisi ko ang sarili ko. Bakit ba kasi pinilit ko pa siyang mag vlog. Sana hindi na lang edi sana happy parin kami ngayon. Sana may time pa kami sa isa't-Isa. Sana maayos pa ang lahat.
-
Ngayon ay nag stop na talaga ako mag vlog dahil ayoko na. Break na rin kami ni Jared dahil sabi niya ayaw niya na raw sakin, hindi niya na raw ako mahal, may nahanap na siyang ibang magiging girlfriend na kayang paramihin ang subscribers niya. Napaka babaw niya, dahil lang sa hindi ko mapataas ang subscribers niya ay hiniwalayan niya na ako.
Nanonood ako ngayon ng isang vlog niya kasama ang bago niyang girlfriend na si Venice. Habang pinapanood ko iyon ay lumuluha na pala ako.
Andami kong na realize ng panoorin ko yung vlog na iyon. Sobrang ma effort pala siya na hindi ko naranasan ng maging mag bf-gf kami. Sana ginawa niya yan nung kami pa diba. Pano niya nga ba magpagawa yan eh busy siya magparami ng subscribers hays.
Pagkatapos kong panoorin ang vlog nila ay pinatay ko na ang laptop at nagpunas ng luha.
Someday mahahanap ko rin ang lalaki na mamahalin ako ng totoo at hindi ako gagamitin gaya ng panggagamit sakin ni Jared.