"Bakit Kuya ang tawag mo sa akin? Paano kita liligawan niyan?"I don't know what to react. Should I smile? Shoul I scream? Shoul I... I don't really know! Nanatili lang akong nakatitig kay Kuya Parker na nakatitig din sa akin.
Seryoso ba siya?
I thought he's into Ate Caryll? Ang gulo nila!
"Huh?"
"I'm courting you, Sha."
My lips parted. He's too straightforward. Hindi ba man lang siya magpapaligoy-ligoy? Like, mauutal pa siya ganon, o kaya iiwas muna siya ng tingin. Ugh!
"Are you serious? Baliw ka talaga. 'Wag mo akong binibiro, hindi naman April Fools ngayon," sabi ko at bahagya siyang pinalo sa braso.
His brows furrowed. Now, sobrang awkward na. Seryoso talaga siya.
"I'm serious. Kailan ako nagloko?"
Lumunok ako, hindi alam ang sasabihin. Should I escape? I mean, tatakbo ako at iiwan siya? Pero parang ang bastos naman noon!
"I-I thought, y-you're into Ate C-Caryll? 'Diba? Yung sa canteen," nauutal kong tanong.
He pouted. Nakita ko pa ang kaunting pag-ngiti niya. "Iniisip mo 'yon? I told you, may gusto ako sa 'yo. Pero hindi mo na ako pinapansin o ang mga sulat na binibigay ko sa 'yo."
I rolled my eyes. "It's none sense. Giving letter, huh? Bro, we're already in the 21st century. Level up! Atsaka paulit-ulit lang ang sinasabi—" I shut my mouth.
Late ko na na-realized na sobra na ang sinabi ko. I didn't mean to say that! Hala. Ang tanga, Shaneen!
"Is that so?"
"No... no. I mean, oh my gosh! Wait. Pupunta lang ako sa comfort room."
Muntikan nang matapos ang binili kong inumin dahil sa pagmamadali. Mabuti na lang nahawakan ni Kuya Parker ang braso ko at ang coffee jelly. Mabilis ko siyang iniwan at nagmamadaling pumunta sa comfort room.
Mabuti na lang at walang ibang tao!
"Oh my god, Shaneen! Ano bang pinagsasabi mo sa kaniya? Baka ma-offend siya! Bakit ba siya manliligaw sa akin? Ay nako!" pangaral ko sa sarili.
Naghugas ako ng kamay at hinalamusan ang sarili. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang may magbukas ng pintuan sa isang cubicle. Akala ko ay walang tao, mayroon pala!
"Hi!"
I freezed. "H-Hi," bati ko pabalik.
"I heard you. Oh, I'm sorry. Hindi ko sinasadya na marinig ang sinabi mo," aniya at tumabi sa akin sa harap ng salamin. Naglabas siya ng lipstick sa bag niya. "So a guy who are you with is now courting you? The second son of the famous doctor here in the Philippines, huh?"
Paano niya nakilala ang kasama mo? Oh right, syempre anak siya ng dalawang magaling na doctor sa bansa. Tingin ko ay mas matanda siya sa akin ng mga tatlong taon. Her face seems so familiar. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya. She looks like a goddess! Ang ganda niya.
"I know that I'm beautiful. By the way, I'm Isobelle Joznell."
"Anong koneksyon mo kay Isabeli Joznell?" Hindi ko mapigilang mag-tanong.
"Sikat pala ang babaeng 'yon sa school niyo? Anyways, I'm her older sister, atsaka hindi naman na siya mag-aaral sa RMC next school year. She'll transfer on States."
Kaya pala ay pamilyar siya. Siya ang kapatid ni Isabeli na girlfriend ngayon ni Primo na crush ni Avery.
"Parker Capitle, huh? Hmm... He's a nice guy. May future ka sa kaniya. I heard, gusto niya ring maging doctor? But... there's a dark story behind every person. Bye Shaneen."
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...