SIMULA

1 1 0
                                    

Disclaimer:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SIMULA

Isang simpleng tao lamang siya. Kalog madalas dahil siya ang happy pill ng barkada.

Sa kabila ng bawat halakhak niya, naroroon ang pait at sakit sa puso niya.

Isang general sa army ang kaniyang ama. Labis ang paghanga niya dito na umabot pa sa puntong ninais niya ring sundan ang mga yapak nito.

Bata pa lamang ay sinasaluduhan na niya ang kaniyang ama kung kaya't mas napalapit siya dito kaysa kaniyang ina.

Pero ang pangarap niyang iyon ay naglaho kasabay ng pagsilang ng poot sa puso niya.

Kinamuhian niyang lubos ang propesyong iyon. Isinumpa niyang kailanma'y hindi niya sasapitin ang paghihirap ng kaniyang ina nang mawala ang kaniyang ama. Magmula din noo'y pinagbawalan na siya ng ina na iwasan ang kahit na sinong nakauniporme.

Ngunit sa hindi inaasahang sitwasyon, hindi niya akalaing babaliin niya ang pangakong iyon.

Ang malala pa, nagmahal siya. Ng higit pa sa inaakala niya, kahit alam niyang hindi nalalayo ang istorya ng buhay niya sa kaniyang ina. Susugal siya. Susugal sila.

Sa pagkakataon kayang ito'y magbabago ang guhit ng tadhana?

-------------------
aremmmmm

This will be MENTORS Series #3..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nurtured Feelings (MENTORS Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon