Chapter 7: I Left Him

1.1K 53 6
                                    

Nang makarating ay kita ko mula rito ang ilaw ng kanyang lampara. Sumigaw agad ako.

"Xander! Mylabs!"

Nakita kong dumungaw si Xander.

"Anong ginagawa mo dito, Zia?" tanong nito pero hindi ako sumagot.

May hinila siyang lubid sa taas dahilan para bumagsak ang hagdan.

Dali-dali naman akong umakyat.

"Hi Mylabs!"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Namiss ko kasi ang Mylabs ko kaya nandito ako."

"Tsk! Yung totoo, Zia?"

Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan siya na tinugunan naman niya.

"Dito ako matutulog."

"A-Ano? Hindi pwede, maraming lamok dito! Halika ihahatid na kita sa bahay."

"Ayoko! Dito lang ako. Gusto ko ring maranasan na matulog sa isang tree house."

"Hindi na ba magbabago ang isip mo?"

"Hindi na. Halika na matulog na tayo."

Nakita ko namang nakalatag na ang banig niya. May mga kumot at unan naman siya dito, kasya naman siguro kami kaya humiga na ako.

"Halika na Mylabs!" aya ko.

Nakatayo pa rin kasi siya parang sinusuri ako bago tuluyang humiga.

"Mylabs, bukas manguha tayo ng matatamis na mansanas."

"Sige mahal."

Mapait naman akong napangiti.

Isa kang malaking paasa, Zia! Wala ka na bukas!

"Ba't anlayo mo? Halika nga dito!" sabi ko pero ako yung umusog papunta sa kanya at niyakap siya.

Tama ba tong ginagawa ko?
nagse-seek ako ng comfort sa iba?
Ginagawa kong panakip butas si Xander. P-pero panakip butas nga ba?

Tss.. sila naman ang may gusto nito diba? Ang maging girlfriend ako ni Xander pero kahit magsinungaling ako sa sarili ko. Alam kong sa mga araw na dumaan unti-unti ng bumibigay ang puso ko. Naiiyak ako, putek! Kaya isinubsob ko nalang ang mukha ko sa katawan niya. Kalma Zia! Kalma!

"Mahal, tingnan mo."

Napatingin naman ako at nakitang nagfo-form siya ng mga shadow na hayop gawa sa kamay niya.

Loving the Beast (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon