Chapter 10

5.9K 233 11
                                    

Friday at nagkataong walang pasok dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang mga school teacher and administrator para sa magiging graduation sa march.

Naisipan niyang pumunta sa bayan para mamili ng ibang damit na susuotin papuntang San Ignacio. Papasok na sana siya sa banyo para maligo ng tumunog ang cellphone niya. Agad niya yung dinampot at nag-dive sa kama.

Galing kay Gab ang message.

From Gab :
Morning, babe!

From Gab :
Breakfast kana ba ?

Napakagat-labi siya habang binabasa ang message nito sa kanya. Dali-dali siyang nag-reply.

To Gab :

Morning din. Babe? Hmm yan ba magiging call sign natin?

From Gab :
Ayaw mo?

To Gab :
k lng nmn.. Pnta pla ko bayan. Sama ka?

From Gab :
Ge. sunduin pa kita?

To Gab :
Wag na kta nlng tau don. Txt kita maya. Ligo na ko

From Gab :
k, luv u

Matagal siyang napatingin sa huling text message nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya kahit sa text lang nag 'I love you' sa kanya si Gab. kagat labing nag-type siya ng reply.

To Gab :
luv u 2

Tumihaya siya ng higa saka inilagay sa dibdib ang cellphone niya. Tumitig siya sa kisame at parang nai-imagine niya ang mukha ro'n ni Gab.

He loves me!!!!!

Ilang minuto pa siya sa ganoong ayos nang mapagtantong kailangan niya pang maligo at mamamili ng susuotin, dahil parang date naman na ang mangyayari sa kanila.

Tumakbo na siya sa banyo niya at naligo. Siniguro niyang nahilod niya ang bawat kasuluksulukan ng katawan niya. Gusto niya kasi kapag nagkita sila ni Gab mamaya fresh na fresh siyang makikita nito.

NAKITA niya agad si Gab pagbaba niya ng tricycle. Nakasandal ito habang nakapamulsa sa may poste. Ang cool nitong tignan sa suot nitong black na t-shirt at black na ripped jeans saka kulay puting rubber shoes. May suot din itong itim na hikaw sa kaliwang tainga.

Agad naman itong umayos ng tayo at nakangiting kumaway sa kanya nang makita siya nito. Naglakad na rin ito para salubungin siya. Paglapit nito bigla na lang siya nitong hinalikan ng mabilis sa labi. Sa gulat niya bigla niya itong natalpik sa pisngi nito saka nagpalinga-linga sa paligid, may ilang vendor na nakatingin sa kanila kaya nahiya siya bigla.

"Aray!" reklamo nito na lumabi pa at hinimas ang pisngi.

"Arte mo! Mahina lang yun ah." Hinila na niya ito papunta sa nag-iisang mall ng San Felipe. Sinamahan siya nitong mag ikot ikot at magsukat nang magsukat sa mall kahit na umabot na ng isang oras ay wala pa rin siyang napipili. Wala siyang narinig na kahit anong reklamo mula dito, na sobrang ikinakatuwa niya at na-appriciate niya naman ng husto. Nang may nadaanan silang couple shirt ay nag-ayang bumili si Gab pati na ang couple shoes na may tig kalahating heart at mabubuo lang kapag pinagdikit nila ang kanan at kaliwang paa nila. Si Gab ang nagbayad ng couple shoes and shirt nila kahit pinipilit niya na paghatian nila ang bayad.

"Sa'n mo gustong kumain?" tanong nito habang naglalakad sila.

"Jollibee na lang tayo," aniya dito sabay turo sa fastfood na tinutukoy niya. Yun lang kasi ang medyo kokonti pa lang ang tao.

"Isip bata," nagbibirong bulong nito.

"Hoy bata pa naman talaga ko noh! 16 pa lang ako. Hello!" Sabi niya saka ito inirapan.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon