Sa bahay nila Gab sila nagpahatid ng tricycle. Wala ang mommy at kapatid niya ng dumating sila. Sabi nito nagpunta daw sa kabilang bayan dahil may pinsang itong ikinasal, baka bukas pa raw ang uwi ng mga 'yon. 2pm pa lang ng hapon pero parang mag-aalas singko na ng gabi dahil makulimlim gawa ng malakas ang ulan.
"Maggugo ka muna ng ulo saka magpalit ng damit baka sipunin ka," sabi ni Gab saka inabot sa kanya ang tuwalya at t-shirt nito at isang cotton short na pang bahay nito. Mabilis naman siyang pumunta sa banyo saka nagpalit ng damit at nagbanlaw din ng ulo gaya ng utos nito. Ipinulupot niya sa buhok ang tuwalya saka lumabas. Wala si Gab paglabas niya ng banyo kaya pumunta muna siya sa sala at sumungaw sa bintana. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at parang walang balak tumigil. Ang malas naman ng first date nila as mag-jowa.
"May bagyo talaga siguro..." sabi niya kay Gab nang makita niya itong kakalabas lang sa kwarto nito. Basa pa ang buhok nito at fresh na fresh dahil mukhang bagong ligo. Naka-short ito at sando. Kahit may kapayatan ito malapad naman ang dibdib nito at malaki ang mga braso. Parang bigla nag-init ang mukha niya kaya sa bintana na lang uli siya bumaling ng tingin.
"Wala namang balita. Titila din yan. Gusto mong manood? May mga CD ako sa kwarto pili ka na lang, do'n na tayo manood sira ang dvd dito sa sala eh." Tumalikod na ito at dumiretso na sa kwarto nito.
"S-sige..." Sumunod na siya dito ang lakas ng tibok ng puso niya. Silang dalawa lang dito sa bahay, umuulan pa tapos manonood pa sila ng movie. Ay sheyt!
Malinis at mabango ang kwarto ni Gab. Tipikal na pang lalaki ang pagkakaayos. May double size bed na madaming unan. May mga nakadikit pang poster ng isang banda. Naaliw siyang pagmasdan ang kwarto nito parang may bahagi ng pagkatao nito ang na-open sa kanya.
Naupo siya sa gilid ng kama habang ito naman ay may kinukuha sa drawer. mga CD inabot nito iyon sa kanya at pinapili siya. Pinili niya naman ang The Pirates of the Caribbean kahit ilang ulit niya na iyong napanood. Sinalang na iyon ni Gab at naupo sa sahig malapit sa paanan niya saka sumandal sa kama.
Napalabi naman siya, ang inaasahan niya kasi uupo ito sa tabi niya at mahihiga sa kandungan niya para sweet, pero di bale na lang siya na lang ang maga-adjust. Nagpadausdos siya paupo sa baba sa sahig ng kama katabi nito. Naramdman niya na napapitlag ito ng magdikit ang mga braso nila.
"Ahm... kuha lang ako ng makukutkot," paalam nito na halatang natataranta. Napangiti siya. Ang cute kasi nito.
"Oy may nakita akong soju sa ref niy, patikim naman," habol niya pa dito.
"Baka malasing ka? Yari ako sa magulang mo dito ka pa naman samin iinom," kunot noong anito.
"Hindi naman uuwi ang mga 'yon may seminar daw," sabi niya ditto. "Damot mo soju lang," pangongonsensya niya pa dito.
"Oo na, pero konti lang ha?"
"Whatever." Pinaikot niya ang mga mata niya saka nanood na uli.
Mayamaya pa bumalik ito na may dalang dalawang baso at isang bote ng soju saka hiniwang mansanas. Nilapag nito sa sahig ang mga dala-dala saka naupo na rin.
Nagsalin naman siya ng soju sa baso at uminom saka kumuha ng mansanas gano'n, din ang ginawa nito.
Nalibang sila sa panonood di niya napansin na naubos na pala nila ang soju. Ni hindi man lang siya nalasing pero si Gab pulang-pula na ang mukha at malamlam na ang mga mata. Mayamaya humilig na ito sa balikat niya na ikinapitlag niya naman. Bumilis ang tibok ng puso niya. Nawala ang focus niya sa pinanonood at ang lahat ng atensyon niya ay napunta kay Gab. May kakaibang init siyang nararamdaman sa pagkakadikit nilang iyon. Napabuga siya ng hangin.
Tinignan niya ito, nakapikit na ang mga mata nito. Umangat ng kusa ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito. Pinaraanan ng mga daliri niya ang mga labi nitong mapupula. Ang sarap sigurong halikan nito. Napalunok siya sa naisip. Unti-unti bumaba ang labi niya sa labi nito. Napapikit siya sa init at lambot ng mga labi nito kaya ang balak na dampi ay naging malalim. Napaungol siya ng maramdaman na tumutugon na ito sa bawat galaw ng labi niya mas masarap na sensasyon ang naramdaman niya lalo na ng kabigin nito ang ulo niya at hapitin ang bewang niya papalapit dito na halos wala ng espasyo sa pagitan nila.
Bumangon siya at lumipat sa kandungan nito ramdam niya ang pagkalalaki nito na tumutusok sa pagkababae niya na mas lalong nag painit sa nararamdaman niya. Curious siya kung ano ba ang pakiramdam ng sex? Totoo kaya yung mga nababasa niya, masakit na masarap sa umpisa? Napalagat-labi siya. Hindi niya malalaman kung hindi niya susubukan.
Bahagya niyang idiniin ang pang-upo niya dito. Gumapang ang mga halik nito sa leeg niya habang ang mga kamay ay sumuot sa laylayan ng t-shirt niya at pinisil ang dibdib niya. Napasabunot siya sa buhok nito kagat ang mga labi para mapigilang mapasigaw sa sarap na ginagawa ni Gab sa kanya.
Bumitaw ito at tumitig sa mukha niya puno ng pagnanasa ang mga mata. Napalunok siya. Hinawakan nito ang laylayan ng damit niya at dahan-dahang itinaas hangang mahubad na iyo sa kanya, isinunod nitong tanggalin ang bra niya. Yumuko ito para patakan ng halik ang dibdib niya at sumisip doon. Ang isa nito namang kamay ay bahagyang lumalamas sa isa pa. Napapikit siya at mahinang napaungol. Ano mang katinuang natitira sa kanya ay tuluyunan ng nawala. Darang na darang na ang katawan niya sa init at pag hahangad.
Sunod na inalis nito ay ang cotton short niya at ang panty niya.
This is it!
Napasinghap siya ng malakas nang maramdaman ang ulo ng pagkalalaki nito sa bukana ng pagkababae niya hinawakan nito ang magkabilang balakang niya at dahan-dahang iminuwestra pababa sa pag kalalaki nito. Napaigil siya at mahigpit na napakapit sa mag kabilang balikat nito at mariing pumikit.
Natigilan naman ito sandali pero nagparuloy din. Nakaramdam niya ng sakit na para siyang hinihiwa sa gitna. Tiniis niya ang sakit hangang tuluyan na itong makapasok. Ramdam niya ang panginginig ng kalamnan niya. Ang sabi masakit daw pero hindi niya naman akalaing sobrang sakit pala!
Idinikit ni Gab ang noo sa noo niya at masuyong hinahaplos ang tagiliran niya na nagpapalimot sa kanya sa sakit nang pag-iisa nila.
"Masakit pa?" masuyong tanong nito.
"M-medyo," nauutal na sabi niya.
"Sabihin mo kung kaya mo na..." sabi nito at sinimulang halik-halikan ang leeg niya. Nakaramdam nanaman siya ng pag-iinit at unti-unti nararamdaman niyang hindi na gano'n kasakit kaya dahan-dahan niyang iniangat ang pang upo niya at dahan-dahan ding ibinababa, paulit-ulit hangang sa mawala na ang sakit at mapalitan ng kakaibang sarap.
Napatingala si Gab habang nakapikit ng simulan niyang bilisan ang pagtaas at baba
"Sab..." ungol nito na mas nag-udyok sa kanya na mas bilisan at lakasan ang pagtaas-baba niya dito hanggang sa maramdaman niya ang pag alubong nito sa bawat pag ulos niya. Napaungol siya ng malakas dahil may natatamaan ito sa loob niya na mas lalong nag papasarap sa nararamdaman niya. Unti-unti naramdaman niya na may naiipong init sa puson niya kaya mas naging mapangahas pa ang galaw niya. Hinahabol ang isang bagay na hindi niya alam kung ano basta ang gusto ng katawan niya ay marating ang bagay na 'yon. Hanggang sa bumaon nang mga kuko niya sa balikat ni Gab ng maabot niya ang hinahabol niya kanina. Nakaramdam siya ng kakaibang sarap at parang ayaw niya ng matapos iyon. Yun na ata ang orgasm. Napayakap siya ng mahigpit kay Gab. Inihiga siya nito na hindi inaalis ang pagkakabaon sa kanya at mabilis itong umulos sa ibabaw niya hangang sa maramdaman niya na lang na tumigil ito at pumipintig ang pagkalalaki nito sa loob niya.
Bumagsak ito sa ibabaw niya at sinubsob ang mukha sa leeg niya. Ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib nito na nakadikit din sa dibdib niya, bahagya pa itong hinihingal.
Mayamaya pa bumangon ito at maingat siyang binuhat at inihiga sa kama. Tumabi ito sa kanya saka tinakban ng kumot ang mga katawan nila. Wala kahit isa sa kanila ang nagsalita ng kahit ano hanggang sa di niya na namalayang nakatulog na pala siya habang yakap-yakap siya ni Gab.
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomanceLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...