Nagising si Sabrina na may malamig na hangin na humahampas sa mukha niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya na nakabukas pala ang bintana. Malakas ang ulan na sinasabayan ng malakas na hangin. Tatayo sana siya pero may kamay na nakadagan sa baywang niya. Marahan niya 'yong inalis pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap no'n sa kanya at ayaw siyang pakawalan.
"Gab, uuwi na ko..." bulong niya dito dahil parang walang balak ito na bitawan siya. Umungol lang ito saka isinubsob ang mukha sa leeg niya. Nakaramdam siya ng kiliti sa ginawa nito. "Late na baka hinahanap na ko sa bahay."
Hindi niya alam kung ilang oras ba silang nakatulog pero madilim na madilim na sa labas. Tinignan niya ang alarm clock na nasa bedside table. Nanlaki ang mata niya nang makitang alas onse na. Paniguradong na sa bahay na sina daddy at baka tumatawag na sa kanya. Agad niyang inalis ang kamay ni Gab kahit pa tumututol ito. Dinampot niya ang damit at underwear niya saka nagmamadaling nagbihis. Hinanap niya ang cellphone niya. Nakita niya naman 'yon sa gilid ng kama, agad niyang dinampot 'yon pero dead bat na pala.
"Intayin mo'ko maliligo lang ako hahatid kita," sabi ni Gab na tumayo na sa kama na nakabalot ng kumot ang bewang. Napakagat-labi siya sa ayos nito
"H-hindi na u-uuwi na ko." Kailangan niya nang magmadali paniguradong nando'n na sina daddy sa bahay. Duda pa siya kung may masasakyan siyang tricycle dahil panigurado maglalakad siya nito umuulan pa naman.
"Tumawag ka na lang sa inyo. Magpatila muna tayo malakas ang ulan." Lumapit ito sa bintana at isinara iyon. "Magluluto ako. Anong gusto mong kainin?" tanong nito habang pinupulot ang mga damit nito at isa-isang isinuot.
Napakagat-labi siya. Gusto niya pang mag-stay dito at makasama ito saka makapag-usap na rin tuloy sila tungkol sa nangyari sa kanila ni Gab pero hindi pwede malilintikan na siya.
Late ka na rin naman na, girl, kaya lubus-lubusin mo na para isang sermon na lang.
Bulong ng isang bahagi ng isip niya pero mabilis niyang pinalis iyon. Marami pa namang ibang araw. Makakapag-usap pa rin sila ni Gab.
"Pahiram ng charger," sabi niya kay Gab. Inabot naman nito sa kanya ang charger nito saka lumabas na ng kwarto. Lumapit siya sa study table nito saka nag-charge. Inantay niya lang maka-five percent bago niya i-on ang phone niya. May mga pumasok kaagad na mga text galing sa kuya niya at kay Erika. Una niyang binasa yung kay Erika
Erika :
Sab may bagyo daw baka sunday n alang tayo umalis. Lab yah!'Nag-reply lng siya ng okay saka niya naman binuksan ang sa kuya niya. Limang message 'yon.
Kuya Sean :
Sab wer r u?Kuya Sean :
Go home pls ASAPKuya Sean :
Pls sab wer r u ? Go home pls b4 it's too lateKuya Sean :
Mom n dad decided to broke up. Mom will take me with her. Pls sab uwi ka na or call me.Kuya Sean :
Aalis na kami. Pls answer ur phone.Nanginginig ang kamay na dinial niya ang number ng kuya niya. Hindi niya alam pero nanlalamig siya. Pagkalipas ng tatlong ring sumagot na ang kuya niya.
"A-asan kayo?" nanginginig ang boses niya na tanong dito.
"Airport. Were going to Canada..." malungkot ang boses ng Kuya niya at halatang nagpipigil lang na mabasag ang boses nito.
"CANADA?!" pupunta sila ng Canada na hindi siya kasama? "Intayin n'yo ko sasama a-ako!" Agad siyang tumayo at tumakbo sa pinto nakasalubong niya pa si Gab na nag-aalala ang tingin sa kanya.
"Anong nangyari?" tanong ni Gab. Hindi niya ito pinansin diretso lang siya sa pinto pero bago pa siya makalabas hinawakan na siya nito sa braso para pigilan.
"No... A-ang sabi ni Mommy maiiwan ka daw kay Daddy. Wala ka pang passport, Sab." napahinto siya ng magsalita ang Kuya niya sa kabilang linya.
"So iiwan niyo 'ko?! Iiwan mo'ko?! Akala ko ba tayo ang magkakampi?! Akala ko ba walang iwanan?! Bakit sasama ka kay Mommy?! Kuya naman..." Hindi niya na napigilan ang mapaiyak.
Ang sama-sama ng loob niya sa mga nalaman. Inakay naman siya ni Gab paupo sa sofa.
"Bakit ka sasama?! Dapat dito ka lang!!" galit na sigaw niya sa kapatid niya, pakiramdam niya iiwan siya nito sa ere. Hindi niya mapigilan ang mapahagulgol. Mga bata pa lang, sila na ang magkakampi, ang sandalan ng isa't-isa. Dahil walang mga magulang na nandyan para pagsumbungan nila kapag may mga nambu-bully sa kanila. Kapag may sakit mas madalas na alagaan nila ang isat'-isa, dahil walang magulang na mag-aalaga sa kanila.
Buong buhay niya ang kuya niya lang ang nanatiling pamilya na nandyan sa tabi niya. Pero ngayon aalis ito at sasama sa Canada kasama ang mommy nila. Iiwan siya nito? Sino na ang magiging kakampi niya? Masakit mabalewala ng magulang at ilagay sa pinakadulo ng priority nila pero nakaya niya 'yon dahil alam niyang hindi siya nag-iisa. Andyan ang kuya niya para damayan at alagaan siya. Tapos ngayon. Iiwan siya nito?
"Please.. Kuya wag ka ng sumama... Ako na gagawa ng project mo kahit hanggang maka-graduate tayo. Sa'yo na rin ang PSP ko kung gusto m," suhol niya dito. Handa siyang gawin ang lahat 'wag lang itong umalis. Napahagulgol siya sa sobrang frustration na nararamdaman niya ngayon. Naramdaman niya ang pagyakap ni Gab sa kanya at kahit papano napapakalma siya no'n.
"I'm s-sorry, S-Sab. Mom, needs me too. I love u okay... Mag-iingat ka lagi," sabi nito bago pinutol ang tawag. Dinial niya pa uli nang dinial ang number nito pero naka-off na 'yon. Napasubsob na lang siya sa dibdib ni Gab.
Tinalikuran siya ng sariling kapatid. Yung akala niyang kakampi niya iniwan na siya.
"Sssh... Tahan na..." masuyong sabi ni Gan at niyakap siya ng mahigpit.
Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong ayos pero nagising na lang siya na nasa kama na uli ni Gab at nakahiga. Maliwanag na sa labas. Pagtingin niya sa orasan alas sais na ng umaga. Agad siyang bumangon. Nakita niya naman si Gab na nasa kusina at nagkakape. Agad itong lumapit sa kanya. Naka-cardigan short na ito at tshirt na blue. Mukha ring bagong ligo na ito.
"Uwi na ko," sabi niya dito saka diretso na sa pinto.
"Intayin mo'ko. Kukunin ko lang ang susi ng motor ihahatid kita." Mabilis na itong pumasok sa kwarto nito at hindi na inantay pa na makasagot siya. Lumabas na siya at do'n na lang ito inantay. Mayamaya pa walang imikan na bumyahe na sila pauwi ng bahay.
Pagdating sa harap ng bahay nila. Nakita niya pa ang kotse ng daddy niya sa labas. Agad na siyang bumaba sa motor.
"Salamat," sabi niya kay gab na hindi tumitingin dito.
"Sab... Andito lang ako dadamayan kita kahit anong mangyari, hmmm..." Masuyo siya nitong hinila at mabilis na niyakap. Hindi siya kumibo at tumango lang siya dito saka dumiretso na sa loob ng bahay nila. Alam niyang nagiging unfair siya dito dahil kibuin dili niya ito. Wala lang talaga siyang gana makipag-usap ngayon. Magulo ang isip niya at nasasaktan siya dahil umalis ang mommy at kuya niya at basta na lang siyang iniwan.
Tahimik ang buong bahay nang pumasok siya. Mabilis siyang umakyat dahil feeling niya drain na drain siya. Bago pa siya makapasok sa kuwarto niya lumabas sa master's bedroom ang daddy niya . Magulo ang buhok nito at nangangalumata.
"Saan ka galing?" malamig ang boses nito. Di niya pinansin ang tanong nito pero hinarap niya ito at sinalubong ang tingin nito, saka niya lang napansin na namumula ang mga mata nito hindi niya nga lang alam kung dahil sa pag-iyak o dahil sa wala itong tulog
"Bakit sila umalis, Dad? Bakit nila tayo iniwan?" puno ng hinanakit na tanong niya dito. Nakita niya ang pagdilim ng mukha nito at pagtiim ng bagang.
"Dahil selfish ang mommy mo!" galit na sigaw nito sa kanya.
Natawa lang siya ng mapakla. Pareho lang naman silang selfish, mga sarili lang naman nila ang iniisip nila. Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya at hindi na kumibo pa.
Agad siyang sumubsob sa kama at doon umiyak nang umiyak. Galit siya. Nagagalit siya sa pagkakaroon ng mga walang kwentang magulang. Nagagalit siya dahil nagkaroon siya ng kapatid na nang iiwan sa ere.
I hate all of you!
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomantizmLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...