Chapter 13

5.1K 223 3
                                    

Marahang katok ang nagpagising kay Sabrina. Hindi siya nag-abalang bumangon man lang sa pagkakahiga sa kama. Gusto niyang mapag-isa at sana maintindihan 'yon ng kung sino mang kumakatatok sa pintuan ng kwarto niya. Mayamaya pa huminto na ang kumakatok, siguro na pagod na. Dumapa siya at isinubsob niya na lang ang mukha niya sa unan.

Nag-ring ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa side table at tinignan ang caller. Si Gab. Nagtatalo ang kalooban niya kung ia-acept niya ba ang tawag o ide-decline. Wala siyang ganang makipag-usap ngayon kahit kanino, kahit nga ang tumayo sa kama niya ayaw niyang gawin. Ang gusto niya mapag-isa. Kung pwede nga lang na maglaho na lang siyang bigla gagawin niya. Inilagay niya ang cellphone sa ilalim ng unan niya saka tumihaya at tumitig sa kisame sinusubukan niyang bilangin ang mga nakapilang langgam na naglalakad pababa sa pader. Napabuntong-hininga siya.

She feel lost. Hindi niya alam kung saan tamang mag-umpisa. Parang biglang nawalan ng direksyon ang buhay niya. Akala niya kapag naghiwalay ang mga magulang niya, walang magbabago. Pero hindi pala gano'n ka simple iyon. Napakaraming nagbago. Wala na ang mommy niya at kuya niya, mas madalas na silang magtalo ng daddy niya. Nawalan na rin siya ng ganang pumasok sa school. Nararanasan na niyang hindi kumain kahit gutom na gutom na siya. Sino ba ang gaganahang kumain kung nag-iisa ka lang naman? Mahirap pala ang broken family. Hindi pala madali ang hiwalay ang mga magulang. Kahit pa sabihing madalas na wala sa tabi nila ang parents nila, iba pa rin yung alam mong buo kayo. Na kahit papaano minsan sa isang lingo nagkakasalo-salo kayo sa hapag.

Naiisip din kaya ng mommy at daddy niya 'yon? nararamdaman din kaya nila yung 'kulang' na nararamdaman niya?

Napabalikwas siya ng bangon nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at bumungad sa kanya ang nakapamewang na si Erika habang hawak ang mga susi sa kamay nito. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Nakasuot pa ito ng uniform, siguro kakauwi lang nito galing St. Catherine.

"Anong drama yan, Sabrina Arcega?" mataray na tanong nito saka nag-dive sa kama niya.

Napaungol lang siya at pabagsak na humiga uli ng nakadipa ang mga kamay. Gumapang ito pahiga sa kanya at ginawang unan ang kamay niya saka ito yumakap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" walang ganang tanong niya dito.

"Checking on you. Baka kasi nabulok ka na dito sa kwarto mo," sagot naman nito sabay hagikgik.

Napangiti siya. Itinulak niya ito para humiwalay dito pero humigpit lang ang yakap nito sa kanya at idinantay pa ang binti sa binti niya.

"I'm here pa, Sab, me and Gabin is still here for you. Don't push us away please?" Mahina ang boses nito at garalgal. Bigla siyang nakonsensya dahil sa ginagawa niyang pagdedma sa mga tawag at text ng mga ito. Kahit nang magpunta si Gab kahapon hindi niya nilabas.

"Remember nung na sa Villa pa tayo nakatira? Lagi akong umiiyak dahil laging umaalis sila Mom at Dad dahil sa mga negosyo nila?" sumisinghot-singhot pa si Erika sa pagitan ng pagsasalita. Of course naaalala niya 'yon. Pare pareho silang lumaki na hindi priority ng mga magulang. Madalas damdamin 'yon ni Erika. Siguro dahil wala itong kapatid, hindi katulad niya na-instant may karamay dahil nandyan ang kuya Sean niya. "Lagi mo 'kong nilalapitan kahit pinagdadamutan kita ng mga barbie ko."

Natawa ito kaya natawa din siya. "Lagi mong sinasabi na 'wag mong iyakan ang wala, maging masaya ka sa nandyan', pero ngayon ikaw itong lumalayo sa amin - ako, at si Gabin, nandito kami. Kaya wag mo kaming i-shut off sa buhay mo. Maging masaya ka dahil nandito kami..." pagkatapos nitong magsalita ay tuluyan na itong umiyak.

Hindi niya rin napigilan ang pag-iyak. Tama ito. Hindi katapusan ng mundo dahil lang umalis ang mommy at kuya niya. May mga tao pang nandyan at willing siyang makasama. Yumakap din siya dito at hinayaang umiyak ang sarili kahit sa huling pagkakataon. Dahil pagkatapos nito pipilitin niyang ibalik sa dati ang buhay niya at pahalagahan ang mga taong nandyan lang para sa kanya.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon