Chapter 14

5K 224 2
                                    

Akala niya makakapaglandian talaga sila. Pero hindi puwede dahil n asa bahay din ang kapatid at mama ni Gabino.

"Hi, Jas," bati niya sa kapatid ni Gabin na nasa sala at nanonood habang nagtutupi ng damit.

"Hi po, Ate Sab," nakangiting bati din nito saka nagpatuloy sa ginagawa.

Ang mama naman ni Gabin ay na sa kusina at nagluluto. Kinawayan niya lang ito bago dumiretso sila sa kwarto ni Gabin. Hinayaan lang ni Gabin na bukas ang pinto na ikinataas ng kilay niya.

Napatingin siya sa kama ni Gabin. Naalala niya yung nangyari sa kanila. Hindi pa nga pala nila napag-uusapan ang tungkol do'n. Pero kailangan pa bang pag-usapan 'yon? Parang ang awkward kasi kung io-open niya ang topic na 'yon. Hindi niya pa rin napag-iisipan kung dapat bang pagdiskusyunan nila 'yon o dedmahin na lang. Hindi niya kasi alam kung ano ang mga dapat gawin. Bata pa siya, sila. Pero nagawa na nila 'yon. Hindi naman siya conservative at alam naman niya sa sarili niya na ginusto niya 'yon. Hindi rin naman siya nagsisisi sa nangyari at naibigay niya dito. Para sa kanya wala namang mas deserving pang makakuha ng V-card niya kundi si Gab. And Hello! Hindi lang naman siya o sila ang nagse-sex kahit bata pa! Yung iba nga mas bata pa sa kanya.

Tumikhim si Gabin kaya napatingin siya dito. Namumula ang pisngi nito habang nakatingin din sa kama. Lihim siyang napangiti siguro iisa lang ang naiisip nila sa mga oras na 'to.

"Kuha lang ako ng meryenda," anito halata ang pagka-ilang. Parang sinabi lang 'yon para makaiwas.

"Wag na. Busog pa ako," tanggi niya dito. Bigla parang nailang din siya. Naupo na lang siya sa gilid ng kama. Si Gabin naman ay lumapit sa study table nito at hinila ang upuan do'n palapit sa kama paharap sa kanya.

Tumikhim uli ito kaya nagkatinginan sila. Walang gustong magsalita sa kanila. Pareho lang silang nakatitig sa isa't-isa.

"Kamusta ka na?" - Gabin

"Sorry..." - siya

Sabay na sabi nila. Napakamot si Gabin sa batok niya.

"Ikaw na muna."

Nagkatawanan na lang sila ng sabay uli silang magsalita. Pagkatapos ay pareho silang natahimik. Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito.

"I'm sorry..." mahinang sabi niya dito.

"Para saan?"

"Para sa pandededma ko sa'yo..." nahihiyang pag-amin niya.

Tumayo ito at tumabi sa kanya saka siya inakbayan.

"Naiintindihan ko naman. Alam ko naman na kailangan mo ng space. Hindi ko nga lang maiwasang hindi ka puntahan dahil hindi ako napapakali lalo na alam kong may problema ka. Expected ko naman na miski ako pagtataguan mo." Humilig ito sa balikat niya at bahagyang sininghot iyon. "I missed you..."

Ewan niya, pero nang mga oras na 'yon pakiramdam niya mas lalo niya pang minahal si Gabin. Gabin is selfless. Kahit na nasasaktan nagagawa pa ring umintindi. Kahit nahihirapan Hindi ito nagtatanim ng sama ng loob.

Sa lahat ng nangyari sa kanya nitong mga nagdaang araw ngayon niya na lang uli naramdaman na may nagmamahal sa kanya. parang nabuo yung lahat ng kulang na nawala sa kanya. Yung lahat ng sakit na iniyak niya gabi-gabi dahil sa pang-iiwan ng kuya at mommy niya, nawala. At dahil lang 'yon sa ipinapakitang pag-unawa at pagmamahal sa kanya ni Gabin.

Again. Erika is right. Mayroon pang mga tao na handang samahan at mahalin siya. Hindi niya kailangan malungkot sa mga nang iwan. Kailangan niya lang buksan yung mga mata niya para sa mga taong nandyan at nangangakong hindi siya iiwanan.

BALIK NA sa normal ang buhay niya. Nakakaya niya kahit wala ang kuya niya. Hindi pa sila nakakapag-usap simula ng umalis ang mga ito. Nagtatampo pa rin siya at nalulungkot pero hindi na niya hinahayaan ang sarili na magmukmok.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon