"You need to participate for the upcoming school event para naman mahatak ang grades mo at makapagmartsa ka sa March."
Lihim na lang niyang naipakot ang nga mata. Gusto kasi ni Mrs. Alvaro na sumali siya sa mga magpa-participate for special performance para sa event na gaganapin sa february 28. Anniversary kasi ng St. Catherine Academy. Yun daw ang magsisilbing special project niya para mahila ang lahat ng palakol sa class card niya.
"Okay ba sa'yo?" tanong sa kanya ni Mrs. Alvaro.
Tumango na lang siya. As if naman na may choice siya. Binanggit na nito ang magic word; Martsa sa march.
At dahil kailangan niyang magmartsa para matupad ang pangarap nila ni Gabin na makapag-college ng sabay, buong puso siyang sasali sa event.
"Pumunta ka sa student council, and look for Millet Inocencio, siya ang maga-asign kung saang grupo ka kabilang."
Ay bongga! Of all people si Millet pa talaga? Baka mamaya paglakarin ako sa bubog ng gaga na 'yon!' - Nakalimutan niyang si Millet nga pala ang vice president ng student council. Pagminamalas nga naman.
Nagpaalam na siya at lumabas sa office ni Mrs. Alvaro. Nakasimangot na naglakad siya papunta sa building na malapit sa library. Nando'n kasi ang mga room ng iba't-ibang club na mayro'n ang school at isa na do'n ang office ng student council.
"Aray!" angal niya ng may tatanga-tangang bumangga sa kanya. Linibot niya ang paningin sa paligid. Wala namang ibang tao at maluwag ang hallway pero nabangga pa rin siya ng lalaking nakaluhod sa harap niya at nagpupulot ng mga papel. "Bulag kaba?" sita niya dito. "Ang luwag-luwag ng daan nangbubunggo ka?" Sa inis, sinipa niya ang notebook na pupulutin sana nito. Tumingala ito sa kanya dahil sa ginawa niya.
"I'm sorry," hinging paumanhin nito. Tumayo na ito ng mapulot na ang lahat ng gamit nito na nalaglag. "May binabasa kasi ako kaya hindi ko alam na makakasalubong pala kita," walang kahit anong emosyon ang mukha nito habang nagsasalita. Di nga siya sure kung sincere ang paghingi nito ng sorry o tinutuya siya. Napalunok siya habang nakatingin dito. Parang nawala lahat ng pagtataray niya ng mapagtanto kung gaano ka-gwapo ang kaharap.
Tall, dark and handsome. Gasgas na pero yun lang ang tamang word para i-described ito.
Di niya alam may ganito pala ka-gwapo siyang schoolmate. Para itong moreno version ni Aga Muhlach nung bagets pa.
"Okay lang..." mahinang bulong niya sabay ipit ng buhok niya sa tainga.
"Still, I'm sorry. Maiwan na kita," paalam nito. Nasundan niya na lang ito ng tingin. Shit, bakit ngayon niya lang ito nakita? Base sa kulay ng lace ng I.D. nung nakabangga niya ka-batch niya lang din iyon.
Naputol ang pagtanaw niya dito ng may humila ng buhok niya.
"Mabulag ka sana," ani ni Gabino na nakasimangot. Natawa siya at mabilis na ikinawit ang braso sa braso nito.
"Mas gwapo ka do'n," pang-uuto niya dito.
Inirapan siya nito. "Makatitig ka kulang na lang hubaran mo."
"Ang OA ha? 'Wag kang mag-alala kahit marami akong nililingunang poging lalaki ikaw pa rin ang baby ko." Kinindatan niya ito.
"Ha! May balak ka pang tumigin sa iba ng lagay na 'yan?"
"Wala! Ang akin lang, kahit makakita ako ng gwapo ikaw parin ang love ko."
"Tss!"
"Promise mamatay man yung pusa ng kapit bahay namin." Itinaas niya pa ang isang kamay saka ito nginitian ng matamis.
"Luka-luka," anitong pinipigilan ang ngiti sa mga labi. "Uwi na tayo?" inakbayan na siya nito.
"Teka, dadaan pa ko sa student council pipirma ko ng form."
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomanceLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...