Hindi nakatulog si Margaux sa paghihintay kay Jazon na makauwi.
Hindi niya naman ito maaaring tawagan dahil nakita niyang naiwan nito ang cellphone nito sa study room kanina.Tinawagan na lang niya ang mga byenan at nagbabakasaling naroon lang ang asawa. Hindi siya mapakali sa nararamdamang tensiyon at pag-aalala. Mahigit isang buwan pa lang silang kasal ngunit heto at napakalaking pagsubok na agad ang kanilang pinagdadaanan.
Mag-aalas dos na ng madaling araw nasa sala pa siya ng bahay nila at naghihintay sa pagdating ni Jazon.
Pilit niyang nilalabanan ang antok ng may maulinigan siyang paparating na sasakyan at bumukas ang electronic gate nila. Alam niyang si Jazon na yon kaya mabilis siya lumabas para salubungin ito.Nakita niyang pasuray-suray itong bumababa sa kotse nito. Halatang naglasing ito kung saan.
Agad niyang dinaluhan ang asawa ng makita niyang natutumba na ito sa sobrang kalasingan.
"Jazon bakit ka ba nagpakalasing ng ganyan?" Nag-aalalang tanong niya.
Ngunit parang hindi siya nito nakikilala dahil marahas siya nitong itinulak. Mabuti na lang at naka talungko lang siya kaya hindi gaanong masakit ang pagkakasalya niya sa sementadong daan."I-ishtay away from me... Andrea!!..
I don't need you!! You're such a lying bitch!... Ishtay away!!!." Wika nito na iwinawasiwas pa ang mga braso.
Naiyak naman siya sa nakitang anyo ng asawa. I thought I was strong enough to handle this situation but guess I was wrong. Masyado akong naging confident na makakayanan ko lahat kahit na nga ba nasasaktan na ako...Kahit nagmamatigas si Jazon para alalayan niya ay pilit pa rin niyang sinabayan ito sa paglalakad hanggang makapasok sila sa loob.
"Ohh.. hi there shoffaa.. dito na lang muna ako syayo kashi wala naman ako katabi sa room ko." Kausap nito sa sofa at pabagsak na umupo doon na nakalaylay ang ulo at mga kamay.
Nilapitan naman niya ito at tangkang aayusin sana ang posisyon ngunit sa kanyang pagkabigla ay malakas siya nitong itinulak.
"I told you to ishtay away diba!!!"Sabi pa nito.
Bumangga siya sa sulok center table doon at bumagsak siya sa sahig dahil nawalan siya ng balanse sa lakas ng pagkakatulak nito.
Naramdaman niyang tumama sa kanyang balakang ang dulo ng lamesita at sumigid ang kirot mula roon pero pilit niya yong ininda at sinubukang tumayo.
"J-jazon it's me, Margaux. Your w-wife.. I'm not A-andrea." Habang sinasabi yon at pinipilit pa rin niya makatayo. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha dahil naramdaman niya ang sobrang sakit na balakang.
"My wife?!!!! Oh! You're that woman who manipulated me to marry her. Just like Andrea!!!" Pasigaw na nitong sabi. Nagbalik ang mabangis na anyo nito kanina bago umalis.
Nahintakutan siya ng marahas na tumayo ito at mariing hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"J-jazon please let me go, nasasaktan ako!"..
"No!! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!!! Ikaw!!!" Sa halip na bitawan ay niyugyog pa siya nito at madiin pa ding hawak ang mga balikat niya. Hindi niya naiwasang makaramdam ng galit sa sinabi nito. Bakit siya pa ngayon ang masama sa paningin nito?
"B-kit naging ako ang may kasalanan Jazon?! I just did what I thought was the right thing to do!!" Pabulyaw na ring sagot niya dito at pilit inaalis ang mga kamay nito sa balikat niya. Mas lalo pa kasing dumidiin ang mga daliri nito. Parang mababali na ang kanyang mga buto.
"M-mam? S-ser?" Singit ni Lucy sa kanila na marahil ay nagising sa sigawan nilang mag-asawa. Nakahinga siya ng maluwag ng sa wakas ay inalis na ni Jazon ang pagkakahawak sa balikat niya. Mukhang nawawala na rin ang ispirito ng alak dito dahil matuwid ng nakakatayo. Laking pasalamat niya dahil dumating si Lucy.
Galit namang binalingan ito ni Jazon.
BINABASA MO ANG
VICTIMS OF LOVE
RomanceMATURE CONTENT | R18 | COMPLETED Jazon ang Margaux. Two beautiful souls who have been victimized by love. Jazon being lost and broken by his ex-girlfriend's sudden death, found Margaux, the girl who's more than willing to replace his first love in...