Chapter 5

132 69 4
                                    

NAMICHIKO

"I'm home" walang ganang pagtatawag ko kayla mommy at daddy ngunit wala akong natanggap na sagot. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa. Wala naman akong ginawa masyado ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at sasabog ang utak ko kakaisip.

Una, ang pagkaabsent ni Athena kanina. Halos hindi siya lumiliban at kahit pa may sakit ito ay pumapasok siya, she's that kind of student na ayaw na ayaw sa lahat ay ang malate at umabsent sa school, at kung liliban man siya, magpapaalam siya at hihiram ng notes sa akin, pero wala. Kaya ganun na lang ang pagtataka ko ng hindi siya pumasok ngayong araw.

Pangalawa, ang pagkamatay ni Janeah. Naniniwala akong hindi si Samantha ang gumawa niyon sakanya dahil kahit nagkaaway sila ng dahil kay Drake, kahit papaano ay matalik silang magkaibigan at isa ako sa mga saksi ng pagkakaibigan nilang iyon. At isa pa, bakit naman niya papatayin si Janeah? Dahil kay Drake? Hindi naman ata tanga si Samantha para gawin iyon?

Pangatlo, yung pinagsasabi kanina ni Samantha. Anong ibig sabihin niya? Sino ang tinutukoy niyang sana ay napigilan niya? May alam siya kung sino ang gumawa nun kay Janeah? Bakit hindi niya sinasabi? Sa mga magulang ni Janeah, sa mga pulis?

"Kasalanan ko to, kung sana may ginawa ako, edi sana napigilan ko siya at hindi ito mangyayari." napasabunot ako sa buhok ko. Patuloy parin akong binabagabag ng sinabi sakin kanina ni Samantha at ng mga katanungan sa isip ko.

Kinuha ko na lamang ang remote tsaka naghanap ng pwedeng panuodin, nakakapagod na magisip.

Patuloy parin ako sa paghahanap ng channel ng may umagaw sa atensyon ko. Kunot noong nakatingin ako ngayon sa bintana at tanaw na tanaw mula dito ang kulay kahel na ilaw, animo'y apoy, hindi kalayuan sa bahay nila... Athena.

Hindi na ako nagaksaya ng oras pa. Tumakbo na ako palabas ng bahay at tumakbo patungo sa gawi ng sunog. Nasa kabilang baranggay pa iyon at wala pa akong tsinelas ngunit wala na akong pakialam. Si Athena lamang ang naiisip ko ngayon.

Napahawak ako sa bibig ko at tumulo na ang mga luha ko ng makita kung kaninong bahay ang nasusunong. Kila Athena nga.

"Baby?" tawag sakin ni mommy na nandito rin pala. Si daddy naman ay nakita kong lumabas ng bahay nila Athena na dala dala ang katawan ng isang katawan.

Wala siyang ulo...

Dali dali akong tumakbo sa gawi ni daddy. Tiningnan ko ng mabuti iyong katawan hanggang sa mapako ang tingin ko sa kamay nito. Napahawak ulit ako sa bibig ko at napahagulgol ng marealize ko kung sino ito. A-athena...

Marahan kong hinawakan ang kamay niya. Suot suot niya iyong bracelet na binigay ko sakanya. Naramdaman kong may umakbay sakin at batid kong si mommy yun. Napaupo naman ako sa sahig. Nanghihina ang katawan ko. Kinuha ang katawan ni Athena kay daddy dahilan para maiwan kami dito sa harap ng bahay nila. Niyakap naman ako ni daddy.

"Shh, princess, don't cry, don't cry." pagpapatahan nito sakin ngunit hindi iyon nakatulong. Patuloy parin sa pagbuhos ang luha ko.

"Daddy, wala na si Athena, wala na ang bestfriend ko." sabi ko habang umiiyak parin. Hindi naman nagsalita si daddy at patuloy paring pinapat yung likod ko. Bigla naman akong nahilo.

"Baby? Baby!" bungad ni mommy, pagkamulat na pagkamulat ko. Inilibot ko ang tingin ko. Nasa loob ako ng kwarto ko. "Baby? Ayos ka lang ba? Gusto mo ng tubig? Teka lang ah? Hubby! Kumuha ka ng tubig, bilis!" natatarantang sunod sunod na sabi ni mommy. Bat ganon? Wala akong maalala?

"Anong nangyari, mommy?" tanong ko kay mommy dahilan para kumalma siya. Napayuko siya at bumuntong hininga na para bang nagaalinlangan at para bang hindi alam ang sasabihin. "Mommy?"

"Nahimatay ka kasi baby, sa tapat ng bahay nila Athena."

"Ha? Bakit naman nand---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi naalala ko na yung nangyari kanina. Naramdaman ko nanaman ang pagtulo ng luha ko. "M-mommy, kamusta p-po... kamusta po s-sila?"

"Wala na sila, princess" sagot ni daddy na ngayo'y kakapasok palang. Sinara niya yung pinto at tumabi kay mommy. Binigyan niya ko ng baso ng tubig. "Sabi ng mga pulis, hindi raw aksidente ang nangyari dahil nga napugutan ng ulo si Athena at may tama raw ng baril yung kaliwang hita niya. At isa pa, may saksak daw sila Oliver at Patricia." pagpapaliwanag ni daddy.

Napahawak nanaman ako sa bibig ko at humahulgol. Niyakap naman ako ni mommy.

Bakit ito nangyayari?

NICOLE

Nakatanaw ako sa bahay nila Athena na ngayo'y nasusunog. Maraming tao ang nagkukumpulan, maya maya naman ay dumating ang mga pulis, ambulansiya at ang mga firefighters. Nakita ko si Namichiko na dali daling tumatakbo sa direksyon kung nasaan ako kaya naman mabilis akong nagtago. Hindi niya ako pwedeng makita dito.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng nagdirederetsyo siya at tila ba'y hindi ako nakita. Bumalik ako sa dati kong pwesto. Nakita kong nakaupo si Namichiko sa tapat ng bahay nila Athena habang ang kaniyang mga magulang naman ay yakap yakap siya.

Maya maya lang ay bigla nalang natumba si Namichiko. Napangiti ako. Gumana ang pampatulog. Matagumpay ko ng magagawa ang aking mga plano.






Play (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon