(6)Prince Pov
Naman oh! Nasa iisang eskwelahan na nga kami , Iisa din kami ng CLASSROOM?! THE HECK!
"Can you introduce yourself to the class Ms. Roxell?" Tanong sakin ng adviser siguro nila na magiging adviser ko na din.
Tumango lang ako at hinarap ulit ang mga kaklase ko.
"Uhm, Hi, Prince Roxell po pala"
"I thought that your name is Princess Car-"
"Hehe, Iniba ko lang po"
Natawa nalang si maam at tinignan ako head to foot.
"Aaa, alam ko na, haha! Bagay kayo ni Mr. Williams" sabay silang lahat na napatingin kay B.
"HOY! DON'T STARE AT ME LIKE THAT! BAKA GUSTO NIYONG KALBUHIN KO KAYO?!" Sigaw ni B.
"Hahahahaha! Andrea ang defensive mo!!hahaha!"
Andrea?!
"Kagaya mo rin si Mr.Williams-"
"Miss ho! Hindi Mister!" Sigaw ulit ni B sabay Irap.
Tumawa nalang kami..
"Okay Ms. Prince where do you want to sit?"
"Aaa, kahit saan lang po" kahit sa teachers chair nga lang okay na okay na eh. Haha!
"Sa sahig niyo na yan paupuin!" Sigaw ulit ni B.
"Ikaw pala ang umupo sa sahig!"
"Ahm, Ms.Roxell ang vacant sit nalang ay yung katabi na upuan ni Ms.Andrea eh, okay lang ba?"
"Ano?! Ayoko!"
"Edi sa sahig ka nga umupo!"
"Pero Ms.Roxell yan nalang ang natitirang Vacant sit-"
Hhaaay!!! Ba't ang malas malas ko?
Alangan namang umupo ako sa sahig? Ano ako Aso?!
"Fine, I have no choice"
Pumunta nako sa tabi ng upuan ni B at umupo..
"NOOO!!!BAWAL KA DITO!"
sigaw niya sakin, kaya napatingin silang lahat saming dalawa.
"No mo mukha mong bakla ka! Manahimik ka nga! Baka gusto mo lagyan ko ng packaging tape yang bunganga mo!?"
Inirapan niya lang ako at binalik ang atensyon kay maam pero halata namang nagpapacute lang sa mga kaklase naming lalaki. Ang landi!
Nakakasira ng araw!
Nakinig nalang ako kay maam, kailangan kong maging top 1 sa klase.
"Hey, Pagpasensyahan mo na yan si Andrea ah? Ganyan talaga yan eh pero mabait yan"
Sabi nung babae sa harapan ko.
Mabait!? Yan mabait! In your dreams!!
"H-ha? Hehe, okay lang,"
" Bridgette Hermenez pala," sabi niya.
Shet... Ang ganda niya grabe..
"P-prince Roxell hehe..." Bakit ba nauutal ako?! Makapal naman mukha ko ah!
"Pwede mo bang sabihin yung pangalan mo talaga? I mean yung pambabae?"
"Hehehe, Princess Carolina Roxell nga pala,"
"Nice name, sige mamaya nalang tayo magusap baka marinig tayo ni maam eh."
Tumango lang ako.
Nice name daw? Haha! Mas gusto ko parin ang Prince Roxell kesa naman sa Andrea? Haha! Ang baduy!
BINABASA MO ANG
Ms. T meets Mr. B
Teen FictionWhat if magkabaliktad ang kilos ng babae at lalaki? Ang lalaki ang nanampal at nansasabunot . Ang babae ang nanununtok , astig at nagsusuot ng damit panlalaki. What if Ms. T meets Mr. B ?? Is it the start of their love story? Mapapalitan na ba ang...