(4)Prince Pov
Pagkatapos kaming payagan nila mama, hinatak na niya ako papuntang ewan...
"Hoy! Sa'n mo ko dadalhin?! Kung makahila to!"
"Shut up will you?!"
"Ayoko nga!"
Napadpad kami sa isang garden na na parang walang taong pumupunta.
"Hoy! Tomboy!! Anong sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ka ba nagthink na baka mapahamak aketch?!" Sigaw sakin ni B.
"Pakialam ko ba sayo!"
Akmang lalapitan na sana niya ako kaso, nagacting ako na parang ninja.
"Sige lumapit ka! Tatadyakan kitang bakla ka!" Umakto pa ako na sipain siya kaya napayuko siya..
"Sasabunutan kitang tomboy ka! Lumapit ka dito hindi ako natatakot sayo!"
Nako! Baka makalbo pa ako ng wala sa oras. Nakakatakot palang magalit tong mga bakla eh. Papatulan ko siya kung mataas ang buhok niya tulad ko kaso hindi eh,
Kawawa ako nito.
"Ayoko nga, edi ikaw ang lumapit!"
May dinukot siya sa likod niya na... KAHOY?!
Kailan pa siya nagkaroon ng kahoy sa likod niya?! Huwag niyang sabihin na may tinatago siyang kahoy kanina sa loob ng suot niyang tuxedo?
Aakmang susugurin niya sana ako kaso tumakbo ako. Waah! Ano ba yan!
Tumakbo ako pabalik sa table namin. Hingal akong umupo sa upuan ko.
"Baby, what happened to you? Mukha kang hinabol ng kabayo."
"Ma,correction lang, sobra pa po sa kabayo ang humabol sakin"
Nagtatakang tiningnan nila ako.
"Princess, Where is my son?" Tanong sakin ng mama ni B.
"Uhm, Siya nga po yung sinasabi kong sobra pa sa kab—"
"Ahehe, naghahanap lang po ako ng bulaklak na pwedeng ibigay sa kaniya. Oh eto Prince oh, flowers for you" Nakangising sabi ni B.
Kinilig naman ang mga magulang namin.
Grabe makapagsinungaling tong baklang to! Hindi kapanipaniwala!
Tinanggap ko nalang yung bulaklak na inabot niya sakin sabay amoy ko sa bulaklak..
Putek!!!!
"ACHHOOOO!!ACCHOOO!!ACHHOOO!"
ALLERGY nga pala ako sa mga bulaklak! Pulang pula na tuloy ako.
"Okay ka lang?" Sabi ni B sakin na halata namang pinipigilan niya lang ang tawa niya.. Bwiset.
Nilapit niya ang bunganga niya sa tenga ko sabay bulong ng....
"Yan ang bagay sayo! Tomboy na Pangit!"
"Walanghiya ka talaga!" Sabay hampas ko sa Mukha niya...
Nashock naman sila mama sa ginawa ko kaya..
"Hehe, ganiyan po kami maglambingan ni Blake hehe...diba Blake?"
Binigyan ko siya ng 'Makisakay ka nalang kung hindi patay ka sakin' look.
Napalunok naman siya, haha! Takot din pala to sakin eh.
"O-opo hehe...Pakiss nga Prince!"
Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.. Eeewwww!
Mahina kong hinampas ang mukha niya. Pero ang totoo ang sarap na talaga niyang hampasin ng malakas, yung Matutumba talaga siya at magkaroon ng amnesia at nakalimutan niyang bakla siya? Yung ganun.
"Is that so? Im happy for the both of you" sabi ng mama ni B samin.
"Ayyie! Si bunso babae na,"
"Ayyie si kuya aso na," sarkastiko kong sabi.
"Bunso naman,"
Biglang may nagsalita sa likod ko..
"Don't tell me your a guy na Ate?"
Lumingon ako para makita kung sino ang nagsalita. Tumambad sakin ang isang mukhang koreanang bata na nasa 6-7 years old.
"A-ako ba ang tinawatawag mong ate? Sorry pero kuya ang dapa—"
"Nope, " sabay tingin kay B, so si B ang tinatawag niyang ate?
>////< ayy nakakahiya..
"Ay, geez..Sorry!"
"Huwag ka ngang maingay diyan sushi!" Suway sa kaniya ni B na parang namutla naman siya. So, alam pala ng kapatid niya na Laking bakla siya? Kapatid nga ba niya yan?
"What are you talking about sushi?" sabi ng mama niya.
Teka, nalilito na ako ah! Hindi alam ng parents ni B na bakla siya pero ang kapatid niya kuno, alam na bakla siya? Kaya siya namumutla?
Sumasakit na ang ulo ko ha?! Shemay!
"Ahehe, nothing mom, excited lang po akong makilala ang soon-to-be-wife ni kuya Blake"
Sinong Blake?! Siya din ba si Blake? Eh sino si Andrei? Ibigsabihin ang pangalan niya ay Blake Andrei Williams? Magkakasakit na talaga ako ng ulo nito.
Nginitian niya ako.. Hayy, kung magsalita tong batang to, akala mo 20 years old na. Sino ba to? Kapatid ba talaga to ni B?
Kinurot ko yung tagiliran niya kaya..
"Ouch!—Aray naman!!" Napalitan tuloy ng panlalaki yung boses niya haha!!
"Bakit ba?" Tanong niya, halata namang kinabahan siya sa reaksiyon niya kanina haha!
"Kapatid mo ba yan?" Sabay turo ko sa bata.
"O yeah, she's my one and only Sister.. Sushi! Lumapit ka nga dito!" Bulong niya sakin bago niya tinawag ang kapatid niyang si Sushi?
Ang cute naman ng pangalan, Sushi? Sushi Williams? Ang cute!!parang korean na pinaghalo sa American. Pero Blake Andrei Williams? Ang gwa—baduy!!!
Oo nga naman ba't di ko na napansin kanina na magkahawig sila?
"Kaya pala magkahawig kayo pero bakit mukhang koreana ang kapatid mo tapos ikaw mukhang dugong?" Sabi ko.
"Anong sabi mo?!"
Napatayo na talaga siya.
"Blake! Napano ka?" Tanong sa kaniya ng mama niya.
"Aaa, yung dugong? Mukha kang dugong?"
"Hoy, bunso sinong mukhang dugong?" Tanong ni kuya Izan sakin.
Nagturuan kami ni B.
Napatango naman si kuya.
"Alam ko na sinong mukhang dugong,,"
"Sino kuya?"
"Kayong dalawa!haha!!"
Inirapan ko lang siya at nagsimula ng kumain.
"Wait, ladies and gentlemen , I have something important to announce"
Nagtatakang tiningnan namin si mama.
"Ehem, you Prince and Andrei will enter the same school this upcoming school days."
Nabulunan tuloy ako..
"ANO?!" Sabay sabi namin ni B.
----------------
BINABASA MO ANG
Ms. T meets Mr. B
Teen FictionWhat if magkabaliktad ang kilos ng babae at lalaki? Ang lalaki ang nanampal at nansasabunot . Ang babae ang nanununtok , astig at nagsusuot ng damit panlalaki. What if Ms. T meets Mr. B ?? Is it the start of their love story? Mapapalitan na ba ang...