Noong ika'y aking nakilala
Lubos ang aking paghanga
Sa karikitan ng iyong mga mata
Kumikislap pag ika'y tumatawaIka'y isang simpleng dalaga
Na ang iniisip lang ay magpasaya
Mga tao sayo'y tuwang-tuwa
Dahil sa mga biro mong nakakabaliw talagaNg hindi ko na napigilan
Ika'y aking niligawan
At hindi mo nga ako binigo
Sinagot mo ako ng buong pusoNgunit ng tumagal ay bigla kang nag-iba
'Di ko mawari kung ano ang naging problema
Hindi ka na ngumingiti't tumatawa
Madalas pa'y parang wala sa mundo at laging tulalaSinubukan kitang kausapin
Pero parang tinutulak mo ako sa isang bangin
Walang makita, sumasabay lang sa hangin
Hanggang sa bumitaw ka sa kapit ng mga kamay natinMahal, wag ka naman maglihim
Problema mo'y pwede mo sakin sabihin
Tutulungan naman kitang ito'y lampasan
Kung kumapit ka lang sana sa ating pagmamahalanIniwan mo ako ng biglaan
Kumapa ako sa kadiliman
At noong nalaman ko ang iyong dahilan
Nadurog ako ng lubusanSumasabay ang patak ng luha sa buhos ng ulan
Kasabay din nito ang pagkakapiraso ng puso kong sugatan
Binigkas ang huling hiling habang lubos na nasasaktan
Mahal, sana'y hintayin mo ako dyan sa huling hantungan.
BINABASA MO ANG
La Poesía
PoetryPoetry is when an emotion has found its thought and the thought has found words. ~Robert Frost * La Poesía is a spanish word of Poetries. This book is my collection of Poems.