“Hey...” He extended his hands to give me the bread and drinks he's holding. Tinignan ko muna iyon sandali saka kinuha na rin nang makaupo na ito sa tabi ko.
He is wearing a black pants paired with his denim long sleeves polo. He rolled its sleeves and opened its three buttons slightly exposing his chest. Ngayon ko lang nakompirma na magaling talaga siyang pumorma at magdala ng damit. Mula sa gilid ko ay hindi ko mapigilang amoyin siya. I could sniff his sweet manly scent...
“Anong ginagawa mo dito, Adriel?”
Hindi naman sa iniisip kong sinusundan niya ako pero nagtataka lang ako kung bakit nandito siya, unless he joined the music club.
He tilted his head to see me. “I joined this club before you do..."
Kaya naman pala. I just nodded. I didn't bother to purr a word. Bakit palagi akong speechless sa kanya? Kapag nagkikita kami dito sa campus ay ngiti lang ang kaya kong gawin. Hindi ko alam kung bakit ba ako naiilang sa kanya.
Biglang nabalot ng katahimikan ang music hall hanggang sa nagawa niya nang magsalita.
“May ipaparinig ako sa’yo." Hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako roon. Tila may kuryenteng dumaloy mula sa palad niya patungo sa akin. Naglakad kami papunta sa puwesto ng piano saka umupo ito.
“Upo ka dito sa tabi ko...” sabay tapik nito sa espasyo sa gilid. Umupo naman ako sa tabi niya. Mga ilang saglit ay pumikit siya saka nagsimula na sa pagtugtog. Pinagmamasdan ko lang ang mukha nito na napakamahinahon at payapa habang pinapakinggan ko ang tinutugtog niya.
Kitang-kita ko ang liwanag sa kanyang mukha na hindi ko pa nakita noon sa kanya. Hindi ko maitatanggi na napaka-gwapo niyang pagmasdan.
“Adriel…” tumigil siya sa pagtugtog at humarap sa akin. He looked at me and waited for the next words that I am going to say. I inhaled heavily before I flashed a small smile.
“I want to know everything...” I stopped for a while and took a deep breath again.
“I want to know what happened to me, to us. Please tell me...” He gently held my hands and looked at me.
“I will... in one condition,” he said while smiling. Isang nakakalokong ngiti. Ngiti na kay tagal ko ng gustong makitang nakapinta sa kaniyang labi...
Tinignan ko siya nang may pagkalito. Condition? Ano naman kaya iyon? Hindi na ako nagdalawang isip na pumayag basta malaman ko lang ang lahat.
“Okay, tell me. What’s your condition?”
“If you will allow me to court you,” he said teasingly and smirked. I was caught off guard. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? Tinignan ko siya ng seryoso at nag-isip muna sandali bago nagsalita ulit.
“Okay, if..” tinignan ko uli siya at binabasa ang tingin nito. “If you will ask my parents and my kuya formally about that.”
Ganoon naman kasi diba? Sa tingin ko ang unang dapat na magbigay ng blessing sa kanya sa panliligaw sa akin ay ang pamilya ko. Hindi naman pwede na banat lang ako ng banat na walang permiso ng magulang ko...
“I already did.”
Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. What? He already did? Nagpaalam na siya sa family ko? Formally? Kailan? Saan? Sunod-sunod na tanong ko sa isipan...
“I asked them yesterday. They said na okay daw sa kanila if okay sa’yo. So? Is it okay with you?”
Hindi pa rin ako makapaniwala. Inayos ko ang upo ko at nag-isip ng isasagot ko sa kanya. Ganun siya kabilis na talagang nauna na siya bago ko pa sabihin. Incredible.
BINABASA MO ANG
Me & You: Between Life And Death (COMPLETE)
RomanceAdriel Charles Santle is a rebel lost soul wandering in the world of anger, doubt and fear. Betryle Claire Harte is a sick girl who only has six months to live. When their path crossed, they were tied by a lamentable tragic episode in Afghanistan...