Kabanata 2
Speed Lang
Nanlalabo ang mga mata ko habang tinitignan siya. Nakalabas na kami sa bar at hila-hila niya ako papunta sa parking lot.
"You dance so good, baby.." Sabi niya habang nangunguna.
"Thanks.." Mahina kong sabi. Gusto ko nang matulog!
Huminto kami sa harapan nang isang blue na kotse. Pinasakay niya ako.
"Are you dizzy?" Tanong niya. Wala sa sariling napahawak ako sa bibig. Fuck. Nasusuka ako!
"No! No! Not in my car!" Natataranta niyang sabi at hinila ako palabas sa kotse. Itinapat niya ako sa isang basurahan at doon saktong sumuka.
"Tangina muntikan na." Rinig kong sabi niya.
Nang matapos ay inabutan niya ako ng wipes. Tinanggap ko ito at nagpunas ng bibig. Jusko. Napaupo na lang ako sa lapag.
"Tumayo ka nga." Sabi niya. Napairap na lang ako.
"Tangina mo, kauupo ko lang!" Dinuro ko siya at napahiga sa lapag. Haaay! "Alam mo ba! First time ko uminom!"
"Please, tumayo ka na.." Lumapit siya sa akin at inangat ako.
"Ih! Matutulog nako.."
"Fuck, woman." Fuck? Bastos to ah!
Napatakip ako ulit sa bibig ko.
"Tangina!" He cussed.
*
Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Tangina ni Janine. Tinakpan ko ang mga mata ko dahil sa liwanang galing sa labas. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko hanggang sa masanay sa liwanag.
"Oh fudge!" Kaninong kwarto 'to?!
"Gising ka na pala," napalingon ako at nakita ang isang lalaki na kalalabas lang sa cr. Nakatapis lang siya! Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Shit. Isinuko ko na ba ang bataan?!
"May nangyari ba sa'tin?!" He looked at me with amusement.
"Calm down, okay?" Ngumisi siya at naglakad palapit. Agad akong nagpanic.
"'Wag kang lalapit!" Sigaw ko at tinakpan ang katawan ko. "Sagot!"
"Meron!"
OH MY GOD! Napatakip ako ng bibig gamit ang dalawang kamay. Jusko mahabagin! Bakit? Bakit ko isinuko?! Nilingon ko siya. Nakatalikod siya sa akin at kumukuha ng damit sa wardrobe niya.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...