Enjoy reading!
Warning: SPG!
KINAGABIHAN pagkatapos namin kumain ay nag-usap kaming lahat na tatambay kami sa isang malaking cottage sa tabi ng swimming pool. Pagkatapos kong maghugas ng katawan ay sabay kaming lumabas ni Shiela sa tinutuluyan naming kubo.
Habang naglalakad kami patungo sa cottage ay panay pa rin ang tanong sa akin ni Shiela tungkol sa amin ni Aiden. Ayaw niya akong tigilan!
"Ma'am Anthonatte naman kasi ayaw sabihin ang totoo. Siguro boyfriend mo talaga siya," sabi niya at ngumuso. Napangiti na lang ako sa kanya.
Kung alam mo lang Shiela. Mas higit pa roon.
Nang makarating sa cottage ay kaunti pa lang ang naroon. Wala pa 'yong principal namin. Wala rin si Diether.
Agad kaming umupo ni Shiela. Magkatabi.
"Ang lamig pala rito sa San Miguel. Wala pa naman akong dalang jacket." Rinig kong sabi ng isa naming kapwa guro na babae. May katabi siyang isang lakaki na guro rin. At halata naman sa boses niya na nagpaparinig siya sa katabi niyang lalaki. Siguro ay may gusto siya .
Ilang sandali pa ang paghihintay namin at kompleto na ang lahat. Napatingin kami sa dalawang lalaki na papalapit sa cottage namin habang may hawak na case ng alak? Iinom sila?
Habang ang kasunod nila ay may nilapag sa lamesa na pulutan. Damn!
"Tamang-tama ito ngayon dahil malamig," sabi ni Shiela at kinuha ang tinidor at sumubo ng sisig.
"Ma'am Anthonette, gusto mo ba ng sisig?" Tanong niya. Tumango ako kaya agad siyang kumuha at binigay sa akin ang tinidor na may sisig. Kaya agad kong kinain 'yon.
"Ma'am Anthonette, gusto mo ba ng isang bote?" Tanong ni Diether at pinakita sa akin ang iniinok niyang beer.
Nakatikim na rin naman ako ng alak pero hindi ko kaya ang lasa at amoy.
"Hindi po ako umiinom, sir." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Agad naman siyang tumango at uminom. 'Yong ibang babaeng guro ay halatang sanay na sa alak. Parang walang-wala sa kanila ang amoy at ang pangit na lasa.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo," napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si Aiden na napaka-seryoso ng mukha.
Hindi ba siya umuuwi? Dito ba siya natutulog? O sadyang ngayon lang siya hindi umuwi dahil narito kami?
"Sir Aiden. Tara, inom." Pag-aya sa kaniya ni ma'am Laina.
Naramdaman ko ang pag kurot sa akin ni Shiela sa tagiliran kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ma'am, tingnan mo nakatinhin na naman sa 'yo si sir Aiden," bulong niya.
Agad akong tumingin kay Aiden at tama nga si Shiela. Nakatingin siya sa 'kin ng seryoso. Damn it!
Ilang saglit lang ay ako ang unang nag-iwas ng tingin.
"Sure. Kung okay lang sa mga kasamahan niyo?" Sagot niya na para bang humihingi ng permiso sa aming lahat.
"Okay lang po sir Aiden. Upo po kayo." Agad na sagot ni Shiela at ang ikinagulat ko pa ay tumayo siya upang pa-upuin si Aiden sa tabi ko. Damn it!
"Thanks, Shiela?" Sagot niya na hindi sigurado sa pangalan ni Shiela. Tumango naman ang katabi ko.
"No problem, sir Aiden." Sagot niya at kinindatan pa ako.
Pagkatapos ay agad siyang naghanap ng mauupuan. At saktong sa tabi ni Diether.
Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Aiden sa tabi ko. Parang ayaw ko ng gumalaw sa inuupuan ko. Ramdam ko ang balat niya na dumidikit sa aking balat.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 3: Aiden Sarmiento
RomanceSa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal sila at tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Nagpakasal silang dalawa dahil mahal nila ang...