Chapter 10: The Deal

74 7 0
                                    

Mhica's Pov

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya bumangon na lang ako at naligo. Pagkatapos ay nag bihis ng school uniform atsaka lumabas na nakita ko sina kuya sa mesa na kumakain at naka school uniform na din kaya nilapitan ko sila.

"Good morning mga guwapo kong kuya" bati ko at umupo na sa tabi ni kuya Bryan

"Good morning din princess" sabi ni kuya Bryan ngumiti lang ako.

"Ang aga aga binobola mo kami bunso. Ano ba ang nakain mo?" tanong ni kuya drake

"Hindi pa nga ako kumakain eh"

"Ang pilosopo mo talaga bunso" sabi niya at nagsimula na akong kumain.

"Mukhang ang saya mo ngayon princess ah parang bang walang nangyari kahapon?" tanong ni kuya Bryan ngumiti lang ako.

"Kuya, kahit ano pang nangyayari sa atin dapat stay positive lang tayo wag tayong mag-isip ng negative malalampasan din natin to" sabi ko

"Tama ka naman dun, pero bakit ba sobrang saya mo ano bang meron?" tanong ni kuya Drake

"Wala naman po. Masama bang maging masaya?" tanong ko

"Hindi naman iba lang talaga ang saya mo ngayon siguro may nanliligaw na sayo no? Ipakilala mo siya sa amin" sabi ni kuya Drake

Hayyy, iba talaga ang iniisip niya.

"Kuya, naman ano bang sinasabi mo? Walang nanliligaw sa akin. Okay" sabi ko

"Bunso, hindi kami naniniwala sayo kapag nakita talaga kita na may kasama kang lalaki na hindi mo pa pinakilala sa amin humanda ka talaga sa akin" sabi ni kuya Drake

"Kuya, ano ba ang iniisip niyo? Wala nga akong manliligaw yan ang totoo inaamin ko noon may tumangkang manligaw sa akin kaya lang umayaw ako sa kanya" sabi ko ngumiti naman sila

"Aba, bakit ka naman umayaw?" tanong ni kuya Drake

"Princess, Ikaw pa ang choosy ah" sabi ni kuya Bryan na natatawa.

Hindi ako choosy.

"Hindi ko siya gusto kaya umayaw ako" sabi ko

"Sige, sabi mo eh pero kapag may nanligaw ulit sayo ipakilala mo agad sa amin para makilatis namin" sabi niya tumango lang ako.

"Ang ganda talaga ng princess natin kuya Drake ang daming nanliligaw" sabi ni kuya Bryan

"Anong madami dun kuya?" tanong ko

"Si Matthew yung kababata mo noon. Hindi ba nanliligaw din sayo yun noon?" tanong ni kuya Drake

Bigla kong naalala tuloy si Matt.

"Miss ko na po siya" sagot ko

"Kami din. Hay, bakit ko ba yun sinabi" sabi ni kuya

Kamusta na kaya siya ngayon?

My second childhood best friend.

"Nagtataka ka pa ba Bryan, kung bakit ang daming nanliligaw sa kapatid natin? Ang ganda naman talaga eh pero wala pang naging boyfriend" sabi ni kuya Drake na natatawa tumawa din si kuya Bryan. Ang aga aga ang lakas nilang mangtrip sa akin ngayon.

"Kuya!" sigaw ko

Tama naman si kuya. Wala naman talaga akong naging boyfriend.

Natapos na kaming kumain kaya kumabas na kami ng bahay nagcommute papuntang school hinatid na naman nila ako sa classroom.

"Bye kuya's" sabi ko

"Bye princess/bunso" sabay na sabi nila

Pumasok na ako sa loob at umupo nandito na din si Gel.

"Good morning, Gel" bati ko

"Good morning din Mhics, kakausapin mo na ba si Dean?" tanong niya

"Oo, pupuntahan ko na siya ngayon para kausapin" sabi ko

"Sige" sabi niya

At umalis na ako papunta na ako ngayon sa office ng dean nandito na ako sa tapat at kumatok muna ako.

"Pasok" rinig kong sabi ng dean kaya pumasok na din ako.

"Oh, hija naparito ka?" tanong ng ama ni Kyle

"Tatanggapin ko na po ang offer niyo dahil kailangan ni papa ng malaking halagang pero para sa kanyang operasyon" sabi ko

"Magkano ba ang kailangan niyo hija?" tanong niya

"2 million po" hiyang sagot ko tumango lang siya.

"Sige ako na ang magbabayad lahat, hija" sabi niya nagulat naman ako sa sinagot ni mr. Dean hindi ako makapaniwala.

"Talaga po?" gulat kong tanong

"Oo, pero kailangan mong madisiplina ang anak ko hija" sabi niya tumango ng nakangiti ako. Wala pong problema.

"Opo, gagawin ko po" sabi ko

"Titira kayo sa iisang bahay para malaman mo ang kanyang ginagawa at nais kong sabihin mo sa akin ang kanyang mga ginagawa at ikaw na ang bahalang magdisiplina sa kanya. Kahit anong gusto mong ipagawa sa kanya bibigyan kita ng hanggang isang daang araw lang para magawa mo. Pagkatapos nun ay puwede ka ng umuwi sa inyo at ako na ang bahalang magsabi sa kanya. Alam kong magagawa mo ito hija" mahabang sabi niya at ngumiti

Nagulat na naman ako sa sinabi niya.

"Ano po? Titira kami sa iisang bahay? Bakit po" gulat kong tanong

"Bakit hija, may problema ba?" tanong niya

"Sir, babae po ako at lalaki siya at kami lang dalawa ang titira sa iisang bahay hindi naman po puwede yun" sabi ko

"Hija, alam ko naman na walang gagawin sayong masama ang anak ko kahit ganun yun may respeto siya sa babae pero kung sakaling gagawan ka niya ng masama sabihin mo agad sa akin" sabi niya
tumango na lang ako.

"So, do we have a deal. Hija?" tanong niya

"Opo" sabi ko

Ngumiti naman siya.

Nilahad niya ang kaniyang kamay para maki pag shake hands tinanggap ko naman yun.

"Kailan po ako magsisimula?" tanong ko

"Sa susunod hija ipapasundo na lang kita sa bahay niyo" sabi niya

Tumango lang ako.

"Lalabas na po ako" sabi ko

Tumango naman siya at lumabas na ako.

Paano ko ito sasabihin sa kanila hayts ano ba to ang napasok ko pero hindi bale para ito kay papa.

Gagawin ko lahat gumaling lang siya magagawa ko to isang daang araw lang naman.

Hayts ang tagal naman nilahad niya ang kaniyang kamay para makipag-shake hands tinanggap ko naman.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon